Prologue
"Hoy Desiree ano na naman ang ginagawa mo dito?" Nakangising tanong ni boss ng makapasok ako. Ang Uncle kong Heneral pero kung umasta ay parang tambay lamang sa kanto.
Nandito ako ngayon sa opisina niya upang ituloy ang naudlot kong pakay na humingi ng leave.
"Yow, Uncle." Bati ko sabay fist bumb namin. Ang cool!
"Bakit nandito ka? Sana nagpakamatay ka nalang sa New York."
Napanguso ako. "Uncle naman imbes na congratulation ang isalubong mo sa'kin parang hindi ka masayang nakabalik ako ng ligtas."
Humalakhak siya na parang may nakakatawa sa mga sinabi ko kahit alam kong wala naman. "Hindi talaga ako masaya dahil sa sobrang katigasan ng ulo mo ay palaging problema ang hatid mo sa'kin kapag nandito ka sa Pilipinas." Iginalaw niya pa ang dalawang kilay. "If I know si Santez lang gumalaw sa inyong dalawa para matapos ang mission." Kantiyaw niya pa.
Hindi ako naasar sa mga pinagsasasabi niya dahil alam ko sa sarili ko na malaki ang naambag ko sa naging misyon namin ng isa ring agent na kapareha ko ng magtungo kami sa New York n'ong isang linggo at ngayon kadarating ko lang.
Prente siyang nakaupo sa swivel chair niya habang suot suot ang kanyang uniporme. Batang bata pa ang mukha ni Uncle dahil ito ang pinakabata sa mga kapatid ni mommy. Ang nanay kong hindi ko alam kung saan na nagsuot at hindi magawang magpakita sa'kin.
Oh well, wala naman akong paki sa kanya tulad ng palagi niyang ginagawa sa'kin, ang iwan sa kung saan saan.
"Ewan ko sa'yo boss, kaya nagpunta ako rito para hingin na ang approval sa leave ko, mawawala ako ng mga dalawang buwan."
Doon lamang nagseryoso ang kanyang mukha. Uncle mood talaga siya sa ganitong bagay. Kahit naman kasi panay ang asar niya sa'kin at sinasabing mas masaya siya na wala ako ay alam kong mahal niya rin ako. Siya ang tumayong ama at ina ko ng iwan ako ng mga magulang ko.
Isa pa, sa halos sampung taon kong serbisyo sa kanya ay ngayon lang ako humingi ng leave. Kilala ako bilang isa sa mga magaling na agent sa departamento namin kahit na kalog at saksakan ako ng daldal dahil pagdating sa trabaho ay seryoso pa ako sa salitang seryoso. Mahal ko ang trabaho ko dahil ito nalang ang meron ako na maaari kong paglibangan para mailayo ang sarili ko sa kadramahan ng buhay ko.
"Bakit ba gusto mong magleave, and the heck Desiree Gale Ancho Park dalawang buwan talaga?" Seryoso niyang tanong na ikinangiwi ko.
"Drop the Desiree, Ancho and Park boss pwede mo naman akong tawaging Gale, nakakabakla ang pangalan ko at lalo naman ang middle at surename ko."
Hindi siya natinag, seryoso pa rin ang ipinupukol na tingin sa'kin na animo binabasa ang laman ng kinakalawang kong utak.
"Bakit gusto mong magleave?" Ulit niya, napakamot nalang ako sa ulo.
"Personal matter boss."
Alam kong mas magpupumilit siya pero ayoko talagang sabihin ang dahilan. "Ano nga? Hindi ko pipirmahan 'to kapag hindi mo sinabi sa'kin ang totoong rason." Tukoy niya sa letter na hawak na niya ngayon, noong isang linggo ko pa iyon ipinasa pero hanggang ngayon wala pa ring pirma.
"Ang daya mo naman boss ang usapan kapag natapos namin ang mission sa New York na maayos at matiwasay ay papayagan mo akong magleave." Angal ko. Napag-usapan na namin ito bago ako umalis pero sadyang makulit talaga siya.
"Not until you answer my question."
Nagtitigan kami ng ilang sandali at napabunting hininga nalang ako ng mapansing hindi talaga niya ako papayagan kapag hindi ko sinabi sa kanya ang totoong rason.
Buhay nga naman! Noon siya pa ang nagtutulak sa'kin para magleave kahit pa isang taon pero ngayong gusto ko naman ayaw niya akong pagbigyan.
"Okay, okay sasabihin ko na." Pagsuko ko. Huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita. "Mag-aasawa na ako."
Pagkarinig niya sa sinabi ko ay tila fireworks na nagliwanag ang kanyang mukha at mabilis na pinirmahan ang papel, nanginginig pa. Ang kanyang mga mata ay parang batang nabigyan ng laruan dahil sa pagkislap.
"Talaga mag-aasawa ka na? Oh, ayan sige na umalis ka na at pagkatapos ng leave mo ay ipakilala mo sa'kin ang magiging manugang ko." Ipinagtulakan niya pa ako palabas.
The f**k! Anong manugang pinagsasabi niya hindi ko naman siya magulang. Ulol talaga itong si Uncle minsan, siya lang ang nakita kong kadugo na kung ipagtulakan ang pamingkin na mag-asawa na ay wagas. Hindi manlang itinanong kong sino ang maswerteng lalaking nakabihag sa mailap kong puso. Paano pala kung rapist o drug lord ang mapapangasawa ko ayos lang sa kanya 'yon?
Nasa labas na kami ng headquarters pero ipinagtutulakan niya pa rin ako. "Boss naman hindi mo na ako kailangang itulak, atat lang?" Ngayon bakas na sa mukha ko ang pagkairita.
Napakalapad ng pagkakangiti niya na halos guhit nalang ang mata dahil abot tenga ang pagbuka ng mga labi. Alam ko na kung saan ako nagmana ng kabaliwan, sa asta palang ni Uncle halatang pareho ang dugong nananalaytay sa amin.
"Alam mo namang gusto ko ng mag-asawa ka para naman may magpatino sa'yo." Aniya.
"Gan'on na ba ako kasakit sa ulo sa'yo?"
Walang pag-aalinlangan siyang agad na tumango. "Kaya kapag nakita ko ang mapapangasawa mo ay magpapasalamat talaga ako." Tinapik niya pa ang balikat ko. Hindi lang basta tapik dahil napakalakas.
Sinamaan ko siya ng tingin pero humalakhak lang siya. Wala na talagang pag-asa ang isang 'to, kaya walang babaeng magkagusto dahil sa pagiging isip bata.
"Parang matagal tagal pa ang pagkakataon na 'yon dahil liligawan ko palang siya." Ako naman ang napangisi ng makita ko ang pag-awang ng bibig niya pagkarinig sa huli kong mga sinabi.
"W-What?" Utal niyang tanong. Nagsimula na akong humakbang papalapit sa motor ko bago sinagot ang tanong niya.
"Magleleave ako dahil balak kong manligaw at kapag sinagot na ako pakakasalan ko na, totoo na 'to boss kaya wag kang mag-alala bibigyan kita ng dalawang dosenang pamangkin at apo." Nagflying kiss ako bago pa siya makalapit at walang habas na pinaharurot ang motor ko.
"Desiree Gale!" Dinig kong sigaw niya pero tinawanan ko lang.
Napapailing nalang ako dahil sa planong nabubuo sa utak ko ngayon. Aba, ang swerte nga ng mapapangasawa ko e, ako na manliligaw at naglaan pa talaga ako ng dalawang buwan para mabigyan siya ng atensyon. Sa dami ng nagkakandarapa sa'kin na hindi ko pinansin tapos siya liligawan ko, talagang napakaswerte niya.
"Here I come honey! My Third Castillion!" Sigaw ko.
Hindi ko binawasan ang bilis ng takbo ng motor ko kaya agad kong narating ang location ng shooting ngayon ni Anton, ang sinasabi kong kapartner ko sa bawat mission na nahahawakan ko at siya rin ang kasama ko sa New York. Isa siyang magaling na direktor ng pelikula at mga sikat na teleserye, lahat ata kayang gawin ng babaeng 'yon sa pagiging multitalented.
At dito ako pumunta dahil dito ko sisimulan ang plano ko. Alaga niya si Second Castillion na kapatid ng mapapangasawa kong si Third, sisipsip muna ako sa kanya para mapalapit ako sa kanyang kapatid. Ika nga, ligawan muna ang pamilya bago ang totoong pakay para magkaroon ng kakampi sa sasabaking gyera.
"Cut!"
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko ng saktong pagpark ko ng motor ay narinig ko ang sigaw na 'cut', meaning break muna. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakita sa pagbaba ko sa motor ko, Ducatti!
Nginingitian ko sila habang taas noong naglalakad papalapit sa pinakalokasyon kung saan natatanaw ko na si Anton na seryosong nagpupunas ng pawis ni Second.
Aba nga naman, ipinanganak talagang swerte ang mga Castillion, mga habulin na nga ng mga babae dahil sa yaman, kagwapuhan at kapangyarihan dikitin rin ng maalaga at mapagmahal na mga tulad namin ni Anton.
"Yow Anton, natututo ka na talagang lumandi a." Biro ko ng nakalapit sa kanila. Sabay silang napalingon sa'kin, ang maamong mukha ni Second ay napalitan ng pagkaseryoso bago ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Taas noo pa rin ako dahil alam kong pasado ako kung ganda ang pinag-uusapan. Kung hindi ka naman maganda kapalan mo lang mukha mo para mahatak, at dahil maganda na ako at makapal pa ang mukha dahil sa nag-uumapaw na confidence kaya naging dyosa na ako.
"Sino ka?" Kunot noong tanong ni Second syaka umakbay sa walang emosyong babaeng nasa tabi niya.
Astig talaga itong si Anton, mas makunat pa ata sa balat ng kalabaw ang puso dahil hindi manlang nakaramdam ng kahit anong kilig.
Matamis akong ngumiti. "Bayaw, ako ang mapapangasawa ng kapatid mo."
Mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin, kay gwapong bata pero mas gwapo sa'king mga mata ang aking Third.
"Sinong kapatid? May asawa na ang Kuya First ko, at ang iba ko pang mga kapatid ay walang balak mag-asawa." Seryosong tugon niya.
Tinamaan ako ng panghihinayang dahil sa sinabi niya. Walang balak magsipag-asawa e' napakaganda ng kanilang lahi.
"Ow, sige magpapalahi nalang ako."
"Sino ba ang babaeng 'yan King, kilala mo?" Napipikon na siguro kaya si Anton na ang tinanong at ang isa ay simpleng tango lang ang sagot.
"Yeah, my friend." Labas sa ilong na tugon niya. Napakasama talaga ng babaeng 'to. Hindi ko nalang pinansin.
Inilahad ko ang kamay ko kay Second. "Desiree Gale Gotez Mendes Ancho Park-Castillion, gan'on na rin ang magiging apelyido ko kapag nakasal na kami ni Third my hubby."
Medyo napasinghap pa ako ng magliwanag ang mukha niya ng marinig ang huli kong sinabi. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na mailap sa babae ang dalawang magkapatid na ito at mas close kaysa sa iba pang mga kapatid kaya talagang nagtaka ako ng magliwanag ang kanyang mukha.
Usap-usapan sa showbiz industry na hindi marunong ngumiti ang isang 'to kapag nasa harap ng ibang babae samantalang ang kanyang kapatid na si Third ay mabait sa lahat 'yon nga lang mailap talaga.
"Si Third ang tinutukoy mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sabay silay ng magandang ngiti sa mga labi niya.
Tumikhim ako bago sumagot. "Yup, so pwede tayong maging magkaibigan?" Sabat ko agad. Aba, ayoko ng magpatumpik tumpik pa dapat daanin agad sa paspasan.
"Kakaibiganin mo ako para sumipsip at tulungan kitang mapalapit sa kapatid ko?"
Napatalon ako sa tuwa. "Nadali mo bayaw, so pwede tayong maging magkaibigan?"
Napawi ang pag-asa ko ng para itong batang yumakap kay Anton mula sa likod at ilang ulit na umiling. "Ayoko, buhay niya 'yon kaya ayokong makialam pero ayos lang naman na ligawan mo siya."
Napatulala nalang ako sa pagtanggi niya dahil ang buong akala ko talaga ay ngumiti siya tanda na tutulungan niya ako 'yon pala balak lang chumansing kay Anton habang ang babaeng harot naman na ito ay tinapik tapik lang ng malamyos ang braso ni Second na nasa bewang niya.
"Kapag ako hindi sinagot ng kapatid mo dahil hindi mo ako tinulungan ilalayo ko sa'yo si Anton at sisiguraduhin kong hindi mo na siya makikita ulit." Banta ko pero birong lang naman 'yon gusto ko lang siyang inisin.
Muling sumeryoso ang mukha niya at bago pa siya makasagot ay tumalikod na ako at muling bumalik sa motor ko. Nagwave ako ng kamay ko na parang miss universe finalist sa mga taong nakasunod pa rin ang tingin sa'kin.
Sumampa ako sa motor ko at pinaharurot palayo sa lugar. Nak nang! Wala akong napala ngayong araw, may jetlag pa ako galing sa biyahe pero mas pinili kong gawin 'to para mapalapit agad kay Third. Kapag talaga naging asawa ko na ang lalaking 'yon mata niya lang ang walang kissmark.
Magtatalik talaga kami na ihi lang ang pahinga para naman mabawi ko lahat ng pagod at paghihirap na dinanas ko ngayon at sa mga susunod pang araw at linggo.
"Tsk. Tsk. Dapat talaga magkaroon ako ng trabaho sa loob ng kompanya niya para mas lalong mapadali ang paglalapit namin." Suhestyon ko sa sarili.
Napagpasyahan kong dumaan na muna sa isang fast food chain para bumili ng pagkain dahil simula ng umalis kami sa New York ay hindi na ulit ako nakakain.
"Excuse me."
Awtomatiko ang pag-arko ng aking kilay dahil sa pagbaba ko ng motor at papasok na ako sa loob ng fast food ay may lalaking basta basta nalang bumangga sa balikat ko dahil sa pagmamadali nitong pumasok.
"f**k you!" Bulong ko, lumingon ito sa gawi ko dahil siguro sa pagkarinig ng sinabi ko.