Agarang napaluhod si Agatha nang makabalik kami sa kanyang kwarto. Halatang pinilit niya ang sarili na ngumiti kaharap ang delegasyon ng Capaz at nakikinig sa kanilang usapan. Lalo na buong pagmamalaki na ipinakilala siya ng duke na kanyang mapapangasawa. "I-It's so s-scary..." nanginginig niyang bulalas at mangiyak ngiyak na tumingin sa akin, "Pakiramdam ko kanina ay isa akong kuneho na nasa gitna ng hawla ng mga leon... Nakakatakot ang bawat miyembro ng delegasyon kanina." Habang nagmamasid ako sa usapan sa pagitan ng duke at ng mga delegasyon ay kapansin pansin nga ang kakaibang atensyon na binibigay ng mga bisita kay Agatha. Para bang nakakita sila ng isang munting regalo. Alam ko na napansin din iyon ng duke pero nagpatuloy lang siya sa pagsasalita at binalewala ito. Kaya doon pa l