bc

Rewritten

book_age16+
667
FOLLOW
3.9K
READ
possessive
reincarnation/transmigration
second chance
drama
bxg
office/work place
magical world
another world
rebirth/reborn
assistant
like
intro-logo
Blurb

Si Liezel Roxas ay isang aspiring-to-be-writer subalit dahil sa kanyang unrelated educational background at no experience in writing ay tinanggap siya bilang personal assistant ng isang not-so-famous-writer na si Vanessa Conrado. Ngunit dahil sa hilig niya talaga ang magsulat ay paminsan minsan na nagsusulat siya ng kanyang nobela hanggang sa makagawa siya na masasabi niyang isang obra. Iyon nga lang ay hindi sinasadya na maiwala ng kanyang mga kaibigan ang kanyang flash drive na naglalaman ng kanyang isinulat na nobela.

Kaya nagulat sila na ianunsiyo ang nanalo sa isang writing contest ay walang iba kundi si Vanessa na siyang hindi nila nakita na sumusulat man ng ipapasa para sa contest na ito. Natuklasan niya na ang istoryang isunumite ni Vanessa ay siyang istorya niya na nilalaman ng nawawalang flash drive. Nagkakonprotahan ang dalawa na naging sanhi na parehong kamatayan nila.

Sa paggising muli ni Liezel ay napunta siya sa ibang mundo bilang si Ada Payden. Nalaman niya na nasa loob siya ng mundo ng istoryang kanyang ginawa. Ngunit bilang author, ayaw niya masira ang takbo ng kanyang binuong istorya at mas piniling mamuhay malayo sa binuo niyang karakter.

Hanggang sa isang araw na pamamasyal niya sa kabayanan ay natuon ang atensyon niya sa headline na nakasulat sa isang dyaryo. Si Duke Cailen Elrod, ang villain sa kanyang istorya, ay nakatakdang ikasal kay Agatha Aberra, ang female lead. Habang si Prinsipe Beau Frederick, ang male lead, ay nakatakda naman ikasal naman kay Valarie Driscoll, isang non-character.

chap-preview
Free preview
DRAFT 1
"Liezel, ipagtimpla mo ako ng kape." "Liezel, gawin mo ito." "Liezel, natapos mo na ba ang editing?" "Liezel, bakit wala ka pa ipinapasa sa akin?" "Liezel, aalis ako. Ikaw muna ang gumawa nito." "Liezel, natapos mo ba ang pinapagawa ko?" "Liezel, pumunta ka sa kabilang building at isumite ito." "Liezel, huwag ka muna umalis may ipapagawa pa ako sa iyo. Ganoon na lang palagi ang madalas na scenario ng aking buhay mula sa nagdaang limang taon. Nag-tra-trabaho ako bilang personal assistant ng isang not-so-famous writer ng isang sikat na publishing company. Naaalala ko tuloy ang panahon kung saan abot langit ang aking saya ng tawagan ako ng kompanyang ito for a job interview. Matagal ko na pangarap na maging isa sa mga aspiring writer nila kaya ganoon na lang ang pag-pu-pursige ko na mag-apply sa kanila pagka-graduate na pagkagraduate ko ng college. Masakit lang during the interview ay tinignan nila ang aking educational background at nalaman na wala itong relation for writing. Yes, I pursued a bachelor's course for business dahil na rin iyon ang gusto na kunin ko ng aking mga magulang bago sila namayapa. Gayun pa man para sa akin ay hindi ito hadlang na makamit ang aking pangarap. "Sorry to say this, Miss Roxas. Wala kang educational background for writing and wala ka ring past experience," dismayadong at mapagmatang sambit ng HR na siyang nag-iinterview sa akin, "This job opportunity will not suit you. Marami kaming mga applicant na may mas experience at may alam sa field na ito. We cannot risk that opportunity to hire you if we have a more deserving applicants." Tila biglang gumuho ang aking pag-asa na makuha ang aking pangarap na propesyon sa sinabi ng HR. Ganoon na lang ba ang panahon ngayon? Lagi nakabase sa pinag-aralan at kanilang mga nagawa na? Hindi ba nila pwede alamin muna kung may talento ako na pwedeng hasain? "P—Pero Ma'am! M-Mabilis po ako matuto! Promise bigyan niyo po ako ng pagkakataon na maging isang writer ng kompanya niyo!" pagpupumilit ko at halos lumuhod pa sa kanyang harapan, "Kahit i-hire niyo po muna ako bilang assistant para ma-train willing na willing po ako! Please ma'am! Gustung gusto ko po talaga maging isang writer! Hindi ko po magagawang palampasin ang opportunity na ito sa inyong kompanya!" pagsusumamo ko pa. Dahil sa aking ginawang eksena at napatingin sa amin ang ilang mga empleyado at aplikante na nasa labas ng glass door. Napahilot naman ng kanyang sintido ang HR na tila napaka-imposible ng aking hinihiling. "The other vacant position that you may apply is as a janistress. Masyado naman iyon mababa para sa pinag-aralan mo, Miss Roxas," pagpapaliwanag sa akin ng HR, "Tatawagan ka na lang namin if ever may makita kaming position na mas nababagay sa iyo." Napakuyom ako ng kamay. Alam ko na ang ibig sabihin kapag sinabi ng HR na tatawagan na lang kayo. It means huwag ka na umasa na matatanggap ka. "Fine, I'll be a janistress!" hindi ko sumusukong sambit, "I'm really love to be in your company! Kahit magmula pa ako sa baba hanggang matanggap akong writer ay gagawin ko, Ma'am!" Napangiwi naman ang HR na hindi inaasahan na tatanggapin ko ang offer na maging janistress. "Are you sure about this, Miss Roxas?" seryosong tanong niya, "Hindi mo naman siguro minamaliit ang trabaho na nakaatang sa mga janistress dito." Akmang tatango ako ng malakas na bumukas ang pinto ay may isang medyo may katandaang lalaki na pumasok. Biglang napatayo sa kanyang kinauupuan ang HR at magalang na hinarap ang may katandaang lalaki. "B-B-Boss!" pagbati ng HR sa lalaki kaya napatayo na rin ako para batiin siya. "I heard all the ruckus from the outside," malamig na sambit ng boss at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Sorry po. Paalis na rin naman po si Miss Roxas," umaasang pagtataboy sa akin ng HR palabas ng kompanya. Napabuga ako ng malalim na hininga at napabagsak pa ng balikat. Mukhang hindi umaayon sa aking kagustuhan ang sitwasyon. Bakit pa ba ako umasa na tatanggapin ako ng kompanyang ito? Hindi sila magiging kilala kung hindi sila marunong kumilatis ng taong tatanggapin nila. "Sorry po," paumanhin ko, "Aalis na po ako." Akmang lalabas na ako ng kwarto ng humarang roon ang kanilang boss. "No, stay here," pagpigil niya sa akin saka matalim na tinignan ang HR, "We will hire her." "B-B-Boss?!"gulat na sambit ng HR, "Pero sir wala po tayong vacant position sa kanya bukod sa pagiging janistress," pagpapaliwanag niya. Mukhang hindi naman nagustuhan ng boss ang pagsagot sa kanya ng HR. "I am the boss here, Miss Valdez," paalala niya, "Gagawan ko ng vacant position si Miss Roxas. Make her a personal assistant for Miss Conrado." "Si Miss Conrado po?" gulat na pag-ulit ng HR, "Pero ayaw pong tumanggap niya ng assistant." "Say to her that this is my decision," seryosong sambit ng kanilang boss bago umalis ng kwarto at nagtungo sa kanyang opisina. Namomoblema naman na napahilot sa kanyang sintido ang HR. Kung sinuman si Miss Conrado ay tingin ko masamang balita ito. Back to present... At tama ang aking naging kutob na isang maling balita na maging isang personal na assistant ni Miss Vanessa Conrado. Naalala ko pa naiinis niyang reaksyon noong unang araw ko pa lang sa kompanya bilang kanyang assistant. Kitang kita ang hindi niya pagkagusto sa akin. Kaya mula ng araw na iyon ay halos araw-araw niya ako pinahihirapan. Minsan ako pa nga ang mismong gumagawa ng kanyang trabaho habang siya at nakaupo sa kanyang table habang may kalandian na katawagan sa kanyang phone. Gusto ko man sumuko na lang pero mas matindi ang aking kagustuhan na maging isang writer. Kaya sa loob ng limang taon ay pinagtiisian ko ang ugali ni Ma'am Vanessa. "Hay... Kailan kaya ako mabibigyan ng oportunidad na maging isang writer," umaasang bulong ko habang patuloy na tumitipa para gawin ang tambak na trabahong inabot sa aking ng aking boss writer. Nang dumating ang oras ng lunch break ay agaran naman ako tumayo sa aking inuupuan para magtungo sa pantry at kumain. Ito lamang ang nagiging pahinga ko sa maghapon kaya napaka-importante sa aking ng lunch break. Naabutan ko naman sa pantry ang mga naging kaibigan ko sa loob ng limang taon. "Liezel!" masayang pagtawag nila sa akin. Malapad na ngumiti naman ako at umupo sa binakanteng upuan nila para sa akin. "Ano? Wala pa rin pagbabago diyan sa nanay mo?" bungad na tanong sa akin ni Joy, "Demonyita pa rin ba?" Natatawang hinampas ni Joana ang braso ni Joy. "Para naman magkakaroon ng himala at biglang babait iyon kay Liezel," sambit niya, "Mangyayari lang iyon kapag magugunaw na ang mundo. "Minsan kasi duraan mo ang pinatitimpla niyang kape. Baka sakali na bumait sa iyo di ba?" mungkahi pa ni Joy kaya nandidiri kami na tinulak siya palayo. "Yuck Joy! Mga suggestion nito! Kadiri!" pagsuway sa kanya ni Joana, "Pero kasi Liezel, bakit nagtitiis ka pa diyan sa nanay mo?" pagpayo naman ni April, "Bakit hindi ka kasi na lang magresign. Sayang naman ang talino mo kung patuloy ka magpapaalila sa kanya. Tingin ko rin naman kahit anong gawin mo ay hindi ka niya bibigyan ng oportunidad na maging writer ng kompanya." "Korek!" sang-ayon ni Joy sa payo ni April, "Tama na iyang pagiging martir mo. Malay mo mabigyan ka ng oportunidad sa ibang publishing company. Mayroon ka na kaya limang experience sa kompanya bilang assistant writer kaya malamang marami na ang tatanggap sa iyo ngayon 'no!" Napayuko naman ako ng ulo. Aaminin ko kahit ako ay hindi ko makita na magkakaroon ng pagbabago sa aking posisyon. Lagi na lang ako binabagsak ni Ma'am Vanessa tuwing pinapa-rate ng HR ang aking pagtra-trabaho sa kanya. Kaya imposibleng imposible na magkaroon ako ng job promotion. "Maybe kailangan ko na nga mag-let go," umaayong pagbulong ko. Tumingin ako sa aking mga kaibigan. Alam ko na sinabi nila iyon dahil alam nila iyon ang mas makakabuti sa akin. Wala akong future kung magpapatuloy lang ako sa ganitong sistema ng pamumuhay. *** Pagbalik ko sa aking opisina at nakita ko naman roon si Ma'am Vanessa na abalang abala sa pagre-retouch ng kanyang make up. Alam ko na maraming mga empleyado ang may problema sa kanyang pag-uugali subalit wala sila magagawa dahil isa sa mga importanteng empleyado ng kompanya si Ma'am Vanessa. Isa lang naman si Ma'am Vanessa sa unang mga writer ng kompanya bago pa ito makilala at maging isang malaking publishing house. Wala man siyang kilalang ginawang akda ay malaki naman ang naiambag niya noon para maging matagumpay ang kompanya. Iyon nga lang sa sobrang pagmamataas niya sa mga bagong dating na empleyado ay naging ganito ang kanyang akto. Umaasta siya na siya ang boss kapag wala ang mismong boss at lahat ng trabaho ay ipinapasa sa akin. Magiging masipag lang siya sa trabaho kapag dumadating si boss. Biglang naitago ni Ma'am Vanessa ang kanyang make up kit nang makita sa glass door ang padating namin na boss. "Good afternoon po boss," sabay namin na pagbati sa kanya. Tinanguan lang kami ni Boss at dumiretso sa loob ng kanyang opisina. Pinandilatan naman ako ng mata ni Ma'am Vanessa at lihim na hinihingi pabalik ang ilang trabaho na ipinasa niya sa akin. Nang maibigay ko ay muling umupo siya sa kanyang table at nagsipag sipagan sa ginagawang pag-eedit sa mga ginawang istorya ng kanyang kapwang mga writer. Biglang lumabas ng opisina si boss at hawak ang isang bagong sumite na manuscript. "Vanessa, keep up the good work!" papuri sa kanya ng aming boss, "Maganda ang pagkakaayos mo rito sa bago mong istorya. Sana laging maging ganito ang iyong trabaho." Napalunok naman ako dahil ako mismo ang nag-ayos ng manuscript na iyon bago ipasa. "Salamat po Boss!" abot tenga naman na sambit ni Ma'am Vanessa at hindi man lang naisipan na aminin na ako ang gumawa 'nun. Ano pa ba ang aasahan ko? Kapag kapuri-puri ang trabaho ay sa kanya pero kapag mali ay sa akin ang sisi. Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Ilang araw na lang naman ito dahil sa oras na magresign ako ay makakalaya na rin ako sa ganitong makababang turing na trabaho. "How is Miss Roxas?" biglang pagtatanong ni Boss kay Ma'am Vanessa, "Ilan taon na rin siya nagtratrabaho sa kompanya. Hindi pa rin ba siya kaya i-promote bilang writer?" Natahimik naman si Ma'am Vanessa. "Hindi pa po Boss. Ang dami niya pa rin dapat na matutunan at pamali mali sa kanyang trabaho," pagsisinungaling niya, "Mukhang hindi po siya bagay maging isang writer." Napakuyom ako ng kamay at nanahimik na lang. Naramdaman ko naman ang pagtingin sa aking gawi ni boss ngunit hindi ako naglakas loob na depensahan ang sarili mula sa kasinungalingan ni Ma'am Vanessa. "Kung ganoon ay ikaw na ang bahala sa kanya, Vanessa," pagbibigay permiso ni Boss kay Ma'am Vanessa. "Okay po, Boss," tuwang sambit ni Ma'am Vanessa at nag-aasar na sinilip pa ako sa aking inuupuan. Muling bumalik sa kanyang opisina si Boss at nagtagisan naman kami ng tingin sa isa't isa ni Ma'am Vanessa. This is really the sign. Kailangan ko na talaga na magresign kaysa magamit pa niya ako para pagandahin ang imahe sa aming boss.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook