Chapter 8

2084 Words
Dahan-dahan ang naging paghakbang ni Tamara patungo sa cottage kung saan nananatili si Furukawa upang magpahinga. Iniutos ni Mr. Yao ang pagkitil sa buhay nito dahil may kinalaman ito sa pagpapasara ng illegal na Bar niya sa Makati kung saan may live show ang mga babaeng naka-hubot hubad tuwing sumasapit ang madaling araw. Karamihan ng mayayaman niyang parokyano sa pag-aari niyang bar ay lumipat sa kanila kaya isinumbong niya ito sa kinauukulan. At nalaman iyon ni Mr. Yao kaya galit na galit siya dito dahil tuluyang napasara ang isa sa mga bar na pagmamay-ari niya na nagbibigay sa kanya ng milyong kita sa isang buwan. “Anong kailangan mo?” Seryosong tanong ng isa sa mga tauhan ni Furukawa na nakatayo sa labas ng kwarto nito. “Hi magandang gabi, may offer kasi ang adriatico resort namin para sa mga VIP clients na free massage.” Mahinhin na wika ni Tamara, inihawi pa nito ang natitirang buhok papunta sa likod ng kanyang tenga. “Hindi kailangan ni Boss ng free massage makaka-alis ka na.” Seryosong sagot ng lalaki. “Pwede ko ba siyang kausapin? Aalis din ako kung ayaw niya.” Nakangiting wika ni Tamara habang nakatitig sa lalaki at kinukuha ang atensyon nito. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Furukawa kahit kwarenta na ito ay maayos pa din ang pangangatawan nito. “Anong kaguluhan ito?” Bungad ni Furukawa. “Boss, free massage daw ng resort sa mga VIP clients.” Sagot ng tauhan ni Furukawa. Lumipat ang mga mata ni Mr. Furukawa sa dibdib ni Tamara. “Hi, good evening Mr. Furukawa. Our resorts offered a free whole body massage for VIP clients only. But if you refused to our service, you have to call our SPA manager in adriatico beach.” Nakangiting wika ni Tamara. Pinasadahan pa niya ng tingin ang hubad na katawan ni Furukawa dahil sa fit and masculine muscles nito. Bahagya siya napakagat sa ibabang labi nang dumako ang mata niya sa umbok nito. Ganun din ang ginawa ni Furukawa sa kanya. Kahit may suot pa siyang damit ay parang hinuhubaran na siya nito ng tingin. “Matatangihan ko ba naman ang alok na yan Miss. But sorry, kailangan ka munang makapkapan ng mga tauhan ko bago ka pumasok sa kwarto ko.” Nakangising wika ni Mr. Furukawa. Kulang na lang ay tumulo ang laway nito habang nakatingin parin sa nausling cleavage ni Tamara. “No problem sir.” Pagkatapos ay inilapag niya ang basket na may lamang scented oil sa sahig. At dahan-dahan niyang tinangal ang mga butones ng suot niyang damit. Hindi siya nagdalawang isip na ipakita ang katawan niya para magawa niya ng maayos ang misyon. Balak niya kasing saksakin ito at para makalabas siya ng buhay ay sasabihin niyang nakatulog na ito sa pagod ng gagawin niya, Habang sa di kalayuan ay naroroon si Nathan at Raul na kunot noo lang habang nakatingin sa ginagawa ni Tamara. “Anong ginagawa niya? Bakit siya naghuhubad?” Inis na tanong ni Nathan. “Sa tingin ko para sa siguridad ni Furukawa kaya kailangan niyang gawin yun.” “What?!” Salubong ang kilay ni Nathan. Habang pinapanuod niya si Tamara na naghuhubad sa harapan ni Furukawa nakangisi pa ito at hindi inaalis ang tingin sa magandang katawan ni Tamara hangang two piece bikini na lamang ang natira sa suot nito. “Okay na ba ito Mr. Furukawa?” Nang-aakit na tanong niya. “I like it! Oh I mean pwede ka ng pumasok Hija.” Nakangising wika nito. Ibinalik ni Tamara ang suot niyang damit. Pagpasok ni Tamara ay nakadapa na si Mr. Furukawa sa kulay puting kama. Inilapag niya ang basket at sinindihan ang scented candle sa na amoy oriental flowers at vanilla. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng mesa upang mas maging relaxing ang ambiance ng kwarto nito. Kinuha niya ang isang lagayan ng oil na mint fragrance at iniligay iyon sa kanyang palad. Matapos nyang ikalat sa kanyang kamay ay inilapat niya iyon sa likod ni Mr. Furukawa. “Hmmm, nice honey, I like the scent.” Nakangiting wika ni Mr. Furukawa habang patuloy lang sa paghagod si Tamara sa likod niya. Gamit ang malambot na mga kamay ni Tamara ay inumpisahan niyang hagudin ang batok nito pababa sa kanyang gulugod. “Pwede ko po bang tangalin ang towel niyo Sir?” Nakangiting wika ni Tamara sa likod ng kanyang tenga. “Do what you want.” Nakapikit na wika nito habang nakapatong ang baba nito sa likod ng kanyang palad. Tinangal ni Tamara ang towel at tumabad sa kanya ang suot nitong itim na boxer short. “I like the way you touch and massage me.” Dagdag pa nito. Sumilay ang ngiti sa labi ni Tamara dahil alam niyang nahuhulog na ito sa banayad niyang haplos sa katawan nito. Sinasadya din niyang hagudin pa ang umbok nito. Habang sila Nathan at Raul naman ay hindi na mapakali sa di kalayuan habang nakatanaw at nag-iintay sa paglabas ni Tamara sa kwarto. “Really? Then I deserve extra tip Mr. Furukawa.” Sambit ni Tamara na mas diniinan pa ang pagpisil sa mga muscles nito sa likod. Pumaling ang kalahati ng katawan nito at humarap sa kanya. Habang nakaluhod naman siya sa ibabaw ng kama. Hindi niya binutones ang tatlong butones sa taas ng damit niya kaya tumambad ang malaki at perfect size nitong dibdib. “How much do you want?” Nakangising tanong ni Mr. Furukawa. Habang nakatingin sa dibdib ni Tamara. “It’s up to you Sir.” Tipid na sagot nito at hindi inurungan ng tingin ang nag-aapoy na mga mata ni Mr. Furukawa. “No Honey, it’s up to you kung mas gagalingan mo pa.” Hindi pa rin naalis ang mga mata nito sa mapanuksong dibdib ni Tamara. Tuluyan ng bumangon si Mr. Furukawa at hinarap si Tamara. Napapikit siya nang haplusin nito ang kanyang pisngi. “You’re so beautiful, young wild and sexy.” Paos na sambit nito. Dumako ang magaspang nakamay nito pababa sa kanyang kwelyo. At hinayaan niyang tangalin nito ang natitirang butones pababa hangang makalas niya na ito lahat at tumambad sa kanyang harapan ang katawan ni Tamara. Lalong tumindi ang pagnanasa nito ng makita ang katawan niya. “Wow! I can’t wait to put your n*****s in my mouth and bite every inch of your body.” Napatawa siya sa sinabi nito. Mukha kasi itong asong ulol na naglalaway at sabik na sabik na makagat siya. “Why you are laughing? Do you want me to bite you?” “I forgot to tell you Mr. Furukawa, isang oras lang ang free massage service. Kung gusto mong masulit bakit hindi na natin umpisahan?” Nang-aakit na wika ni Tamara. Kaagad siyang sinungaban ni Mr. Furukawa kaya naihiga siya nito sa kama. Hawak nito ang magkabilang kamay ni Tamara na nakataas sa ulo niya. “Wala akong paki-alam, kahit bayaran pa kita ng higit sa sweldo mo. Mapaligaya mo lang ako ngayong gabi.” Nakangisi nitong wika sa kanya. Gumapang ang kilabot sa katawan ni Tamara ng mag-umpisang halikan siya ni Mr. Furukawa sa leeg niya. Sinadya niyang umungol upang lalong mas mabaliw ito sa kanya. “F*ck! Hindi ko na kaya ito Raul.” Napakuyom si Nathan dahil halos kalahating oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin lumalabas si Tamara sa loob ng kwarto ni Furukawa. “Nathan may limang minuto pa bago mag kalahating oras! Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Tamara kanina? Mag-intay tayo ano ba kasing inaalala mo?” Galit na hinarap niya si Raul. “Alam mo ang inaalala ko Raul. Kaya wag mo na akong tanungin pa kapag hindi pa rin siya lumabas ng kwarto na yun sa loob ng kalahating oras. Susugod ako doon at ako mismo ang tatapos sa kanya.” Mariin na banta ni Nathan. Gustong-gusto na niyang takbuhin ang kinaroroonan nito simula nang pumasok ito sa kwarto ni Furukawa kaya lang ay iniisip niyang mapanganib iyon sa kanilang tatlo. “Mag-intay na lamang tayo. Wala tayong ibang magagawa Nathan.” Inis na wika ni Raul sa kanya dahil naiinip na din ito sa pag-iintay. Habang sa loob naman ng kwarto ni Furukawa ay nababaliw na ito sa init ng katawan at pagkasabik kay Tamara. Naramdaman ni Tamara na huhubadin na nito ang pangilalam na saplot niya kaya tinulak niya ito at siya ang pumaibabaw dito. Nakita din niya ang nakatayo na nitong p*********i sa loob ng boxer shorts nito kaya napatutop siya sa kanyang bibig. “Ang laki naman niyang Sir. Kakayanin ko ba yan?!” Kunwaring gulat na wika ni Tamara. “Yes Darling kakayanin mo yan.” Nakangising sagot nito sa kanya. Kaagad na hinubad ni Tamara ang boxer nito at tumambad sa kanya ang galit na alaga nito. Nakangiting pumatong siya sa ibabaw ni Furukawa at nag-umpisa siyang gumiling sa ibabaw nito. “Ugh! Ganyan nga honey….” Hinawakan nito ang Dibdib niya at sabik na sabik na pinisil. “Ugh! Honey hindi ko na kaya. Remove you underwear now!” Napaliyad si Mr. Furukawa sa makamundong pagnanasa na kanyang nararamdaman habang patuloy na ikinikiskis ni Tamara ang kanyang hiyas sa p*********i nito. Dahil nababaliw na ito sa kanya. “Ugh! Honey…P-please!” Nangigil na wika nito at napapikit na ito sa sensasyon na nararamdaman nito. Unti-unting inangat ni Tamara ang kamay niya patungo sa metal stick hair pin na nakatusok sa naka messy bun niyang buhok. At walapang isang Segundo ay mabilis niya itong naitarak sa leeg ni Furukawa. “Ah!….Bi…tc..h!” Halos pabulong na wika nito at hawak ang metal stick ni Tamara sa leeg niya. “Thank you for tonight Mr. Furukawa. I enjoyed it.” Nakangising wika ni Tamara sa kanya. Bumaba siya ng kama at lumakad patungo sa pinto. Inayos niya ang kanyang damit ngunit bago pa niya mai-butones ang kanyang damit ay umalingawngaw ang isang putok ng baril. “Tamara!” Sigaw ni Nathan. Mabilis itong tumakbo patungo sa kwarto ni Furukawa dahil pumasok na ang mga bodyguard nito sa loob. “Nathan sandali!” Sigaw ni Raul at sinundan si Nathan. Hindi akalain ni Tamara na magagawa pa siyang barilin ni Mr. Furukawa. Kahit naghihingalo na ito. At hindi niya din napansin kung saan nangaling ang baril nito. Mabuti na lamang at daplis sa hita lang ang tama niya. Mabilis siyang umakyat sa kama at binali ng tuluyan ang leeg nito. Nagmadali siyang kuhanin ang baril nito dahil biglang bumukas ang pintuan kaya lumundag siya sa kama at dumapa sa gilid nito. Bago pa siya paputukan ng mga bodyguards ay naunawahan niya na ito. “Tamara!” Sigaw ni Nathan. Nadatnan niya itong nakadapa sa sahig ng kwarto. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya dito. Mabilis siyang lumapit at tinulungan itong makatayo. "Sh*t may tama ka!" Patuloy ang pag-agos ng dugo sa hita ni Tamara. "Daplis lang ito." Sagot ni Tamara sa kanya. "Dapa!" Sigaw ni Raul matapos silang paulanan ng bala ng mga paparating na kalaban. "Kailangan na nating maka-alis ngayon din!" Seryosong wika ni Raul. "Paano?" "Kailangan nating maghiwalay, Raul kunin mo ang kotse sa parking lot sa likod tayo dadaan. Kami ni Nathan ang magco-cover sayo." Wika ni Tamara. "Pero Tamara?" Angal ni Nathan. "Kaya kong bumaril Nathan pero hindi ko kayang tumakbo at mag-drive! Wala ng oras!" Asik niya dito. Walang nagawa si Nathan kundi pumayag sa gusto ni Tamara pinauna nila sa Raul sa likuran at nakipagsabayan sila ng putok ng baril sa mga kalaban. Nagkagulo na rin ang ibang guest ng resort na mas piniling magtago sa kani-kanilang cottage dahil sa putukan na kanilang naririnig. Naunang tumakbo si Nathan upang siya ang sumalubong sa mga paparating na kalaban. Mabuti na lang at hinasa niya ang kanyang galing sa pagbaril kaya hindi nasasayang ang mga bala na pinapakawalan niya. Akala niya ay magaling lang sa patalim si Tamara ngunit bihasa din ito sa paghawak ng baril. Dahil lahat ng kalaban na sumasalubong sa amin ay natatamaan niya. "Ahhh!" Napalingon si Nathan dahil bigla na lang itong napaungol at natumba. Hindi niya napansin na nakapaa lang pala ito habang bukas parin ang damit nito at kita parin ang two piece black bikini nito. Napatingin si Tamara sa duguan niyang paa. Dahil nakaapak siya ng bubog. "Wag mong i-aalis ang paningin mo sa paligid Nathan!" Singhal ni Tamara sa kanya. "Anong wag? Eh hindi mo nga kaya!" Galit na sagot niya dito. Sasagot pa sana si Tamara nang biglang sumulpot ang kaliwa’t-kanan na mga tauhan ni Furukawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD