Hindi akalain ni Nathan na makikita niya ulit ang babae kanina sa bar. Ngunit ang mas naging dahilan ng pagtataka niya noo ay ang kakaiba nitong aura at ang mga dugo sa mukha at mga hita nito na natatamaan ng headlight ng kotse niya. Tumigil pa ito sa paglalakad at derecho ang tingin sa kanya.
“Lapitan natin?”
Wika ni Raul.
Mataman lang
silang nagtitigan ng babae. Iniisip niya kung bababa sila at tatanungin ito
hangang sa may mga lalaki na silang namataas na tumatakbo papunta sa
kinaroroonan ng babae at may hawak silang mga armas.
“Dapa!” Sigaw ni
Nathan. Pareho silang dumapa ni Raul nang biglang magpaputok ng baril ang mga kalalakihan
na tumatakbo sa papunta sa babae. Bahagyang sumilip si Nathan kahit tumatagos
na sa windshield nila ang mga bala upang tignan ang lagay ng babae ngunit
nanlaki ang mga mata niya ng mabilis na nailagan ng babae ang mga bala gamit
lang ang matulis na bagay na nasa kamay nito.
Narinig na lang
nila ang pagsulpot ng isa pang kotse at agad sumakay ang babae. May nagdatingan
din na kotse at sumakay din ang mga lalaki na sumusunod sa kanya. Sa isang
iglap nawala ang eksena sa harapan nila. Pagkatapos ay nagkatinginan silang
dalawa ni Raul.
“Nakita mo ba
yun?” Gulat na wika ni Raul. Hindi alam ni Nathan kung nakita din ba ni Raul
kung paano sinalag ng babae ang mga bala na tatama dapat sa katawan nito dahil
nakayuko ito at tanging ilaw sa isang poste ang nagtatanglaw sa lugar. Wala sa
sariling mabilis na tinapakan ni Nathan ang accelerator para sundan ang kotse
lulan ng babae kanina at ang mga humahabol dito.
“Nathan, nasisiraan ka na ba? Bakit mo sila susundan?” Kunot noo na tanong ni Raul.
“Hindi ko alam
Raul, may kakaiba sa babae na yun at hindi ako mapakali hanga’t hindi ko
nalalaman kung ano iyon.” Seryosong sagot ni Nathan. Kahit siya ay hindi niya
din alam kung bakit ganon na lang reaction niya ng makita ang babaeng yun.
“Baka naman type
mo siya?”
Tinignan niya ng
masama si Raul at nagpatuloy ulit sa pag drive ng kotse. Nakita nilang
pinagbabaril na ang kotse ng babae ngunit mabilis pa rin itong magpatakbo.
“Kuya Dindo, magpalit
tayo ako na ang magda-drive.”
Walang emosyon na wika ni Tamara. Dahil malapit na silang maabutan ng mga bodyguard ni Aragon.
“Pero Tamara, paano?”
Mula sa tabi ng
driver ay agad na inangat ni Tamara ang sarili at humakbang papunta sa driver
seat. Kahit nahirapan sila ay nagawa nilang magpalit ng pwesto. Kaagad na kinabit
ng driver ang kanyang seatbelt dahil alam na niya ang gagawin ni Tamara.
Mabilis na kinabig ni Tamara ang kotse pakaliwa dahil may kasalubong na silang
truck kaya dire-diretso ang sumusunod na kotse at sumalpok ang kotse ng
kalaban.
Sumilay ang
ngiti niya sa labi nang tuluyan ng mabanga ang mga ito sa truck dahil
siguradong hindi na sila makakasunod pa sa kanya. Ngunit kumunot ulit ang noo
niya nang mapansin at makita ang puting kotse na nakasunod din pala sa kanila.
Kaya mas binilisan niya pa ang patakbo sa kotse. Mabuti na lamang at wala na
gaanong sasakyan sa paligid hindi siya nahirapan na takasan ang mga ito.
Nahampas ni Nathan ang manibela ng kotse dahil
tuluyan nang nawala sa paningin niya ang babae. Nakita niya itong nagmamaneho
dahil sumalubong ito sa kanila. Hindi agad siya nakasunod dahil mabilis ang
takbo niya muntik na rin siyang tumama sa truck mabuti na lang at nakabig din
niya ito bago pa sila tuluyang sumalpok sa truck.
“Tama na yan
Nathan, umuwi na tayo. Hindi tayo pwedeng mangialam basta-basta sa kung ano
mang masaksihan natin dahil baka lalo tayong mapahamak.” Paliwanag ni Raul.
Walang nagawa si Nathan kundi ang sundin ito. Pero nasa isip pa rin niya ang
nangyari kanina. May kutob siya na may ginawa ang babae nay un sa matandang
kasama niya kanina. Kaya siya hinahabol ng mga kasama nito.
Sinalubong ni
Mr. Yao ang pagdating ni Tamara.
“Good job Tamara! Alam kong magagawa mo ang misyon ng walang kahirap-hirap hija. Umakyat kana sa kawarto mo para magpahinga.” Wika ni Mr. Yao sa kanya.
Matapos siyang
tapunan ni Leandro ng masamang tingin ay umakyat na rin siya. Narinig pa niya
ang mahinang mura nito pero wala siyang paki-alam dahil yun ang utos ni Mr.
Yao.
Pagpasok niya sa
kwarto ay agad niyang hinubad ang kanyang suot na black satin dress na puno ng
dugo ni Aragon at nagbabad sa maligamgam na tubig sa bathtub. Naghalo ang dugo
sa tubig ngunit hinayaan lang niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Pumasok sa isip
niya ang lalaking nakatitig kanina sa kanya sa bar at sa kotse bago siya
pagbabarilin ng mga tauhan ni Aragon.
Kaya naman
niyang tapusin ang mga ito ngunit nagdalawang isip siya baka mangi-alam ang mga
lalaki at ayaw niyang mandamay ng iba kaya mas pinili niyang tumakas para mas
mailayo ang mga sumusunod sa kanya at nagtagumpay siya doon. Pagkatapos niyang
magbabad ng kalahating oras ay nagbihis na rin siya at natulog.
Kinabukasan ay
sinuot niya ang kulay itim na manipis na damit, hangang tuhod ito at nakatali
sa leeg na labas ang likod. Normal na araw lang para sa kanya kaya bumaba siya
upang mag-almusal. Naabutan niya si Leandro sa dining table kaagad itong
nag-angat ng tingin sa kanya.
“Sabay na tayo
mag-breakfast.” Wika ni Leandro.
Walang emosyon na
umupo si Tamara sa tabi niya. At kumuha ng kapirasong tinapay at itlog. Hindi
siya itinuturing na iba ng Yao family dahil noon pa man malaki na ang
ginampanan niyang tungkulin para sa kanilang pamilya.
“Tamara wala ka
pa bang balak mag-asawa?”
Napatigil si
Tamara sa panguya at uminom siya ng fresh juice.
“Bakit?”
“Magpakasal na
tayong dalawa.” Derechong sagot ni Leandro. Sumilay ang ngiti sa labi ni
Tamara, ngunit hindi parin siya tinitignan nito.
“Wala sa isip ko ang magpakasal Leandro at kung meron man hindi ikaw yun.”
Nagtangis ang
bagang ni Leandro sa narinig. Ilang taon na rin siya nitong nirereject at
nauubusan na siya ng pasensya.
“Excuse me.”
Akmang tatayo na
sana si Tamara nang biglang hawakan ni Leandro ang kamay niya.
“Bakit? Ano bang
ayaw mo sa akin? Anong nagawa ko sa’yo? Bakit ganun na lang ang pagtanggi mo sa
akin? Hindi ako sanay na humahabol sa babae Tamara. Dahil sanay ako na sila ang
lumalapit at nagkakandarapa sa akin pero ikaw. Ikaw ang lang ang gusto ko pero
bakit hindi kita makuha?”
Marahas na
hinila ni Tamara ang kamay niya mula kay Leandro.
“Bakit hindi na
lang ang mga babaeng may gusto sa’yo ang pakasalan mo?” Malamig na sagot ni
Tamara.
"Hindi sila
ang gusto ko Tamara. Ikaw!" Singhal ni Leandro naubusan na rin siya ng
pasensya para sa kanya.
"Hindi rin
ikaw ang gusto ko Leandro. Kaya parehas lang tayo."
Mabilis na
humakbang si Tamara palayo kay Leandro. Narinig pa niya ang pagtawag nito pero
hindi na niya ito nilingon. Kaagad siyang pumasok sa silid at sumandal sa likod
ng pinto.
Alam niyang katawan lang ang habol sa kanya ni Leandro dahil halata naman niya na naakit sa kanya ito. Pero hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari.
Masakit ang ulo na bumangon si Nathan dahil sa
hindi siya gaanong nakatulog at madaling araw na siya nakauwi sa condo niya.Iniisip
niya parin ang babae na nakita niya kagabi.
Nabigla siya nang makita ang kanyang maliit na relo sa ibabaw ng mesa alas-dyes na ng umaga. Kailangan niyang pumunta ngayong araw sa opisina. Dahil ngayon ang unang araw niya bilang ganap na myembro ng SA organization. Pupunta na sana siya ng banyo nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya iyong sinagot.
"Hello sino
‘to?"
"Congratulation
Nathan! Nabalitaan ko kay Raul na ngayon ang unang araw mo sa organization. Good
luck! Mag-ingat ka at kung kailangan mo ng tulong ay tawagan mo lang ako bye! I
have to go!"
Napangiti siya nang
marinig ang boses ni Alixane sa kabilang linya. Kahit hindi na sila nagkikita
dahil abala ito sa kaniyang misyon ay hindi pa rin ito nakakalimot na batiin
siya.
"Hindi man
lang niya hinayaan na kausapin ko siya. Binaba niya na agad ang tawag."
Napapailing na pumasok sa loob ng banyo si Nathan upang maligo. Pagkatapos ng
kalahating oras ay tapos na siyang magligo at magbihis lumabas na siya sa
kanyang condo at sumakay ng motorsiklo.
May dalawang
oras pa siya kaya balak niyang dumaan muna sa department store para makabili ng
leather jacket. Kaya mas binilisan niya pa ang papatakbo sa motor.
Pagkarating niya
sa mall ay agad siyang nagtungo sa department store kung saan makikita ang mga
mamahaling leather jacket na magagamit niya sa kanyang misyon. Kinuha niya sa
hanger ang natipuhan niya at nagtungo sa malapit na salamin. Sinisipat ang
sarili kung bagay sa kanya ang napili niyang kulay at disenyo.
Ngunit biglang nahagip ng mata niya ang babaeng naka dress na kulay itim sa may salamin. Nagtama ang kanilang mga mata sa salamin halos sampung hakbang lang ang layo ng pagitan nilang dalawa. Napamura si Nathan nang makilala niya ang babaeng nakatayo sa likuran niya. Mabilis niyang nilingon ito ngunit hindi na niya ito nakita pa. Inilibot niya ang kanyang tingin. Hindi siya maaring magkamali ang babae kagabi at ang nakita niya ay siguradong iisa.
Hinanap ng
kanyang mga mata ang babae ngunit bigo siya na makita ito. Ibinalik niya ang
jacket sa pinagkuhanan niya at naglakad pa siya habang palinga-linga parin sa
paligid. Hangang sa may biglang humila sa kanya papasok ng dressing room.
Ang pamilyar na amoy
nito ang nagpabilis ng t***k sa kanyang dibdib. Nagtama ang kanilang mga mata.
Ang isang kamay nito ay nasa leeg niya at may hawak na patalim habang ang isa
naman ay nakahawak nang mahigpit sa likuran ni Nathan.
"Bakit mo
ko hinahanap?" Walang emosyon na tanong ni Tamara sa kanya. Isang dangkal
lang ang layo ng mukha nila sa isa't-isa kaya hindi gaanong makagalaw si Nathan
dahil sa patalim na nakaumang sa leeg niya at ramdam niyang matalas iyon dahil
may nararamdaman na siyang sakit na nagmumula sa leeg niya.
"I said
bakit mo ko hinahanap? Sasagot ka ba o tutuluyan na kita." Banta pa ni
Tamara sa kanya. Baka kasi may intensyon din na masama ang lalaki kaya siya
sinusundan nito.
"Sino ka?" Sambit ni Nathan.
Sumilay ang
maliit na ngiti sa labi ni Tamara. Hindi niya akalain na kaya siya sinusundan
nito upang alamin lang ang kanyang pangalan.
"Gusto mo
akong makilala? Bakit?" Nakatitig pa rin sila sa isa't-isa.
Hindi alam ni
Nathan ang kanyang isasagot sa babae. Mula sa mga kulay itim na itim na mga
mata nito ay dumako ang kanyang tingin sa mapulang labi nito.
"Gusto mo ‘kong
halikan?" Mahinang tanong ni Tamara. Pakiramdam ni Nathan ay
nahi-hypnotismo na siya sa babae habang magkalapit silang dalawa.
Nanlaki ang mata
ni Nathan nang maramdaman niya ang malambot na labi nito sa kanyang labi.
Napangiti si
Tamara sa nakita niyang reaksyon ng lalaki pero hindi niya inaalis ang labi
niya dito at mas malalim pa ang ginawa niyang paghalik dito. Naramdaman niya
ang pag yakap ng braso ng lalaki sa kanyang maliit na beywang unti-unti niyang
binaba ang kutsilyo at isinukbit sa kanyang hita.
Hindi na
napigilan ni Nathan ang kanyang sarili na tugunin ang mapang-akit na halik ng
babae sa kanyang harapan. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa mga sandali
dahil sa babaeng hindi niya kilala. Ang kakaibang amoy nito ang paraan ng
pagtitig nito sa kanya at pati narin ang paraan ng paghalik nito ay nagbibigay
sa kanya ng kakaibang pakiramdam at gusto niya iyon. Halos minuto din ang
itinagal ng malalim na halikan nila hangang sa ang babae na ang pumutol ng
halik at lumayo.
Tinititigan ni
Tamara ang kulay abo na mga mata ng lalaki at pinahid ang lipstick na naiwan sa
labi nito.
"Thank you
for the kiss. I enjoyed it." Bulong ni Tamara sa tenga ng lalaking hindi
niya kilala. Pagkatapos ay lumabas na si Tamara sa dressing room na parang
walang nangyari. Tinangka pa siyang habulin ni Nathan. Ngunit hindi na niya
hinayaan na makita siya nitong muli.
Napahawak si
Nathan sa kanyang labi. Hindi niya akalain na basta siya nawala sa sarili dahil
sa babaeng yun. Ang buong akala niya ay tatapusin na siya nito ngunit iba ang
ginawa ng babae. Hinalikan siya nito at aaminin niyang nagustuhan niya ang
halik na iyon. Pakiramdam niya ay nadikit pa rin ang katawan nito sa kanya.
Napangising
bumalik si Tamara sa kanyang kotse. Balak niya dapat tapusin ang lalaking
sumusunod sa kanya kanina ngunit hindi niya iyon nagawa dahil mas nangingibabaw
ang pagnanasa niyang halikan ito. Huli na nang maisip niyang ibinigay niya ang
unang halik sa lalaking hindi niya kilala.
Kunot noo naman
siyang tinignan ni Mang Dindo.
"Ma'am may
nangyari ba sa loob? Bakit ganyan kayo makangiti? Nakakatakot."
Sinamaan niya
ito ng tingin kaya mas lalo itong natakot sa kanya.
"I want to
go home." Malamig na wika niya dito. Kaagad siyang pinagbuksan ng pinto ni
Mang Dindo at agad siyang pinaupo sa passenger seat.
"Ms.!"
Napalingon si
Tamara ng marinig ang malakas na boses ng lalaking kahalikan niya kanina.
Tinapunan niya ito ng ngiti. Bago tuluyang pinaandar ng driver ang kotse.
"Magkikita
pa tayo. Mr. Good Kisser." Nakangiting bulong ni Tamara sa kanyang sarili.