14

1423 Words
Pagbagsak ko'y nagpagulong-gulong ako na natigil lang sa pagbangga ng likod ko sa may kalakihang puno. Tumakas ang malakas na ungol sa aking bibig sa sakit ng pagtama ng likod ko at napangiwi pa ako dahil sa nasugatan kong dibdib. Nararamdaman ko ang paglabas ng mainit na dugo. Sa pagtayo ko'y hinawakan ko ang nagdurugo kong dibdib. Napalingon sa akin ang demonyo nang malamang nakakagalaw pa ako, binalak na naman ako nitong atakihin. Naisip ko tuloy si Hamish na sana'y naroon siya. Sinubukan kong magpalabas ng papel sa aking daliri ngunit hindi iyon nangyayari dahil sa lakas na inilalabas ng demonyo. Nag-iisip ako ng ibang paraan na hindi ko naman naituloy. Muli namang kikilos ang demonyo na hindi napigilan katulad ko dahil sa paghawi ng mga dahon sa aming uluhan. Lumusot dito ang isang kuwagong itim doon kasabay ng sinag ng araw. Pagkalampas ng kuwago sa mga dahon kaagad itong nagbago ng anyo sa mabilis na kilos --- katawan ng isang tikling. Kasingbilis ng hangin ang pagbago ng katawan nitong humaba kasama na ang mga kamay at paa kasunod ng ulong may sungay. Sa paglapag ng tikling sa lupa sa harapan ko'y kaagad kong nalaman na ito ang demonyong sumusunod sa akin. "Pasensiya na puno. Nahuli ako sa pagdating. Nagtungo na kaagad dito nang maramdaman kong nasa panganib ka," wika niya sa malalim niyang boses na ang tingin ay sa demonyong kaaway. Nakahinga ako nang malalim sa pagsasalita niya. "Hindi ko kailangan ng tulong mo," ang sabi ko. Nang malamang wala na akong ibang sasabihin, hinarap niya ang kaaway na demonyo upang ito ay kausapin. Magkasing-laki lamang ang dalawa. "Titigil ka. O tatapusin ko ang buhay mo," sabi niya na may kasamang pagbabanta. Umatungal ang demonyo sa kaniya't tinusok nito ang matutulis na kamay sa kaniya. Napigilan niya naman ang kamay nito't pinipilit na nagpalaho roon. Napaatras ang demonyo kasabay ng pagtubo ng kamay nito. "Bakit mo siya tinutulungan?" ang sabi ng demonyo sa maraming tinig. Ang mga tinig na narinig kong bumulong sa akin habang nasa talon ako. Hindi ito sinagot ng demonyo bilang tikling sa paglingon niya sa akin sabay sabing, "Patawad puno ngunit parating na ang kasama mo." Tumingin siya kung saan ako galing kanina. "Kailangan kong magpalit ng anyo." Matapos ng kaniyang sinabi'y lumiit ang katawan niyang tikling hanggang sa naging bilog na maliit kapagkuwan ay naghugis marten na itim ang balahibo sa makailang ulit na pag-ikot habang nasa ere. Mula sa ere'y lumapag siya sa balikat ko at doon na nanatili. Pareho naming inabangan ang gagawin ng demonyo. Inilapit ng demonyo ang kaniyang kamay sa akin at hinayaan ko itong ako ay sakalin. Kahit ang demonyong marten ay walang ginawa na lumipat lang sa aking ulo. Iniangat ako ng demonyo mula sa lupa na may ilang dipa ang taas. Halos dumikit na ang ulo ko sa mga dahon sa lalong paghigpit ng pagsakal ng demonyo sa akin. "Papatayin kita!" ang sigaw ng demonyo sa maraming tinig. "Kukunin ko ang kaluluwa mo!" "Ba't 'di mo subukan?" panghahamon ng demonyong marten na nakatayo sa ulo ko. Sa galit ng demonyo'y tinapon ako nito patungo sa malaking puno na ikinatalon ng demonyong marten palayo sa ulo ko. Mabilis na lumampas sa likod ko ang hangin sa pagbulusok ko. Ngunit bago pa ako tumama sa puno'y dumating na si Hamish na mabilis na tumalon sa ibabaw ng pahilig na lupa patungo sa akin, sa likuran lamang ng demonyo. Sinalo niya ako sa dalawa niyang mga kamay kapagkuwan ay lumapag sa lupa na nakatalikod sa demonyo, nagdulot ito sa mga dahon na maglalaro sa paligid naming dalawa na tila ba isa iyong magandang palamuti sa pagligtas niya sa akin. Hindi ko nasabi sa sarili ko kung natutuwa ba siyang nahabol niya ang pagtama ko sa puno. Sa muling paglapag ng mga dahon sa lupa'y pumaikot ang apoy sa demonyo, gumuhit iyon ng bilog sa lupa. Kahit na hawak pa rin ako ni Hamish na nakatitig sa mga sugat ko sa dibdib. Dinagdagan niya pa ang apoy na nakapaikot sa demonyo, naisama sa pagkasunog ang mga tuyong dahong kalapit. Nang mapansin ni Hamish na nakatitig ako sa kaniya, bigla niya akong binitiwan sabay ang sigaw niya'y, "Akala ko ba sisigaw ka kung nakita mo na!" Napatukod na lamang ako ng aking mga siko sa lupa upang hindi tuluyang mapahiga. Sa lapit ng mukha niya sa akin, tila nabingi ang tainga ko sa pagsigaw niya. Nang sandaling din iyon ay gumapang palapit sa akin ang demonyong marten na pinagmamasdan ang sugat ko sa dibdib. Napatingin pa nga ang mga mata niya bilang marten ngunit hindi naman siya makapagsalita dahil nandoon si Hamish. Lumipat na lamang siya sa balikat ko sa pagtayo ko samantalang si Hamish ay hinarap ang demonyo. Tinaas niya ang kaniyang kanang kamay sa demonyo kasunod ng malakas na apoy na bumalot dito mula sa lupa paitaas, gumawa iyon ng ipo-ipong apoy. Umatungal ang demonyo sa labis na init ng apoy na bumabalot dito. Dahil doon naalala ko ang matandang lalaki kaya kaagad akong nagsabi, "Hindi mo siya maaring sunugin. Maisasama mo ang matanda." Napalingom si Hamish sa akin dahil sa sinabi ko. "Anong pinagsasabi mo?!" mariin niyang sabi. Hindi niya binaba ang kaniyang kamay upang matigil ang apoy. "Mayroong tao sa katawan niya," ani ko na siya ring pagsilip ng mukha ng matanda sa dibdib ng demonyo. Nakapikit lamang ang mga ito na wari ko'y natutulog lamang. Sa pagbalik ni Hamish ng tingin sa demonyo'y nakita na niya ang mukha ng matanda kaya kaagad niyang pinatigil ang pagkalat ng apoy. Naglaho ang apoy kasing bilis ng paglabas niyon. Ang katawan ng matanda'y unti-unting humiwalay sa katawan ng demonyo. Sa pagbagsak nito sa lupa'y siya ring pagkawala ng demonyo sa hugis ng katawan nito. Lumipad ang demonyo paitaas kapagkuwan ay muling bumaba, bumulusok hanggang sa tumama sa lupa upang magbalik sa kung saan ito galing. Ang tanging naiwan na lamang sa lupa'y ang mga dahong nadumihan ng itim na dugo. Kasunod niyon ay ang paglapit ni Hamish sa matandang lalaki, inayos niya ang pagkahiga nito't pinakiramdaman ang pagtibok sa pulsuhan nito. Nang sandaling din iyon ay nakarating na si Nip sa dakong iyon na humahangos "Anong nangyari?" ang tanong niya sa pagbaba niya sa pahilig na lupa. Napatingin siya sa matandang sinusuri ni Hamish kung may mga sugat sa katawan. "Bakit narito si ginoong Rigo?" ang tanong pa niya nang makilala niya ang matandang lalaki. Napapatingin ako sa mukha ni Nip na nabahiran ng pagtataka sa paglapit niya sa akin. "Marahil tinawag siya ng demonyo," wika ko. Napapatitig siya saglit sa marten sa balikat ko na inalis niya rin agad. Hindi namin naituloy ang pag-uusap nang magbanggit ng isang pangalan si Hamish. "Bium," sabi niya kasabay ng paglitaw ng mga mumunting ilaw kasunod ng paglabas ng puting agila niya sa kaniyang likuran. Napaatras kami ni Nip upang hindi kami mahagip ng mga pakpak nitong nakuha pang ibuka, mabuti naman kung hindi ito malahigante. Binayaan ni Hamish panandalian ang matandang lalaki sa lupa kapagkuwan ay sumakay siya sa likod ng puting agila. Sa pagpagaspas ng mga pakpak nito'y tinapunan ako ng huling tingin ni Hamish. Ang agila naman ay ikinulong sa isa nitong paa ang matandang lalaki. Pagkatapos akong matitigan ni Hamish, wala siyang sabi-sabing pinalipad ang agila pataas dala ang matanda. Napasunod na lang kami ng tingin ni Nip sa paglusot ng agila sa mga dahon sakay si Hamish. Ang tanging iniwan ni Hamish ay ang mga nahuhulog na dahon na naglalaro sa hangin bago tuluyang babagsak sa lupa. Binaling ko ang aking mata kay Nip sa pagsasalita niya, "Kailangan din nating umuwi dahil sa sugat mo." Naalala ko bigla na nasugatan nga pala ako. "Huwag kang mag-alala. Maayos lang ako," saad ko dahil humihilom ang sugat ko ng kaniya lang. Napatitig na akin si Nip. "Malaki kaya ang sugat mo," aniya na balak sanang tingnang maigi ang aking dibdib kaso hindi niya naituloy dahil naman sa nakatingin sa kaniyang demonyong marten. "Saan mo ba nakuha iyan? Ang sama kung makatingin," sabi niya pa na nakaturo sa nilalang sa balikat ko. "Lumapit lang sa akin," ang sabi ko na lamang sabay kuha sa marten. Pinakatitigan ko ito sa aking pagtalikod kay Nip. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na layuan mo ako ha?" pabulong ko sabi na may diin. Hindi ko ito hinintay na sumagot. Binitiwan ko na lang ito sa lupa. Hindi naman na ito sumunod sa paglalakad namin ni Nip. "Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong pa ni Nip. "Kayang maghilom ng mga sugat ko ng kaniya lang," ang sabi ko naman. "Ano?! Hindi nga?!" bulyaw sa labis na gulat. Kinapa niya pa ang dibdib ko kaya nalaman niyang wala na ang kalmot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD