Hindi ko malaman kung paano ko malilinis ang kabuuan ng silangang pader ng kastilyo. Gamit ko lamang ang bras na mayroong mahabang hawakan na kahoy nang maalis ang makakapal na lumot na kumapit roon. Pakiramdam ko ay hindi naman talaga nililinisan iyon. Naisipan lang na iparusa sa akin ni Hamish dahil sa kawalang galang ko. Pinipilit kong tanggalin ang lumot habang pinagmumura ko siya sa isipan. Kaya lamang sa katagalan na ng lumot doon kahit anong bras ko ay makapal pa rin. Ang taas ng pader ay mahigit dalawampung dipa, isama na rin ang haba nitong sa tantiya ko'y apatnapung dipa mahigit. Kaya hindi ko matatapos iyon sa buong araw nang nag-iisa lang. Si Nip naman ay hindi nakatulong kasi pinagbawalan ng mga kawal. Kaya mag-isa siyang namili ng mga kakailanganin ni 'tay Henrik. Sa likura