Magkahawak kamay na tinakbo ni Tamara at Nathan ang dalampasigan dahil sa kaliwa’t-kanan na mga tauhan ni Furukawa. Nakakalat lang pala ang mga ito sa buong isla natawag nila ang pansin ng mga ito dahil sa putukan ng mga baril nila iyon inasahan. Humihingal na tumatakbo ang dalawa habang si Raul naman ay mabilis na nawala sa mga mata ng kalaban matapos magtago nito. Nang masiguro niyang wala ng mga kalaban ay nagpunta na agad siya sa parking lot. Ngunit hindi niya akalain na hindi agad makakasunod sila Tamara at Nathan kaya nag-antay muna siya sandali at kapag natanaw na niya ang mga ito at mabilis niyang paandarin ang kotse.
“Sh*t! Nasan na kayo Nathan!”
Inis na hindi mapakali si Raul habang nag-aantay sa kotse. Sunod-sunod na ang putukan na kanyang naririnig ngunit wala pa rin ang mga ito. Nag-aalala na siya dahil napasubo na sila sa dami ng kalaban. Habang si Nathan at Tamara naman ay tuluyan nang nakarating sa dalampasigan.
“Kaya mo pa?” Humihingal na tanong ni Nathan. Alam niyang nahirapan na ito sa pagtakbo dahil sa sugat nito sa hita at paa.
“Wag mo kong alalahanin.” Sagot niya sabay pa silang napalingon sa likuran dahil may mga kalaban na naman. Pilit na tumatakbo si Tamara kahit para na siyang madadapa sa sakit ng kanyang paa at hita.
“Hindi tayo pwedeng tumakbo ng tumakbo.” Dagdag pa ni Tamara. Hinila niya ang kamay mula kay Nathan at nagtago sa mga bangka na nasa dalampasigan. Walang nagawa si Nathan kundi ang tumigil sa pagtakbo. Dahil alam niyang nahihirapan na rin ito.
“Tamara mauubasan na ako ng bala kailangan na natin makarating sa parking lot.”
“Kahit makarating pa si Raul sa parking lot ng ligtas mahihirapan tayong makalapit doon lalo pa at madami na ang nakasunod sa atin Nathan. Baka lalo lang tayong mapahamak dito.” Walang emosyon na sabi ni Tamara. Parang hindi nauubos ang mga tauhan ni Furukawa sa adriatico beach. At wala na rin silang bala sa patuloy na pagbaril nila sa mga kalaban. Nabaling ang tingin ni Nathan sa jets-ki na nakalutang sa dagat. Kabababa lang ng sakay nito at nagmamadaling tumakbo papalayo.
“Let’s go! Paparating na sila wala tayong na tayong choice!”
Mabilis na hinila ni Nathan ang kamay ni Tamara at habang hinahabol sila ng bala. Kaagad na sumakay si Nathan at umangkas naman si Tamara sa likuran niya. Naging mabilis ang pagkilos ni Nathan at kaagad na pina-andar ang jets-ki. Matulin at mabilis upang makalayo sa dalampasigan sa mga tauhan ni Furukawa. Nakita ni Raul mula sa di kalayuan ang nagaganap ngunit wala na rin siyang magawa kundi umalis na rin sa adriatico beach dahil sigurado niyang makakatakas si Nathan at Tamara sa mga ito.
Napamura ang mga tauhan ni Furukawa dahil wala na silang magawa at hindi na nila ito mahahabol pa kaya naghanap sila ng pwedeng magamit upang masundan sila.
“Wala na sila.” Seryosong wika ni Tamara sa kanya.
“Alam mo ba na ganun kadami ang mga tauhan nila Tamara?” Kunot noo na tanong ni Nathan.
“Oo, dahil hindi lang siya basta negosyante kundi pangulo ng isang kapatiran. Yung bantay niya kanina ay dalawa sa tapat niyang tauhan. Kung namali ako ng galaw kanina siguradong hindi niyo na ako inabutan ng buhay.”
Napamura si Nathan sa sinabi nito.
“Ang ibig mong sabihin kaya kami pinasama ni Mr. Yao para mapatunayan kung may pakinabang kami sa inyo?”
“Oo.” Nanghihinang wika ni Tamara. Dahil ngayon lang niya tuluyang naramdaman ang sakit at hapdi ng kanyang mga sugat.
“Sh*t! Para pala tayong mga tupa na ipinain sa mabangis na mga lion.”
Madilim na sa paligid at malayo na rin sila sa adriatico beach. Tanging liwanag na lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw nila.
“Tamara? Tamara?”
Hindi na ito sumagot pa sa tawag niya at tuluyan ng sumandal ang mukha nito sa balikat niya.
“Tamara!”
Pinilit na naghanap si Nathan na pwedeng pagdaungan ng jets-ki dahil hindi na sila pwedeng bumalik pa sa adriatico beach. Hangang sa may nakita siyang madilim na isla na pwedeng daungan. Mabilis na pinaandar ni Nathan ang jets-ki patungo sa tabing dagat. Habang hawak ang mga kamay ni Tamara na nakaikot sa beywang niya.
“Sh*t! Anong gagawin ko?”
Napamura si Nathan ng makadaong na sila sa tabing dagat. Binuhat niya si Tamara at inihiga sa buhanginan nanghihina ito at lamig na lamig dahil sa suot nitong two piece bikini at kulay puting damit na hangang hita.
“Tamara?”
“Wag mo akong alalahanin kaya ko to kailangan lang ko lang magpahinga at patigilin ang pagdugo.” Mahinang wika ni Tamara nang makabalik na ang ulirat nito.
Hinawakan ni Nathan ang butones ng damit nito at binutones niya ito upang hindi lamigin. Hinubad narin niya ang kanyang polo-shirt at iniyakap sa katawan nito.
“Kaya mo pa? Kailangan na nating maka-alis dito baka masundan nila tayo.” Nag-aalalang wika ni Nathan.
“Wag kang mag-alala maraming isla dito at imposibleng masundan nila tayo. Ang kailangan na lamang natin gawin ay maghintay ng pwedeng mag-rescue sa atin." Nanlalamig na wika ni Tamara sa kanya. Hinubad ni Nathan ang suot niyang puting damit at pinunit ito nilagyan niya ang hita nito at nilinisan muna ang talampakan pagkatapos ay binalot na rin niya ito ng kanyang pinirasong damit.
"Salamat." Sambit ni Tamara.
"Marunong ka palang magpasalamat." Pang-uuyam niya dito sumilay ang ngiti sa labi ni Tamara at hindi na lang niya ito sinagot. Natahimik si Nathan naalala niya ang nangyari kanina. Hindi niya maiwasan na tignan si Tamara habang naka-upo ito at nakasandal sa tabi ng puno.
"Bakit mo ako tinitignan?"
"Wala, gusto ko lang malaman kung bakit ganun na lamang ang pagiging tapat mo sa pamilya Yao na kahit buhay mo at katawan mo ay handa mong itaya ma-protektahan lang sila. At masunod mo lang ang utos nila sa'yo kahit ikamatay mo pa." Hindi maiwasan na tanong ni Nathan.
"Hindi mo ako kilala Nathan. At wala din akong balak na sabihin sayo ang tunay kong pagkatao. Para sa akin pare-pareho lang ang mga lalaki. Katawan lang ang habol sa mga babae at kapag sawa na sila dito itatapon na nila ito na parang basura at maghahanap ulit ng iba." Walang emosyon na wika ni Tamara sa kanya.
"Nagkakamali ka." Tugon ni Nathan.
"Huh? At ano? Sasabihin mong iba ka sa kanila? Eh ang bilis mo ngang na-akit sa akin?" Nakangising wika ni Tamara sa kanya. Naalala ni Nathan ang paghahalikan nila sa loob ng dressing room ng mall. Pati narin sa kwarto nito na muntik pang may mangyari sa kanila.
"Kahit naman siguro sinong lalaki ay maaakit sa'yo. Ngunit ayokong husgahan ka ayokong maniwala sa sinasabi ni Sophia tungkol sayo."
"At bakit hindi, kung yun ang katotohanan Nathan." Malamig na sagot ni Tamara. Nagulat si Nathan sa narinig, dahil si Tamara na mismo ang nagsabi nito sa kanya na tama nga ang sinabi ni Sophia lalo pa nang makita niya ang itsura nito kanina sa loob ng kwarto ni Furukawa.
"Hindi yan totoo."
"Totoo Nathan, gusto mo patunayan ko pa sa'yo?"
"No! Hindi ko gagawing dahilan yun upang makuha ka." Tutol ni Nathan sa binabalak ni Tamara.
"Really? You think you can stop me?" Nakangising wika ni Tamara.
"Tamara please....magpahinga kana."
Kaagad na tumayo si Nathan upang iwasan si Tamara sa naiisip nito alam niyang hindi niya kayang pigilin ang sarili sa tingin pa lamang nito kaya siya na mismo ang dumistansya dito. Umupo na lamang siya malapit sa dalampasigan upang magbantay kung sakaling sugurin sila doon.
Hindi pa tumataas ang araw nang magising si Nathan. Nakatulog pala siya sa pagbabantay. Ngunit paglingon niya sa kinaroroonan ni Tamara ay wala na ito roon.
"Tamara! Tamara!"
Nagpalinga-linga siya sa kabuohan ng isla ngunit hindi niya ito makita kaya pumasok siya sa kagubatan.
"Tamara!"
Hinawi niya ang matalahib na kagubatan upang hanapin siya. Alam niyang nanduon lang ito dahil naroroon parin ang jets-ki sa dalampasigan.
"Tamara!"
Nakarinig siya ng malakas na lagaslas ng tubig sa di kalayuan kaya nagpatuloy siya sa paglakad hangang makarating niya ang pinangagalingan nito isang malalim na ilog at may mataas na talon. Ngunit nanlaki ang mata niya nang makita kung sino ang babaeng sumasahod sa talon.
"T-tamara." Sambit ni Nathan. Kalahati ng katawan ni Tamara ang nakikita niya ngunit nakatalikod ito sa kanya. Habang sa di kalayuan naman ang kanyang mga damit na isinampay niya sa mga baging.
Naramdaman ni Tamara ang presensiya ni Nathan kaya napalingon siya rito. Napayuko si Nathan ng makita ang dalawang tayong dibdib nito.
"What the hell are you doing? Kanina pa kita hinahap!" Inis na sabi ni Nathan. Nag-alala kasi niya na baka kung ano na ang nangyari dito. Habang iniwasan parin ng tingin ang katawan ni Tamara. Hindi niya narinig na nagsalita ito kaya bahagya siyang tumingin ulit dito ngunit nagulat nalamang siya nang nasa harapan na niya ito. At walang kahit na ano mang saplot sa katawan.
"Tama—“
Mabilis na ikinawit ni Tamara ang kanyang mga kamay sa leeg nito at hinalikan si Nathan."
Nanlaki ang mga mata ni Nathan sa ginawa ni Tamara ngunit hindi na niya mapigilan ang sarili na tugunin ang halik nito. Kusang ikinawit ni Nathan ang kanyang braso sa beywang nito at mas hinapit pa niya ang katawan nito upang magdikit ang kanilang katawan. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa niyang paghalik kay Nathan mas lumalim ang halikan nilang dalawa na parang nauuhaw at gutom na gutom sa isa't-isa. Hindi na nila namalayan na nasa gitna na sila ng ilog at tuluyan naring nahubad ni Nathan ang kanyang natitirang saplot. Kusang ikinawit ni Tamara ang kanyang mga hita sa paikot sa bewang ni Nathan. At naramdaman niya ang matigas na sandata nito sa pagitan ng kanyang mga hita.
"Ugh....!" Impit na ungol ni Tamara habang hinahalikan ni Nathan ang leeg nito. Nalasing sila pareho sa nararamdaman nilang sensasyon. Hangang sa naisandal na niya si Tamara sa malaking bato. Hinawakan niya ang p*********i nito at itinutok iyon sa kanyang p********e.
Tuluyan nang nawala sa sarili si Nathan at idiniin ang kanyang p*********i sa hiyas niya. Napa-ungol si Tamara nang maramdaman niya ang matigas na p*********i nito na pilit pinagkakasya sa kanyang hiyas.
"Sh*t!" Malutong na mura ni Nathan. Binitawan niya si Tamara at inilayo ang sarili niya dito.
"You're a lair! How could you."
Tinalikuran niya ito at pinulot ang saplot niya sa tabi ng bato. Gusto niyang suntukin ang sarili dahil pinaniwala niya ito sa isang bagay na akala niya ay totoo.
"Why? Bakit ayaw mong ituloy natin ito?" Walang emosyon na wika ni Tamara sa kanya. Ngunit halata din sa boses niya na dismayado siya sa ginawang pagtalikod ni Nathan sa kanya.
"Magbihis ka na." Seryosong wika ni Nathan. Galit na tinungo nito ang labasan upang iwasan si Tamara.
"Nathan!" Tawag ni Tamara sa kanya ngunit na niya ito nilingon pa. Hindi rin niya alam kung bakit siya nagagalit dito. Dapat nga ay matuwa pa siya ngunit bakit pakiramdam niya ay sinamantala niya si Tamara kahit ito ang unang lumapit sa kanya at nagbigay ng motibo kung ibang lalaki siguro iyon ay hindi na mapipigilan ang kanilang sarili. Maya-maya ay nasa likuran na niya si Tamara at bihis na rin ito.
"Bakit ayaw mo? Diba ito naman ang gusto niyo? Yung kayo ang nauuna?" Nang-uuyam na tanong ni Tamara sa kanya.
"Wala tayong relasyon kaya hindi maaring may mangyari sa ating dalawa." Seryosong sagot ni Nathan sa kanya. At naglakakad pa siya palayo. Ngunit may mas malalim pa siyang dahilan. Ang misyon na maaaring maka-apekto sa kanilang dalawa kung sakaling ipagpapatuloy nila ang gawin yun. Dahil alam niyang gagawin ni Tamara ang lahat upang protektahan ang pamilya Yao.
“Gagawin ko ang lahat upang maisa-katuparan ang misyon ko. Hindi ko maipapangako sa'yo na hindi kita masasaktan ngunit wala kong magagawa kung sakaling mamagitan siya sa aming laban para sa sinumpaan kong tungkulin." Bulong ng isip ni Nathan.
Napatingin sila sa di kalayuan dahil sa paparating na malaking bangka.