15

1817 Words

Pinag-uusapan ng mga tao ang nangyari sa ama ni Ruso na si ginoong Rigo. Napag-alaman kong hindi binalita sa mga tao ang tunay na dahilan kung bakit nagtagal sa kakahuyan ang matanda. Ang naging haka-haka ng mga makakati ang dila ay nabaliw ito dahil sa isang sumpa sa kaniya. Naging isang masamang bagay ang paglalakbay nito sa ibang kaharian. Sinasabing umaalis ito ng kaharian ng tigre sa paghahanap sa kaniyang dating minamahal bago pa nito mapangasawa ang maharlikang ina ni Ruso. Hindi rin mapigilan ng ilan na masamain ito, tingin ng mga iba'y nakikipaglaro ito sa ibang babae kaya binigyan ito ng kaparusahan. Ang hindi alam ng mga tao ay 'di ganoon ang nangyari. Kung malalaman nilang nawala sa katinuan ng pag-iisip si ginoong Rigo dahil sa pagsanib ng demonyo sa kaniya, paniguradong mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD