PAKIRAMDAM ni Chrislynn ay napakatahimik nang mga sandaling iyon habang magkatabi silang nakahiga ni Kirst sa malambot nitong kama. Nakapikit siya ngunit ramdam niya na katulad niya ay hindi pa rin tulog si Kirst. Nakapikit lang siya pero gising na gising pa rin ang kaniyang diwa. Daig pa nilang dalawa ang nagpapakiramdaman. Iyon pa lang ang pangalawang beses na may nakatabi siyang lalaki sa higaan. With her unexpected boyfriend. Sa isip ay napangiti siya. Sino ba ang mag-aakala na instant ay may nobyo na siya ngayon? Isang Kirst Monzerate. Isang napapanahon na klase ng prinsipe. A modern prince. Mayamaya pa ay unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Buhat sa kisame na siyang unang tinamaan ng kaniyang tingin ay ibinaling niya iyon sa kaniyang katabi. There, gising pa nga si Kirst. Nakat