Sinubukan niyang itaas ang malaking tibag ng bato kaya lamang wala pa rin iyong nagawa. Pinaulit-ulit niya pa kaya nagsayang lang siya ng lakas. Pinagpahinga na lang niya ang kaniyang katawan sa ibabaw ko habang ang mukha niyang balot ng maskara'y nakabaon sa aking leeg. Habang tumatagal kami sa ganoong posisyon nararamdaman ko rin na nagkakaroon ng reaksiyon ang sarili kong karupukan kahit hindi ko naman gusto. Dahil doon tiningnan niya ako sa mata, inilayo ko ang mukha sa kaniya. Gumalaw ang kaniyang kamay dahil doon sabay inihawak sa aking baba. Sumunod ay pinakatitigan niya ako. Inilayo ko ulit ang mukha ko kaya lamang binabalik niya lang. Sinamaan ko na lang siya ng tingin na nadagdagan pa ng talim nang kurutin niya ang ibaba kong labi. Pinaulit-ulit niya iyon hanggang namula. Kinapa