NAGISING SI Chrislynn sa sunod-sunod na tunog ng door bell. Pupungas-pungas na bumangon siya mula sa pagkakahiga. Si Kirst marahil ang nagdo-door bell. Bago bumaba sa kama ay sinulyapan muna niya ang alarm clock sa may bedside table. Quarter to twelve pa lang ng hating-gabi. Sinuklay pa niya ng kamay ang buhok habang hinahayon ang papunta sa may main door ng condo unit na iyon. Lasing na ba si Kirst at hindi magawang buksan ang pinto ng bahay nito na may digital lock? Agad niyang binuksan ang pinto nang makalapit sa may main door. Nakasandal doon si Kirst kaya naman nang bumukas ang pinto ay halos matumba ito. Mabuti na lamang at mabilis niya itong nasalo. Hindi maikakaila ang amoy ng alak sa hininga nito. Nang tingnan niya ang mukha nito ay halos nakapikit na ang mga mata nito. Mukha i