NAPAHINTO sa pagta-type sa laptop si Chrislynn nang makarinig ng kalabog buhat sa labas ng study room. S-in-ave muna niya ang kaniyang sinusulat bago iyon in-exit at pinatay ang laptop. Marahan ang ginawa niyang paghakbang palapit sa may pinto. Saan naman manggagaling ang kalabog sa labas? Wala namang pusa. At isa pa ay masyado pang maaga para sa pag-uwi ni Kirst mula sa trabaho. Alas dos pa lang halos ng hapon kung tutuusin. Napalunok siya. Wala naman sigurong multo roon? Isang linggo na siya sa condo na iyon kung tutuusin at wala naman siyang kakaibang nararamdaman. Maingat niyang pinihit ang door knob. Inilusot niya ang ulo buhat sa nakabukas na pinto. Wala siyang nakitang kahit na ano sa paligid. Lumabas na siya sa may pinto at hinayon ang papunta sa kusina nang walang makitang tao