16

1987 Words

Sinamaan ko siya ng tingin kapagkuwan ay iniwan siyang nakatayo roon. Nilampasan ko rin ang tahimik na si Maware. Lumakad ako patungo sa dalanginan hindi dahil papasok ako roon. Dumaan lang ako sa gilid nito kaya hindi maiwasang tingnan ang pulidong pagkagawa ng dingding nito --- dikit na dikit ang mga tablang ginamit. Isama pa ang bubong nitong gawa naman sa mga batong parisukat na pinagpatong-patong. Wala akong narinig na ingay mula sa loob sa pagdaan ko rito. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating sa likuran ng dalanginan kung saan naroon ang malaking punong ang katawan ay nagliliwanag. Maging ang mga dahon nito'y kumikinang sa pagbabago-bago ng kulay. Sumagi sa isipan ko ang panaginip ko dahil magkatulad ang puno sa panaginip at sa harap ko. Nang maalala ko ang sinabi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD