“Hoy saan ka pupunta!” Habol ni Raul kay Nathan nang bigla itong tumayo mula sa upuan at kaagad tumakbo palabas ng coffee shop. Humigop muna si Raul ng kape dahil nanghinayang pa siya sa presyo nito bago tuluyang sundan si Nathan. Nagulat na lamang siya na ang inakala niyang shooting ay totoo palang barilan na ang nagaganap dahil sa narinig niyang mga putok ng totoong baril sa paligid.
“Nathan! Nathan!” Sigaw ni Raul. Hindi siya nilingon nito at nagpatuloy lang ito sa pagtakbo habang sinusundan ang kotse lulan ang babae. Hangang sa may isang motor na tumumba dahil sa tama ng bala at duguan na rider. Kaagad na tinayo ni Nathan ang motor at siya naman ang sumakay. Sinubukan niyang tulungan ang babae at batid niyang hirap ito sa pagbaril dahil marami ang kalaban. Hinugot niya ang kanyang baril at pinaputukan din ang iba pang nakamotor. Napatingin naman sa kanya ang babaeng hindi niya kilala. Nakatayo ito sa ibabaw ng itim na kotse at pilit na bina-balanse ang sarili sa ibabaw ng kotse dahil mabilis din ang takbo nito.
Tuluyan nang
natalo ng mga kalaban ang kasamang bodyguard’s nila Tamara kaya nakasunod na
rin ito sa kanila. Mabilis na hinarang at pinaputukan ni Nathan ang nakasunod
sa kanilang likuran. Hanggang sa bigla na lang may sumulpot na isa pang kotse
sa harapan nila at bumabaril ang mga ito mula sa harapan. Tumagos ang bala sa
loob ng kotse at mabilis na tinamaan si Mang Dindo pati na rin si Mr. Yao.
“Dad!” Sigaw ni
Leandro. Niyakap niya ang kanyang Ama dahil tinamaan ito sa balikat. Bumagal
ang takbo ng kotse nila Tamara at sumalpok ito sa malaking puno kaya agad
nahulog si Tamara mula sa taas ng kotse.
Napamura si Nathan nang makita niya kung paano nahulog ang babae dahil alam niyang masama ang naging bagsak nito. Bago pa man siya makalapit sa babae ay kaagad na tumayo si Tamara ngunit. Biglang dumaan ang kotse lulan ang mga kalaban. Nanlaki ang mga mata ni Nathan nang tamaan ang babae sa kabilang braso. Kaagad niyang hinarangan ito ng motor at tinapatan ang pagpapaputok ng kalaban. Tinamaan ni Nathan ang driver ng kotse kaya nagpagiwang-giwang ito bago dumiretso sa bangin.
“Ms.? Are you okay?”
Kunot noo na tanong ni Nathan. Nagkaroon ng maraming katanungan sa isip si
Tamara kung bakit siya niligtas ng lalaki at kung bakit sila tinulungan nito.
Ngunit bigla na lamang sumulpot ang kalaban mula sa bangin na pinaghulugan ng
kotse at agad na itinutok ang baril sa direksiyon nila. Mabilis na tinulak ni
Tamara si Nathan. Bago pa man ito makapagpaputok ng baril ay mabilis niyang
hinugot ang kutsilyo sa kanyang hita at inasinta ang kalaban. Bumaon agad ang
matalas na kutsilyo nito sa noo ng lalaki. Muli itong nahulog sa bangin.
Nagulat si Nathan dahil nasa kabilang kalsada ang kalaban at nagawa itong
asintahin ni Tamara kahit patuloy ang pagtulo ng dugo sa kanyang braso.
Akala nila ay
ubos na ang kalaban ngunit biglang may dalawa pang sumulpot sa likuran nila na
mula din sa kotse na nahulog sa bangin. Papuputukan na sana sila ni Nathan
ngunit mabilis na pinagbabaril sila ni Raul lulan ng puting kotse. Napangiti si
Nathan nang makita si Raul ngunit kabaliktaran iyon ng itsura ni Raul dahil
masama itong nakatingin sa kanya.
“Tamara si Dad!”
Sigaw ni Leandro. Kaagad na lumapit si Tamara sa pinto ng kotse agad na
binuksan at tinignan ang sitwasyon sa loob. Parehong namimilipit sa sakit si
Mang Dindo at Mr. Yao. Napako sa kinatatayuan niya si Nathan nang makita ang
dalawang tao sa loob ng kotse. Napalingon siya kay Raul na nasa likuran niya.
Nangungusap ang kanilang mga mata dahil nakita mismo nila ang kanilang misyon.
“Leandro,
ililipat ko kayo ng sasakyan para madala agad kayo sa hospital.” Wika ni
Tamara. Nakita ni Leandro ang dugong umaagos sa braso ni Tamara.
“You’re
bleeding!” Akmang hahawakan ang braso niya ngunit iniwas iyon ni Tamara.
“Wag mo akong
alalahanin Leandro.” Malamig na sagot niya dito. Kaagad na umikot si
Tamara at inalalayan si Mr. Yao palabas dahil hindi na rin magagamit ang kotse
nila nasira na ito sa pagsalpok sa puno.
“Pwede mo ba
kaming ihatid sa hospital? Babayaran namin ang kotse mo.” Seryosong wika ni
Tamara kay Raul. Kumunot ang noo ni Raul dahil namukhaan din niya ang babae na
nakiki-usap sa kanya. Hindi na hinantay ni Nathan na sumagot ito. Mabilis na
binuksan ni Nathan ang likuran ng white ford Mitsubishi at agad na ipinasok ni
Tamara si Mr. Yao katulong si Leandro. Sumakay sila sa likuran at pagkatapos ay
nagtungo naman siya sa harapan para kunin si Mang Dindo. Tinulungan niya si
Tamara na alalayan ito. Napasinghap si Raul nang tuluyang maisakay ang mga
sugatan. Pagkatapos ay si Tamara naman ang umupo sa unahan katabi ng driver.
Bago pa tumabi si Nathan sa tabi niya ay pinunit muna niya ang ibabang bahagi
ng puti niyang t-shirt na nakailalim sa suot niyang itim na jacket. Kunot noo
na napatingin si Raul at Tamara sa kanya. Mabilis na tinali ni Nathan ang kanyang
pinunit na damit sa braso ni Tamara. Bakas sa mukha ni Tamara ang pagkagulat sa
ginawa ni Nathan. Pero hinayaan niya lang ito dahil sa patuloy na pagtulo ng
dugo mula sa kanyang braso. Pagkatapos maibuhol ni Nathan ang kanyang pinunit
na damit sa braso ni Tamara ay kaagad na rin siyang tumabi dito. Pagkatapos ay
pinaharurot ni Raul ang kotse papunta sa Hospital.
Makalipas ang
labing-limang minuto ay kaagad nilang narating ang hospital. Dinala agad nila
si Mr. Yao sa emergency room at pati na rin si Mang Dindo na wala na ring
malay. Naging abala ang emergency room dahil sa sugatan.
"Tamara,
magpa-confine ka narin." Utos ni Leandro. Umiling si Tamara sa kanya.
Pakiramdam ni Tamara ay naging pabaya siya kaya parehong nanganib ang buhay
nilang lahat.
"Hindi na
kailangan, daplis lang to." Sagot ni Tamara. Nainis si Nathan sa narinig
na sinabi nito kaya hinarap niya ito.
"Daplis? Eh
namumutla na nga yang mukha mo dahil sa maraming dugo na nawala sa'yo?"
Inis na wika ni Nathan. Tinignan niya si Nathan at nakita niya ang pag-aalala
sa mukha nito. Hindi niya maiwasang isipin kung bakit hangang dito sa emergency
room ay nakasunod pa rin ang mga ito. Kasama ang isa pang lalaki na tumulong
din sa kanila.
"I'm
okay." Malamig na sagot ni Tamara. Tatalikuran na sana niya ang mga ito
nang bigla siyang sinalubong ng malakas na sampal sa pisngi.
"Sophia!"
Kaagad na
lumapit si Leandro at hinarangan ang kapatid.
"What
happen to Daddy, Kuya? Anong silbi ng babaeng yan kung hindi niya kayo kayang
protektahan!"
Nagulat si
Nathan at Raul dahil sa nakita at narinig niya mula sa kakarating lang na
babae. Kahit si Raul ay napaatras din dahil sa sigaw nito kay Tamara.
"Hindi mo
ba nakita? She's bleeding too! Ginawa niya ang lahat to protect me and
Dad!" Galit na wika ni Leandro sa nakababatang kapatid. Inirapan lang siya
ni Sophia at kaagad na lumapit sa pintuan ng operating room.
"I'm sorry
Tamara." Wika ni Leandro. Akmang hahawakan niya si Tamara ngunit umiwas
ito.
"Magbabantay
lang ako sa labas baka masundan tayo ng iba pang tauhan ni Armando."
Walang emosyon na wika ni Tamara at nagpatuloy ito sa paglakad palayo at
palabas ng hospital. Pagkalabas ni Tamara ay umupo muna siya silya na nasa
harapan at nagsisilbing waiting room sa labas ng hospital. Kinagat niya ang
ibabang labi dahil nararamdaman na niya ang sakit ng kanyang braso.
"Siya ang tinutukoy ko Ms. Ayaw niyang magpagamot sa loob kaya sagot ko na bigyan mo siya ng paunang lunas." Seryosong wika ni Nathan. Habang nakatingin kay Tamara. Kasama niya ang isang nurse na mula sa loob ng hospital. Nag-salubong ang kilay ni Tamara sa kanya.
"I said,
I'm okay." Malamig na tugon niya. Mataman lang silang nagtitigan at ayaw
patalo ni Nathan sa pagmamatigas nito. Ngayon lang siya nakakita ng taong
nabaril na ay okay pa rin.
"Ms.
Gamutin na natin yang sugat mo para makaalis na ako dahil sigurado akong hindi
ako tatantanan ng boyfriend niyo."
"Boyfriend?"
Sabay na wika ni Nathan at Tamara.
Namula ang nurse
na nasa harapan nila. “I’m sorry hindi ba? Makulit kasi si sir eh kaya akala ko
may relasyon kayo." Dagdag pa ng nurse.
Nagkatinginan si
Nathan at Tamara. Walang gustong bumawi ng tinginan nila. Kahit tinatangal na
ng nurse ang nakataling tela sa braso ni Tamara at nilinisan narin nito ang
sugat niya.
"Ms,
kailangan mong ipatahi ang sugat mo sa loob dahil masyado itong malalim."
Wika ng nurse matapos linisin ang sugat niya. Kumunot ang noo niya nang makita
ang dalawa na nagtitigan lamang. Umiiling na iniwanan niya ang dalawa.
"Hindi daw
mag-shota kung magtitigan naman ay wagas." Pabulong na wika ng Nurse.
Biglang nagbawi ng tingin si Nathan dahil sa pagtapik ni Raul sa likuran
niya.
"Magtititigan
na lang ba kayo?" Nakangising wika ni Raul. Pero hindi siya pinansin ni
Nathan. Sa halip ay hinila ni Nathan sa loob si Tamara at hindi na rin ito
nagmatigas pa.
Inantay niya ito
at tinitigan mula sa malayo habang tinatahi ng doctor ang sugat niya. Wala pa
rin siyang makitang emosyon sa mga mata nito. Napansin din ni Nathan ang
mapulang pisngi nito dahil sa pagsampal kanina sa kanya ng nagpakilalang anak
ni Mr. Yao.
"Nathan,
anong naisip mo at tinulungan mo sila?" Kunot noo na tanong ni Raul kay
Nathan matapos siyang abutan nito ng maiinom.
"Hindi ko
alam Raul. Basta na lamang sumagi sa isip ko na kailangan ko siyang
iligtas." Seryosong sagot ni Nathan. Tinangal niya ang takip ng inumin na
inabot sa kanya ni Raul at tinungga ito. Habang nakatingin parin siya kay
Tamara.
"Ibig ba
sabihin niya nakalimutan mo na si Alixane at iyang babae na yan ay nagugustuhan
mo na?" Nakangising tanong ni Raul. Gustuhin man niyang sapukin ito ay
nagpipigil lang siya dahil mas matanda parin ito sa kanya. Hindi niya alam kung
tama nga si Raul. Basta ang alam niya nais niya pang makilala ang babae at
gusto din niyang malaman kung bakit pino-protektahan nito ang pamilyang yun.
Ang pamilyang kailangan nilang imbestigahan. Pati na rin ang kakambal nitong
panganib.