NAALIMPUNGATAN si Chrislynn mula sa pagkakaidlip. Napanaginipan niya si Kirst. Masaya raw silang nagkukuwentuhan ng binata. Malungkot siyang napangiti. Iyon ang bagay na mukhang malabo ng mangyari. Iniunat niya ang mga kamay at umayos ng upo mula sa pagkakayukyok sa kanyang misita sa may harap ng laptop niya. Nakasalampak siya ng upo sa sahig na may malambot na unan na siyang kinauupuan niya. Nakatulog siya ng hindi niya namamalayan. Napatingin siya sa pinto na nakasara na. Sa pagkakatanda niya ay nakabukas iyon kanina bago siya makatulog. Hanggang ng mga sandaling iyon ay wala pa rin siyang matinong tulog. Ilang araw na rin. Suminghot-singhot pa siya dahil may kakaibang amoy siyang naaamoy sa paligid. Hindi niya mapangalanan kung anong pabango iyon ngunit nakasisiguro siyang mamahaling