NANG makarating sila sa labasan na siyang mismong National Highway ay iniliko ni Kirst ang sinasakyan nilang motor sa kaliwa kung saan naroon ang isang gasoline station. Sa tabi niyon ay naroon ang ilang iba't ibang puwedeng kainan. Dalawang palapag na establishment iyon. Sa parteng iyon ng Sto. Tomas ay naroon na halos lahat ng mga kilalang fast food chain. Mga naghanay kaya hindi mahirap maghanap ng makakainan. Kapag nga tumawid ka ay naroon naman ang Jollibee. "Dito na lang tayo sa Yellow Cab," ani Kirst nang maihinto sa tapat ng Yellow Cab ang motor na dala nito. "Para hindi na tatawid." Bitin man sa ilang minuto nilang biyahe mula sa pinanggalingan ay sisiguraduhin niyang babawi siya mamaya kapag inihatid siya ng binata sa bahay niya. Babawi siya sa pagsinghot ng bango nito. Nang