Sinubukan ko pa rin namang pakalmahin ang galit ni Hamish. "Ganito kasi iyon. Kailangang kong habulin ang ibon dahil sa ninakaw nitong supot ni Nip. Hindi ko alam na naroon ka kaya makikita mong hindi sadya," paliwanag ko baka siya'y makinig. Ngunit sa kasamaang-palad wala na siyang pinapakinggan sa pagdilim ng kaniyang paningin dahil sa galit. "Huwag mo akong pinagloloko!" sigaw niya sa pagkumyos niya ng kamao. "Babasagin ko na ang mukha mo!" Napabuntong-hininga ako nang malalim. "Nais mong madagdagan ang may sira sa mukha ganoon?" ang naisipan kong sabihin. Sinubukan ko lang kung anong magiging resulta. "Nalulungkot ka ba na ikaw lang mag-isa?" "Nang-iinsulto ka ba? Ha?" bulyaw niya sa akin. "Ganoon ba ang tingin mo sa sinabi ko? Puwes para sabihin ko sa iyo, bagay lang sa iyo. Pali