Chapter 4

1572 Words
PRINCE DEVON “Teka parang iba nayan ah? Ang sabi mo isang araw lang tayo mananatili dito bakit ngayon sinasabi mong ayaw mo pang umuwi? Hindi kaya nagbago na ang isip mo at gusto mo nang ituloy ang pag-iisang dibdib niyo?” Marahas na nilingon ko si Sanjo at inangilan ko siya ng aking pangil at umisang hakbang ito palayo sa akin. “Kung gusto mong umuwi, mauna ka na. Ewan mo muna ako dito.” seryosong sabi ko sa kanya. Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi puwede baka magalit ang ama mo kapag umuwi ako ng Zereyo nang hindi ka kasama.” sagot niya. Napatingin ako sa mataas na talon kung nasaan kami ngayon. Naalala ko ang nangyari kanina ngayon ko lang naramdaman ang ganung pakiramdam. Kahit kay Emma na sekreto kong kasintahan hindi ko yun naramdaman nang halikan ko si Prinsesa Thana. At isa pa may kung anong gumugulo sa isip ko tungkol sa sinabi niyang ibang mundo kung saan siya nangaling. “Sanjo, sa tingin mo? Ano kaya ang ginagawa ng prinsesa sa labas ng palasyo?” Usisa ko sa kanya. Dahil sa pagwawala niya kanina nakalimutan na nang kanyang ama na pag-usapan ito. “Ewan ko, baka tumakas or naghahanap ng magiging biktima niya?” May malalim siyang sugat kanina matagal ito bago naghilom kaya sa tingin ko hindi ordinaryong sandata ang ginamit sa kanya. “Imposible yan Sanjo. May mga tagasunod na naghahatid ng sariwang dugo ng hayop sa mga kagaya niyang maharlika. Sa tingin ko may naka-away ang prinsesa at itinatago niya ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng kung ano-ano kanina.” “Ano? Ibig mong sabihin…maaring nagpapangap lang siya kanina?” Yun din ang naiisip ko. At may isa pa akong napansin. Hindi ko makita ang nasa isip niya, Minsan ginagamit namin ang isip upang makapag-usap sa ibang kagaya namin lalo na kapag nasa digmaan kami. Pero siya, malabo at wala akong makita. Kaya hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo kanina. “Samahan moa ko, balikan natin ang lugar kung saan natin natagpuan ang prinsesa.” Seryosong turan ko sa kanya. Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko upang makalabas kami ng palasyo bago pa kami abutan ng dilim. Kasunod ko na si Sanjo na mabilis din ang pagkilos nito. Walang nakapansin sa amin nang talunin namin ang mataas na pader ang Arezan palabas ng palasyo. Hangang sa makarating kami sa lugar kung saan namin nakitang walang malay si Prinsesa Thana. “Talasan mo ang ‘yong mga mata. Baka sakaling may makita tayong bagay na puwedeng makatulong para matunton natin ang gumawa noon si Prinsesa.” Utos ko sa kanya. “Okay, Prinsipe Devon.” Naghiwalay kami ng lakad habang pinagmamasdan ang paligid. Sa tingin ko may naganap na laban dito. “May mga dugo pang nagkalat sa gawi na ito Prince Devon.” Lumapit ako sa kanya at ipinakita niya ang tuyong dahon na may patak ng dugo. Inamoy ko ito at may nalaman agad ako. “Hindi ito dugo ng isang bampira, dugo ito ng tao.” “Ano? Tao?” Pareho kaming nagpalinga-linga sa paligid pero kahit anong layo ng abot ng aming paningin wala akong makita at maamoy na tao sa paligid. May mga taong naninirahan sa kabilang bahagi ng bundok. Takot silang magtungo sa lugar na ito dahil alam nilang teretoryo ito ng mga bampira. Pero hindi ko akalain na may taong maglalakas loob na pumunta dito upang saktan ang prinsesa? Lalo akong nahihiwagaan sa mga nangyayari. “Prince Devon! Dito!” Napalingon ako sa kanya nang may itinuro siya mula sa lupa. “Hindi kaya ito ang sandata na ginamit sa kanya?” Pinigilan niya ang kamay ko nang dadamputin ko na ito. “Cold Iron ang tawag diyan. Kapag nasugatan ka niyang matagal bago maghilom ang sugat. Ngunit kapag sa puso mo bumaon ang patalim na yan siguradong hindi ka na aabutin ng pagputok ng liwanag.” Napayuko ako upang pagmasdan ang makinang na sandata. Isa ito sa kahinaan naming mga bampira. At tama ang sinabi ni Sanjo. Mapanganib na hawakan ko ito kaya hindi ko ito puwedeng dalhin. “Tara na! Baka hinahanap na tayo ni King Geraldo.” “Sandali! May nakaukit sa sandata.” Pigil ko sa kanya. Pinagmasdan ko itong mabuti. Isang imahe ng itim na ahas ang nakapalibot sa isang bulaklak. Ganun ka-special ang sandata na ito. “Sanjo, ilibing natin ang sandata malapit sa tarangkahan ng Arezan. Sa tingin ko mahalaga ito para mahanap kung sino man ang nagtangka sa Prinsesa.” Utos kong muli sa kanya, Kumuha siya ng tela mula sa suot niya at ginamit ito upang damputin ang patalim sa lupa. “Tayo na.” Mabilis kaming bumalik sa palasyo, nilibing muna namin ang patalim bago kami pumasok sa loob. Dumerecho kami sa tinutuluyan ng prinsesa. “Anong gagawin natin? Baka magalit ang hari kapag hindi niya ininom ang sariwang dugo na hinain natin?” Narinig kong sabi ng tagapaglingkod na kakalabas lang sa loob ng kanyang silid. “Hindi niya kakayanin ang hindi uminom ng sariwang dugo. Paniguradong manghihina siya.” Sagot naman ng kasama nito. Napalingon sila sa akin at nagulat nang makita ako. Sabay silang yumuko sa harapan ko. “Anong problema?” nagtatakang tanong ko sa kanila. “Ang Prinsesa Thana po kasi, tinatangihan niya ang lahat ng dinadala naming pagkain.” Nakayukong sagot niya sa akin. “Sige na, umalis na kayo. Ako na ang bahalang kuma-usap sa kanya.” Humakbang ako patungo sa pintuan ng kanyang silid. At nang buksan ko ang pinto ay hindi ko siya makita sa kama. “Nasaan ka?” Hindi siya sumagot pero naririnig ko ang paghikbi niya. Umiiyak na naman siya. Humakbang ako patungo sa kabilang bahagi ng kanyang hinihigaan at nakita ko siyang nakasandal sa gilid ng kanyang kama. Nakayakap sa kanyang mga tuhod at nakatalukbong ng kumot. Lumapit ako sa kanya at yumuko. “Bakit ayaw mong kumain?” Itinaas niya ang kumot at bumungad sa akin ang maputla niyang mukha. “Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kaysa uminom ng dugo.” Nangingilid ang luhang sambit niya. “Nagawa mo na kanina diba? Doon sa mga kalaban? Bakit hindi mo magawa ngayon?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “H-hindi ako may gawa noon, hindi ko kayang gawin yun. Lahat ng nakita mo kanina. Imposibleng ako yun.” Pinagmasdan ko siyang Mabuti pero kahit anong titig ko sa kanya hindi ko makita kung nagsisinungaling ba siya o nagsasabi ng totoo. “Halika, sasamahan kita.” Tumayo ako inilahad ko ang kamay ko sa kanya. “Saan tayo pupunta?” Kinuha ko ang kamay niya at bumagsak sa sahig ang kumot na pinantalukbong niya. “Ako ang bahala.” Inilibas ko siya sa kanyang tirahan at nagbilin lang ako kay Sanjo sakaling hanapin kami ay sabihin na kasama niya ako. Mabilis kaming tumakbo patungo sa gubat. “Teka! Saan mo ba ako dadalhin!” pigil niya sa akin. Nilingon ko siya at ngumiti ako sa kanya. “Huwag ka nang maraming tanong.” Hinila ko siya ng mabilis at sumabay din siya sa bilis ko. Ibig sabihin isa pa rin siyang bampira dahil kaya niyang tapatan ang bilis ko pero ayaw niya ng dugo. Umakyat kami sa pinakamataas na puno na nakita ko kanina. Walang hirap namin na narrating ang dulo nito. “Nandito na tayo.” Wika ko. Inalalayan ko siyang tumayo sa manipis na sanga na tinatayuan ko. “Ano at paano ko nagawa ang lahat ng ito?” Nagtatakang tanong niya sa akin. “Isa lang ang ibig sabihin niyan, isa kang bampira at kailangan mong kumain ng dugo. Sasabay kita.” “Ano? Hindi—ayoko!” Pinigilan ko siyang bumaba at hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. “Subukan mo lang—” “Ayoko! Leave me alone! Sinabi ko na sayo hindi ako isang bampira. Tao ako at hindi ako umiinom ng dugo—ahhh!” Napangiwi siya habang hawak ang kanyang tiyan. “Hindi mo kakayanin Prinsesa kaya magdesisyon ka na ngayon. Nakikita mo ba ang baboy ramo na yun? Kukunin ko siya para sa’yo.” “A-ano?” Mabilis akong bumaba sap uno nang makita ko mula sa malayo ang malaking baboy ramo. Mabilis itong tumakbo palayo sa akin. Kaya mas binilisan ko din ang magpasikot-sikot sa kagubatan upang mahabol ito. At nang tuluyan kong nahabol ay tinapos ko agad ang buhay nito. Bumalik ako sa ibaba ng puno na tangan ang alay na hayop sa kanya. “Pa-paanong? Paano mo nahuli yan?” Bulalas niya. Nakababa na rin pala siya sa puno. Ipinakita ko sa kanya kung paano sa isang iglap humaba ang kuko at mabilis kong sinugatan ang leeg nito. Tumalsik pa sa mukha ko ang dugo ng hayop. “Naamoy mo ba? Naamoy mo ba ang sariwang dugo na ito? Kailangan mong kumain dahil manghihina ka.” “No—” Tinalikuran niya ako at mabilis akong tumakbo sa harapan niya upang pigilan siya. “Subukan mo Prinsesa Thana.” Paki-usap ko sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nakita ko ang pagniningas ng kulay dugo niyang mga mata. Mabilis siyang nawala sa harapan ko at namalayan ko na lamang nasa hayop na siya at gamit ang mahaba niyang pangil ininom niya ang dugo nito. Bumalik ang kulay ng maputla niyang mukha nang bitawan niya ito. “Si Thana…nasa loob ko siya.” Usal niya nang matapos siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD