MATAPOS sa pag-go-grocery ay hindi mapigilan ni Chrislynn ang mapatawa. Punong-puno kasi ang kanilang push cart. Sinulyapan niya si Kirst. “Parang buong dalawang linggo kang magkukulong nito sa condo mo.” “Ayaw kong magugutom ka kapag nasa bahay ka.” “Puno pa nga ‘yong ref mo kung tutuusin.” “Kahit na,” anito na bahagyang itinulak ang push cart. Nakapila kasi sila nang mga sandaling iyon para magbayad. “Mr. Monzerate,” anang isang may edad ng lalaki na may tulak ding push cart na nakapila sa priority lane. Pumihit si Kirst paharap sa naturang matanda. Agad itong ngumiti nang mapagsino ang tumawag dito. “Sir Apollo,” bati rin ni Kirst dito. Binalingan siya ng matanda. “Mukhang may nakabihag na sa iyo,” nangingiti pa nitong wika na ibinalik ang tingin kay Kirst. Inakbayan pa siya ni