DRAFT 5

2248 Words
Sinubukan ko na mag-apply ng office work kahit admin o accounting field pero dahil na rin sa aking edad at kawalan ng sapat na work experience sa ganoong mga trabaho ay hindi rin ako tinanggap ng mga inaplayan kong mga kompanya. Idagdag pa na may bad image na ibinigay sa akin ng aking dating kompanya kaya sobrang nahirapan talaga ako na makakuha ng trabaho. Lumipas ang isang linggo at sa wakas ay natanggap rin ako bilang service crew ng isang kilalang fastfood chain. Hindi malaki ang sweldo nito pero wala naman pinagkaiba sa naging sahod ko noong nagtra-trabaho pa ako kay Vanessa. "Good morning Ma'am!" "May I take your order, sir?" "Dine in or take out po?" "Ma'am, baka gusto niyo po magdagdag ng dessert?" "Here is your change, sir." "Ma'am, sorry po hindi po kasi available?" Halos wala akong pahinga dahil sa sunud sunod na pagdating ng mga customer. Ngayon ay naiitindihan ko na kung bakit tinawag na fast food ito dahil kailangan lahat ay mabilis ang aming kilos para mag-serve sa mga customer namin. "Ate Liezel, ikaw muna ang mag-break," sambit sa akin ng isa sa mga ka-trabaho, "Ako na muna ang bahala rito." Mangiyak ngiyak ako napatingin sa kanya. "Waaah! Salamat!" masayang sambit dahil kanina pa nga kumukulo ang tiyan tuwing maaamoy ang nilulutong chicken ng mga cook sa likod. Agad ako nagtungo sa aming locker area at kinuha sa aking bag ang aking baong tanghalian. Kailangan ko magtiis pa ng ilang linggo bago makuha ang una kong sweldo. "Magbabayad pa nga pala ako ng upa," namomoblemang sambit ko, "Wala na naman matitira sa akin pagkatapos 'nun." Mabilis ko kinain ang aking baon dahil na rin sa talagang gutom ako. Nang tignan ko ang aking phone ay nakita ko na naman na tinadtad ito ng tawag ni Vanessa. "Kailan ba ako titigilan ng babaeng ito?" naiinis kong sambit. Hinanap ko ang isang setting sa phone ko para i-block ang number niya. Dapat talaga ginawa ko na agad iyon kaso akala ko ay titigil din siya pagkatapos ng ilang araw. Pero mukhang desperadang desperada itong si Vanessa na makausap ako. "Tss. Hindi ako hangal na kausapin pa ang taong katulad niya 'no," bulong ko sa aking sarili, "Bahala siya riyan!" Ibinalik ko na muli ang aking gamit sa bag at naghanda na bumalik sa pagtra-trabaho. Sa buong maghapon ay naging abala ako. Doon ay unti unti ko nakalimutan ang masaklap na nangyari sa akin nitong nakaraan. Inisip ko na lang na hindi talaga para sa akin ang pagsusulat kaya mas mabuti na isuko ko na lang din ang pangarap na iyon. Dahil lalo lang ako masasaktan kung patuloy ako kakapit sa pangarap na iyon. "Waaah!" sigaw ng isa kong katrabaho nang sa wakas ay nag-close na rin ang aming pinagtra-trabahuan sa araw na ito, "Ibang klase talaga kapag holiday! Dagsa ang mga tao na namamasyal!" "Pero kahit pagod tayo ay double pay naman," pampapalubag ng loob naman ng aming supervisor. "Tara dinner tayo!" pagyaya naman ng isa. Marami ang nais na sumama sa dinner na iyon. "Ikaw ba, Ate Liezel?" tanong ng isa sa kanila, "Sasama ka ba sa dinner?" Iniling ko ang aking ulo. "Err sorry may gagawin pa ako," pagsisinungaling ko. Hindi naman nila ako kinulit at naunang mga umalis para makaabot pa sa pagsasara ng kakainan nila. Nang maiwan ay napabuga naman ako ng malalim na hininga. Gusto ko man sumama sa kanila subalit hindi na pasok sa aking budget ang kumain pa sa labas. 'Sa susunod na lang ako sasama sa kanila kapag nakaluwag-luwag na ako,' bulong ko sa aking sarili saka sinimulan isukbit ang aking bag. Paglabas ko ng pinagtra-trabahuan ko ay nagsimula na ako maglakad pauwi. Kailangan ko kasi magtipid kaya mas mabuti na lakarin ko na lang ang daan pauwi. Aabutin lang naman ako ng isang oras sa paglalakad. Kaya pagod na ako sa trabaho ay nadagdagan pa ito ng pagod ko sa paglalakad para lang makauwi. Marami ako nadaanang kainan na muling ikinalam ng aking tiyan. Ngunit mas natuon ang tingin ko sa mga taong mga masaya kasama ang kanilang mga kaibigan. Bigla ko tuloy naalala sina Joy. Hindi kaya sila napahamak sa ginawa nilang pagtulong sa akin nang makaalis ako ng kompanya? "Sana naman ay okay sila..." umaasang bulong ko pa. Hanggang sa makarating ako sa mga nagtitinda ng isaw. Bumili ako ng isang stick ng bituka para iyon ang maging hapunan ko sa gabing iyon. Nang maulila ako ay hindi ko naranasan ang ganitong buhay na walang wala. Nangyari lang ito ng mangyari ang eskandalo sa dati kong pinagtra-trabahuan. "Talagang si Vanessa ang siyang nagbigay ng kamalasan sa buhay ko," asar kong sambit. Nang maubos ang kinakain na isaw ay muli ako nagsimula na maglakad. Siguro ilang kanto na lang ay makakauwi na rin ako. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay napadaan naman ako sa isang bookstore. Agad napukaw nito ang aking atensyon dahil sa nakahilera sa harapan nito na nobela na may titulong 'Agatha', ang istoryang na ninakaw sa akin ni Vanessa. Ngunit lalo pa nag-ngitngit ang aking galit na makita na may nakalagay pang bestseller sa itaas ng shelf nito. Mukhang sumisikat si Vanessa bilang writer dahil sa kanyang istoryang ninakaw mula sa akin. Mahigpit na napakuyom ako ng aking kamay at nagsimula na lumapit sa salamin ng bookstore saka madamdamin na tinitigan ang nobela kong iyon. "Patawad," paghingi ko ng tawad sa libro, "Naging pabaya ako at napunta kayo sa ibang kamay." Doon ay muling kumawala ang aking mga luha mula sa aking mga mata. Pinangako ko na sa sarili ko na kakalimutan ko na ang nakaraan pero tuwing makikita ko ang librong ito ay may kung ano na tumutusok sa aking dibdib. Marahil ay isang panghihinayang ang nararamdaman kong ito. Dahil ang inaasam ko na pagkilala bilang manunulat ay napunta lang kay Vanessa. "Kung alam ko lang na gagawin sa akin ito ni Vanessa," sumisinghot kong sambit, "Sana hinayaan ko na lang siya makalbo nina Joy o kaya ako pa mismo ang kumalbo sa kanya." Bigla ko naimagine si Vanessa na kalbo at ahit ang kilay. Sa ganoong paraan ay bahagya na napatawa ako. "Sabagay wala naman sikreto na hindi mabubunyag," biglang sambit ko sa aking sarili, "Imposible na makapagsulat ng ganitong libro si Vanessa kaya hihintayin ko na lang ang panahon na malaman nila ang kanyang pagpapanggap." Nagpatuloy na muli ako sa paglalakad pauwi nang matignan ko ang oras. Ang dapat na isang oras na paglalakad ko lamang ay umabot ng halos dalawang oras. Nakakatawa lang dahil ang daming ko nakita sa daan para ma-delay ako sa aking pag-uwi. Pakiramdam ko tuloy ay may pumipigil sa akin na makauwi ngayon. Hanggang sa wakas ay natanaw ko rin ang apartment na tinitirhan ko. Ngunit nagtaka ako na makakita ng isang bulto ng babae sa harapan ng mismong apartment ko. Wala naman ako kilala na dumadalaw sa akin sa tirahan ko. Matagal na ako namumuhay na mag-isa. Nagtataka man ay unti unti ako lumapit sa aking apartment at pilit na kinikilala ang taong iyon. Iyon nga lang ay nakatalikod siya para mamukhaan ko. Nang nasa likuran na ako ng babaeng iyon ay bigla siyang humarap sa akin. Muntikan ko mabitawan ang aking hawak na susi nang makilala siya. What the hell is she doing here? Pinagtaasan ko lang siya ng kilay ay sinubukan na hindi pansinin siya. "Hey!" maarteng pagtawag niya sa akin, "Are you ignoring me?! Come on!" Hindi ko pa rin siya pinansin at sinubukan na buksan ang pinto ng aking apartment. Ngunit sa aking pagmamadali ay tila hindi ko magawa mabuksan buksan ito. "Liezel, I want to talk to you," muling sambit niya, "Just give me a minute." Tss. Tingin niya kakausapin ko pa siya pagkatapos ng ginawa niya sa akin? Medyo may kakapalan din ang mukha niya 'no? Dahil talagang ayaw na makisama sa aking pintuan at hindi ko pa rin magawang mabuksan ito. "Narinig ko na hindi ka tinanggap ng ibang kompanya," tila naaawa pa niyang sambit kahit siya mismo ang dahilan para i-reject ako ng ibang kompanya, "I am here to give you a chance to be a writer. Kaya hindi mo na kailangan pa mag-trabaho bilang service crew sa isang kainan." Natigilan ako sa pagbubukas ng pintuan at gulat na hinarap si Vanessa. "R-Really?" umaasang tanong ko sa kanya, "M-Magiging isang writer na ako ngayon?" Nakita ko ang pagpaskil ng kakaibang ngisi sa kanyang labi dahil sa nakuha niya ang aking atensyon. Doon pa lang ay alam ko na hindi normal ang hihingin niyang kondisyon sa akin. Dahil kahit kailan ay hindi gagawa si Vanessa na aking pakikinabangan. "Yes, as my ghost writer," nakangisi niyang dugtong, "Bale ikaw ang magsusulat pero ako ang makikilala bilang sumulat. Don't worry I'll pay you the half ng kikitain ko." Napayuko ako ng ulo at mahigpit na napakuyom ng aking mga kamay. "Hindi na masama di ba? Sa ganoon ay makakapagsulat ka pa rin kahit naka-ban ka sa lahat ng publishing," pangungumbinsi pa niya sa akin, "It's a win-win deal." Biglang malakas na napahalakhak ako. Damn! Hindi ko akalain na lalapit sa akin si Vanessa para lang alukin ng ganitong deal. Gusto niya na ibigay ko sa kanya ang lahat ng aking nobela habang siya ang kikilalanin na nagsulat?! "Vanessa, masyado ka naman yata na kampante na tatanggpin ko iyang alok mo," nagagalit kong sambit, "Ganyang katanga ba ang tingin mo sa akin? Inalisan mo na nga ako ng karapatan na maging writer pati naman dignidad ko ay balak mong sirain! No! I'll never be your ghost writer." Pinagtaasan ako ng kilay ni Vanessa. "So sinasabi mo mamumuhay ka ng ganito?" pagtukoy niya sa aking trabaho ngayon, "Magtra-trabaho ka na lang habang buhay para lang may pambili ng iyong makakain? Bakit hindi ka na lang magpasalamat sa akin na binibigyan kita ng chance na makapagsulat muli?" Lalong tumindi ang galit ko sa sinabi niya. "Anong chance ang sinasabi mo?" tanong ko sa kanya, "Kaya mo lang naman inaalok sa akin iyan para sa sarili mong pangalan! Alam mo sooner or later malalaman din nila na ninakaw mo lang ang nobela ko, Vanessa!" Medyo namutla si Vanessa mula sa aking sinabi. Halatang ginagawa niya ito para maipagpatuloy niya ang kanyang pagpapanggap na siya ang sumulat ng Agatha. Nais niya ako gamitin bilang kanyang anino dahil alam niya na wala na ako mapupuntahan pa. "You destroy my life, Vanessa," puno ng poot kong sambit, "Kaya hihintayin ko ang araw na ma-karma at malaman ng lahat ang kasinungalingan mo." "Liezel, hindi mo ba naiitindihan ang sitwasyon mo?" pilit pa rin pagpupumilit sa akin ni Vanessa na tanggapin ang kanyang alok, "I am giving you a chance! Ako na nga ang nagpapakumbaba ng loob sa iyo! Can't you just take this opportunity and thank me?" "Wow! As in wow!" hindi ko makapaniwalang sambit, "So dapat pa ako mag-thank you sa iyo ngayon? Pagkatapos ng ginawa mo sa akin? Excuse me lang ha! Ipaalala ko na ikaw ang punu't dulo ng kamalasan ko!" "Arrgh! Ang hina talaga ng utak mo kahit kailan, Liezel," pangmamaliit pa niya sa akin, "Hindi mo ba maisip na tinutulungan na nga kita?!" Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. Hindi ko akalain na magagawa pa niya masabi sa akin iyon. Hindi na talaga siya nahiya. "Vanessa," galit na galit na sambit ko, "Matagal na ako nagtitimpi sa iyo. Kaunting kaunti na lang ay talagang makakatikim ka na sa akin." "What an ungrateful b***h!" sambit pa niya, "Kung ayaw mo, bahala ka diyan na magutom! Para naman mabubusog ka pa ng pride mo!" Doon ay tuluyan na nalagot ang aking natitirang pagtitimpi at sinugod si Vanessa. Agad ko hinablot at sinabunutan ang kanyang bagong rebond na buhok mula sa laki ng kanyang kinita mula sa ninakaw niyang libro sa akin. "Let go! You damn b***h!" tili niya at sinubukan ako itulak palayo sa kanya pero mas hinigpitan ko ang pagkakapit sa kanyang buhok. "Damn! Talagang sinagad mo ang galit ko!" tili ko, "Tikman mo ang galit ko! Bruhilda ka!" Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano katindi ang galit ko sa kanya ngayon. Sisiguraduhin ko na pagsisihan niya na pinuntahan pa niya ako rito. Nagpagulong gulong kaming dalawa sa tapat ng apartment ko. Nagsimula na rin siya na subunutan ako. Iyon nga lang ay naramdaman ko ang matulis niyang kuko sa aking anit kaya tinadyakan ko siya sa tiyan para makaganti sa kanyang ginagawang pangangalmot. "Aaah!" nasaktang niyang hiyaw saka mas hinila pa ang aking buhok. Hindi naman ako nagpatalo at mas nilakasan ang pagkapit sa kanyang buhok. "Kakalbuhin kita!" malakas kong pagbabanta "Makulong man ako at okay na sa akin dahil makakaganti naman ako!" Nagpagulong gulong kami dalawa roon. Nakita ko na sumilip na rin ang iba kong kapitbahay. Pero hindi sila nangialam at pinanuod lang ang pagpapatayan naming dalawa ni Vanessa. Gumulong muli kami at ngayon pareho na kami nakarating sa gilid ng kalsada. "Let me go!" tili ni Vanessa nang paibabawan ko siya at inipitko ang kanyang paa. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon na hindi siya makalaban at ilang ulit na pinagsasampal sa pisngi si Vanessa. Labis na namula ang balat niya sa lakas ng ginawa ko. Ngunit hindi pa rin ako nakuntento ay inulit ang p********l sa kanya. "Kyaah! Help! Help!" paghingi niya ng tulong sa paligid nang makita na alanganin siya sa aming pakikipagbunuan.. Ngunit biglang nasilaw ako sa isang paparating na truck. At bago pa kami makaiwas ni Vanessa ay naramdaman ko ang malakas na pagkabundol nito sa amin. "Nasagaan sila!" "Dali! Tulungan niyo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD