SINULYAPAN MUNA ni Chrislynn si Kirst na nasa tabi niya bago binuksan ang pinto ng kaniyang hotel suite. Nang makapasok sila sa loob ay ito na ang nagsara ng pinto. Agad humayon ang tingin ni Chrislynn sa may salas. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang malinis na roon. Wala na ang mga regalo na ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga masugid na mambabasa. Pina-rush niya sa kaniyang boss na maipakahon ang mga regalo at sa bahay muna nito sa Manila dalhin dahil hindi pa siya makakabalik sa Luzon at hindi puwedeng makita ng kaniyang nobyo ang mga iyon kapag bumalik siya ngayong hapon sa hotel. Saka na niya sasabihin sa nobyo ang totoo niyang trabaho. Sa ngayon, ayaw muna niya iyong i-involve sa relasyon nila. Saka na siguro. “Ikaw lang mag-isa rito?” ani Kirst. Tinanguan niya ito. Masyado