MAINGAY ang hapag dahil sa dami namin pero ang saya saya, hindi ko mapigilang mapangiti at makitawa sa kalokohan ng magkakapatid. Habang nakikisalo sa kanila ay napagtanto ko na iba sila kapag nasa labas. Kapag nasa meeting o nasa business ay kinatatakutan ang mga aura nila, niyuyukuan at sobra sobrang ginagalang pero dito ngayon sa hapag ay walang kaarte arte isa man sa kanila na tumatawa ng malakas at nakikisabay sa usapan. Wala ring gumagamit ng kubyetos dahil ang ulama ay malalaking ginataang alimango, lahat kami nakakamay at napakasaya sa pakiramdam dahil parang kasali ako sa pamilya nila. Pero sa kabila ng saya ko ay may kulang pa rin. Wala si Intoy ko dahil may inaasikaso pa daw itong papeles pero ang dinig ko kanina ay hahabol ito dahil hinding hindi daw ito papansin ng ina kapag