“KIRST,” pigil ang inis na wika ni Chrislynn. “Kung gusto mo na mag-usap tayo, hindi naman natin kailangang umalis sa party na pinanggalingan natin.” Nang mga sandaling iyon kasi ay nasa biyahe sila ni Kirst. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin. Hindi rin kasi ito pumayag na hindi siya sasakay sa magara nitong sasakyan. Tiim pa rin ang labi ng binata. Mukha itong bad trip nang mga sandaling iyon habang tutok ang tingin sa daan.. “Naririnig mo ba ‘yong sinabi ko?” Nang huminto ang sasakyan nito, nang mag-red light ang traffic light, saka lang siya nito tinapunan ng tingin. “Sino ‘yong kasama mo kanina?” muli nitong tanong. Nang hindi makasagot si Chrislynn ay muling itinuon ni Kirst ang tingin sa unahan. “Kaya ka ba narito sa Cebu ay dahil sa kanya?” Saka lang nagawang magb