PAGKABUKAS ni Chrislynn sa shower ay hinayaan lang niyang pumatak sa katawan niya ang tubig na nagmumula sa dutsa niyon. Kahit gabi na ay masarap pa ring maligo dahil hindi malamig ang tubig. Tumingala pa siya habang nakapikit at ninamnam ang patak ng tubig. "Chrislynn!" Agad niyang pinatay ang tubig at nakiramdam. "Chrislynn, nandiyan ka ba?!" Boses iyon ni Maritoni na nanggagaling sa kabilang pader ng banyo niya. Banyo rin kasi ang kabila niyon. "Oo, bakit?" aniya sa malakas na boses para marinig nito. "Birthday ko ngayon. Lipat ka muna dito sa bahay. May niluto akong pagkain. Kaunti lang naman ang bisita ko. Bilisan mong maligo riyan. 'Wag ka na ring magpabango dahil wala namang aamoy sa iyo." Tumawa pa ito. "Okay. Liligo lang ako," aniya na nangingiti. Sa paglipas naman ng araw