“BABE…” “Bakit?” aniya nang lingunin si Kirst. Animo kanina pa ito balisa. Parang may gustong sabihin pero hindi naman masabi sa kaniya. Naupo ito sa tabi niya. Nanonood siya nang mga sandaling iyon sa may living room. Katatapos lang din nilang maghapunan. “Kanina pa kasi ako kinukulit ng mga kaibigan ko. Gusto nilang mag-bar.” “Gusto mo rin ba?” agaw niya sa sasabihin pa nito. Hindi agad ito makasagot. “Babe, kung gusto mong sumama sa kanila na lumabas ngayong gabi, it’s up to you,” kaswal niyang wika bago ibinalik ang tingin sa may TV. “Hindi mo ako pagbabawalan?” Umiling siya. “Why should I?” “Babe, kung ayaw mo naman ay walang kaso sa akin. ‘Yong gusto mo pa rin ang masusunod. I’ll respect your decision.” “Pagbabawalan lang kita kapag apelyido mo na ‘yong gamit ko. Hindi na rin