Chapter 13

2135 Words

BUMALIK ako sa pool side kung nasaan ang mga kapatid ko, ang mga babae naman ay nasa sala. Nakagawian na naming magkakapatid na tumambay dito pagkatapos kumain, nagpapababa kami bago maghanda sa pagtulog. "Nakakatawa siya, kababaeng tao hindi ko matalo talo sa video game." Dinig na dinig ko ang masayang halakhak ni Fifth. Pinagsasaluhan nila ay ang paborito namin black forest cake at soda. "Ayain nga nating maglaro ng dota kung talagang magaling, astigin talaga si bayaw." Dagdag ni Six. Pagkarinig ko sa salitang bayaw ay biglang uminit ang ulo ko. Hindi man nila pangalanan ay alam ko na kung sino ang pinag-uusapan nila. Palagi namang ganito, hindi manlang sila magsawa sa kakapuri sa babaeng 'yon. Tsk. Wala namang espisyal sa kanya. Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Kuya First,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD