26

1826 Words

Dumating ang gabi ng pagsindi kaya kahit sa malayo pa lang ay makikita na ang mga makukulay na bilugang ilaw na nakalutang sa kalangitan kung saan naroon ang lawa. Iyon ang unang pagkakataon na makasaksi ako ng piyesta na iyon kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tumungo roon. Hindi nga sana balak sumama ni Nip ngunit napilit ni ginoong Henrik. Sa huli ay napasama na rin siya. Mabagal kaming naglakad sa mabatong daan patungo sa lawa. Nakasabay namin ang iba pa na nakaayos samantalang kami ay kung ano lang ang suot sa buong araw. Sa magkabilang dako ay kinatutubuan ng mga halamang mahalimuyak bago ang mga nagtatayugang punong-kahoy. Ang mga mata ko ay hindi ko inaalis sa mga bilugang ilaw. Maririnig pa mula sa lawa ang musikang binibigay ng instrumentong gawa sa bagting --- manipis, mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD