Chapter 3

2233 Words
“Congratulation Nathan!” Bati ni Sir. Mendoza. Siya ang Ama ni Brian. At siya na ngayon ang namamahala sa organization simula nang mamatay si Mr. Carpio. “Maraming salamat Sir. Mendoza. Karangalan kong maging bahagi ng organization.” Sagot ni Nathan sa kanya. Pumasok si Nathan sa loob ng Kwarto kung saan nila pag-uusapan ang magaganap na misyon. Umupo siya sa kulay itim na sofa na nakaharap sa white board. “Mag-intay lang tayo sandali at inaantay pa natin ang makakapareha mo.” Kunot noo na tinignan ni Nathan si Mr. Mendoza, akala niya ay mag-isa lang siya sa gagawing misyon ngunit may makakapareha pala siya at ngayon lang niya nalaman ang tungkol dito. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Raul. “Ikaw?” Bulalas ni Nathan. Hindi siya makapaniwalang si Raul pa din pala ang makaka-partner niya. Nakangising lumapit si Raul at hinampas siya sa balikat. “What’s up? Parang ayaw mo ha? Don’t tell me babae ang gusto mong maging partner? Parang ako pa ang lugi dahil baguhan ang ipapareha nila sa akin.” Wika ni Raul. Sinamaan siya ng tingin ni Nathan. “Oh tama na yan! Hindi ko kayo pinapunta dito para mag-away. Kaya kayo nandito para sa isang misyon. At Raul, wag mong mamaliitin ang kakayahan ni Nathan. Siya ang nanguna sa lahat ng training na pinagdaanan ng mga agents sa nakalipas na taon. Kaya siguradong hindi nalalayo ang kakayahan niyo.” Paliwanag ni Mr. Mendoza. Sabay na napabuntong hininga si Nathan at Raul. At hinintay na lang ang sasabihin nito. “Simulan na natin.” Kaagad binuksan ni Mr. Mendoza ang projector sa kanilang harapan. At tumambad sa kanila ang malaking mansion. “Interesting.” Saad ni Raul “Shhh!” Saway ni Nathan. Tumahimik naman agad si Raul dahil sa pagbago ng slides na nasa kanilang harapan na mga larawan ng hindi kilalang personalidad. “Ito ang Yao Mansion. Binubuo ng isang angkan ang Yao Family. Ang pinamatanda sa kanila ay Si Wang Lei Yao siya ay sixty years old. Half Chinese at half Pilipino meron siyang limang anak dalawa dito ay lalaki at tatlo naman ay babae. Based sa aming research tatlo sa mga anak niya ay may asawa na. At dalawa na lang ang wala pa. Kung mapapasin nyo sa larawan sobrang laki ng mansion na yan. Triple ang laki sa football fields ang kabuohan ng area na yan masyadong malaki para sa pamilyang sekreto ang kanilang pinagkukunan ng yaman. At hindi lang yan ang nag-iisa nilang ari-arian. Dahil meron pa silang mansion sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. And who knows kung sa abroad din." Mahabang paliwanag ni Mr. Yao. "Ano pong gagawin namin sa kanila?" Hindi na napigilan ni Nathan ang magtanong pero may idea na siya sa misyon nila ni Raul. "Ang misyon niyo, ay alamin kung saan nangagaling ang yaman ng Yao Family, Nathan at Raul." Sagot ni Mr. Mendoza. Nagkatinginan silang dalawa bago tumingin ulit kay Mr. Mendoza. "So you mean maaring illegal din ang negosyo nila?" Kunot noo na tanong ni Nathan. "Tumpak! Maaring sugal, droga, mga illegal na transaction pwede rin na kidnaping or killing in short delikado ang misyon na ito na kakaharapin niyo. Dahil kailangan niyong alamin ang pinagmumulan ng kanilang kayamanan. Walang negosyo ang nakapangalan sa kanila. Maari din na gumagamit sila ng ibang pangalan para sa negosyo. Bibigyan ko kayo ng panahon para mag-isip kung handa na kayo o hin—“ "Payag ako." Putol ni Nathan. Nakangising tinignan siya ni Raul dahil sa bilis nitong magdesisyon. Buo na ang loob ni Nathan dahil alam niyang importante ang misyon na ipinagkatiwala sa kanila. At kaya siya sumali sa organization ay para mabawasan ang mga taong gumagawa ng masama at sumisira sa bansa at inosenteng mga buhay. "Pasensiya na kayo masyadong confidential ang kanilang pagkatao kaya tanging larawan at kaunting information lang ang maibibigay ko sa inyo, the rest kayo na ang bahalang umalam ng lahat. At wag niyong kalimutan humingi ng tulong kung nasa panganib kayo." Paalala ni Mr. Mendoza. "Yes sir!" Sabay na sagot nilang dalawa. Samantala ay naging abala sa paghahanda si Leandro at ang kanyang Ama. Dahil sa lamay na pupuntahan nila. "Dad sigurado ba kayong walang maghihinala sa atin kung sakaling pumunta tayo sa lamay ng Aragon na yun?" Tanong ni Leandro sa kanyang Ama. "Lalo silang magdududa kung hindi tayo pupunta Leandro. Kung hindi lang nagmatigas si Aragon na ibigay ang pamamahala ng casino sa asawa ng kapatid mo. Hindi niya dadanasin ito alam mo naman na ayaw ko ng nakikiusap diba at sumusuwag sa plano ko diba?" Ma-autoridad na sagot ng kanyang Ama habang pinunasan ang baril na dadalhin niya. "Dad, matagal ng si Aragon ang namumuno sa casino kaya ganun na lang katigas ang ulo niya na ibigay kay Roman ang pamamahala dito." Paliwanag ni Leandro. "That's my point Leandro. Habang maiksi palang ang sungay dapat ay pinuputol na agad para hindi na humaba pa." Seryosong wika ng kanyang Ama. Napapailing na lumabas si Leandro sa kwarto ng kanyang ama at sa sala na lang niya hinintay ito. Pagbaba niya sa mahabang hagdan ay nakita niya si Tamara. Nakasuot ito ng kulay itim na maiksing dress at malinis ang pagkakatali ng kanyang buhok. Kulay pula pa rin ang lipstick nito. Habang nakaupo sa malawak at kulay puting sofa. "Don't tell me sasama ka sa amin ni Dad sa pagpunta sa lamay ng taong pinatay mo?" Napabaling sa kanya ang atensyon ni Tamara. "Wag kang mag-alala Leandro. Wala namang nakakilala sa akin. Dahil patay na ang mga tauhan na humabol sa akin. Kaya wala kang dapat na ipag-alala. Pinasama lang ako ni Mr. Yao. Para masiguro na safe kayong makakauwi." Walang emosyon na sagot ni Tamara. "Hindi mo na kailangang sumama pa Tamara. Dahil marami naman kaming bodyguard’s. Hindi mo trabahong bantayan kami sa lahat ng oras." Inis na wika ni Leandro. Galit pa rin siya dito dahil sa huli nilang pag-uusap ngunit hindi talaga niya mapigilan ang sarili na kausapin parin ito kahit malamig parin ang pakikitungo nito sa kanya. "Hindi natin alam ang takbo ng utak ng kapatid ni Aragon, Leandro. Maaring hindi nga nila nahuli na si Tamara ang may gawa nito ngunit nasisiguro kong isa pa rin tayo sa pinaghihinalaan nilang pumatay kay Aragon." Biglang sulpot ni Mr. Yao. Sabay baling kay Tamara. "Hayaan mo na si Leandro Hija. Masyado lang siyang nag-aalala. Kahit alam naman niyang kayang-kaya mo kaming protektahan." Napabuntong hininga na lamang si Leandro dahil palagi nalang nilalagay ng kanyang ama ang buhay ni Tamara sa panganib at mas lalo siyang nagagalit dito dahil hindi man lang ito nagrereklamo. Nanumpa si Tamara na protektahan ang kanilang pamilya pero ang inaalok niyang kasal ay tinatangihan nito. "Kung sino man ang nilalaman ng puso mo Tamara. Sisiguraduhin ko sa'yo na hindi ka niya makukuha sa kin." Bulong ng isip ni Leandro habang pinagmamasdan si Tamara at ang kanyang ama na magkasabay na lumabas sa malaking pintuan. Magkatabing umupo sa likuran si Leandro at si Mr. Yao. Habang nasa unahan naman nakaupo si Tamara katabi ang kanilang driver na si Mang Dindo. Dalawampung minuto ang itatagal ng byahe nila bago makarating sa pinaglagakan ng labi ni Aragon. "Tamara, balita ko may nakilala ka daw na lalaki sa mall kahapon." Usisa ni Mr. Yao. Matalim ang naging tingin ni Tamara kay Mang Dindo dahil sigurado siyang ito ang nagsabi kay Mr. Yao. Bukod kasi sa pagiging driver nito ay lahat pa ng kilos niya ay sinasabi kay Mr. Yao. Dahil yun din ang utos nito sa kanya bilang driver. "Sino ang lalaking yun Tamara?! Kaya ba ayaw mong magpakasal sa akin dahil may iba kang kinakatagpo?!" Galit na wika ni Leandro. "Easy Son, bakit ayaw mong intayin ang paliwanag niya. At isa pa hindi dapat ganyan ang reaction mo dahil wala naman kayong relasyon." Sabat ni Mr. Yao. Marahas na napabuga ng hangin si Leandro sa saway ng kanyang Ama. "Hindi ko po siya kilala Mr. Yao. Napansin ko lang na sumusunod siya sa akin sa department store kaya hinila ko siya papasok sa dressing room. Tinanong ko siya kung bakit niya ako hinahanap ngunit wala siyang maisagot. Baka nabighani lang sa ganda ko at wala naman akong dahilan upang patayin siya kaya hinalikan ko na lang." Derechong wika ni Tamara. Bumalanghit ng tawa si Mr. Yao. Napalunok naman si Mang Dindo dahil yun pala ang nangyari. "What did you say? Hinalikan mo ang lalaking hindi mo kilala? Are you Crazy?" Namula na ang mukha ni Leandro sa galit. Habang nakatingin sa kanya. Hindi niya ito tinapunan ng tingin. "Ganyan ang gutso ko sa'yo Tamara. Masyado kang tapat sa akin Hija." Ngumisi si Mr. Yao at hindi pinansin ang galit ni Leandro. Narinig pa nilang nagmura ito. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na din sila sa lugar kung saan inilagak ang katawan ni Aragon. Bumaba ang mga bodyguard’s nila na naka convoy sa kanila. Upang masigurado na walang mga banta ng kalaban na magtatangka sa kanila. Pagkatapos ay naunang bumaba si Tamara at sumunod naman si Mr. Yao at Leandro. Sa labas pa lamang ay marami na ang nakiramay sa pamilya ni Aragon. Pumasok sila sa Sacred valley kung saan nakalagak ang labi nito. Kahit hindi tumitingin sa paligid si Tamara ay ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanila. "Nakikiramay ako sa nangyari kay Aragon, Celia tangapin mo sana ang tulong ko sa inyo." Wika ni Mr. Yao sa asawa nito. "Salamat Mr. Yao." Malamig na tugon nito. Pagkatapos ay lumapit na si Mr. Yao sa kabaong ni Aragon. Pinagmasdan niya ang malamig na bangkay nito. At nakita niya ang mahabang hiwa sa leeg nito. Hindi niya akalain na ganun kadaling mapapatay ni Tamara si Aragon. "Sabi ng driver namin may isinakay daw silang maganda at sexing babae mula sa bar. At sa kotse palang daw ay inaakit na ng babae ang asawa ko. Kilala mo naman ang asawa ko Mr. Yao. Mahilig talaga siya sa babae, pero kahit ganun sa akin pa rin siya umuuwi. Alam kong libangan niya lang ang mga yun. Kaya hindi ko akalain na yun din ang tatapos sa buhay niya." Naiiyak na paliwanag ni Celia. Pasimpleng tinignan ng masama ni Leandro si Tamara na nakatingin lang sa walang buhay na si Aragon. "Wag kang mag-alala Celia, mahahanap din natin ang gumawa nito kay Aragon." Wika ni Mr. Yao. "Talaga?" Sabay-sabay silang lumingon ng may magsalita sa likuran nila. "Sa tingin niyo mahahanap pa namin ang pumatay sa kapatid ko? Hindi na sana ako aasa pa Mr. Yao. Mabuti na lamang at buhay pa ang driver namin na pwedeng maka-identify sa babaeng pumatay sa kapatid ko kung hindi tuluyan na kaming mawawalan ng pag-asa." Wika ni Armando. Nakakatandang kapatid ni Aragon. "Mabuti kung ganun Armando. Balitaan niyo kami baka sakaling makatulong din kami sa paghahanap." Seryosong wika ni Mr. Yao. "Sure, salamat sa pagbisita alam kong abala kayo sa negosyo." Hindi man direktang sinabi ni Armando ngunit pinapaalis na sila sa lamay. Matapos nilang magpaalam ay umalis na din sila. At mabilis na sumakay sa kotse. "Sa tingin mo namukhaan ka ng driver nila Tamara?" Kunot noo na tanong ni Mr. Yao. Ramdam nilang pinaghihinalaan sila ng naiwang pamilya ni Aragon. Dahil na rin sa malamig na pagtangap sa kanila. "Ako na ang bahala sa kanila Dad." Si Leandro ang sumagot. "No, ako na ang bahala sa kanila Mr. Yao." Putol ni Tamara. "Tamara!" Saway ni Leandro. "Ipapaubaya ko na sa iyo ang lahat hija. Mag-iingat ka." Hindi tumugon si Tamara dahil may napansin siyang nakasunod na kotse sa likuran nila. "Mang Dindo, maging alerto kayo may nakasunod sa atin." Seryosong wika ni Tamara habang nakatingin sa side mirror ng kotse. Napalingon naman ang mag-ama sa likuran. Mabilis na kinuha ni Leandro ang phone upang tawagan ang mga bodyguard’s na naka convoy sa kanila. "Philip, may sumusunod sa atin harangin niyo!" Utos ni Leandro. Pagkatapos ay ibinaba na niya ang phone. Nag-umpisa na silang makarinig ng putukan sa likuran mula sa mga bodyguard’s nila at sa kotse na sumusunod sa kanila. Hangang sa nagsulputan sa kanilang tagiliran ang mga limang motorsiklo. "Dapa!" Malakas na sigaw ni Tamara. Nang biglang palibutan ang kanilang kotse ng mga nakamotor. Mabuti na lamang at hindi tumagos ang bala kahit mataas na kalibre ng baril ang hawak nila dahil bullet proof ang sinasakyan nila. Pero kailangan pa din nilang mag-ingat lalo na kung patuloy na babarilin ang kotse nila. Mabilis na hinugot ni Tamara ang m16 riffle sa ilalim ng kanyang upuan at binuksan ni Tamara ang pinto ng kotse niya. Kaagad niyang pinaputukan ang mga naka-motor na umaaligid sa kanila. "Tamara mag-ingat ka!" Sigaw ni Leandro. Hindi niya magawang tamaan ang iba lalo na ang nasa tabi ni Mr. Yao na patuloy na binabaril ang bintana ng kotse. Kaya kahit umaandar ay nagawa niyang umapak sa pintuan ng kotse at agad siyang tumalon papunta sa bubong ng kotse. Nagkakape sa coffee shop sila Raul at Nathan dahil pinag-uusapan nila kung paano magagawa ang misyon ng makita nila ang isang babae na nasa ibabaw ng kotse at may tangan na baril ito at matapang na bumabalanse sa itaas habang isa-isang nagtutumbahan ang mga naka-motor sa gilid nito. "May shooting pala dito, sino kaya ang artista ang galing umarte nong babae ah." Tanong ni Raul. Habang umiinom ng kape. Nabulwak ni Nathan ang kape niya nang makita at makilala ang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD