DRAFT 6

2054 Words
"Haa... Haa..." Ramdam ko ang sobrang p*******t ng buong katawan ko. Lalo na sa aking likuran at ulo. Pakiramdam ko nga ay tulung tulong na binugbog ako ng sampung katao. Teka ano ba ang nangyari sa akin? Doon ay unti-unti naalala ko ang nangyari bago ako magkaganito. Ang paglapit sa akin ni Vanessa at ang pag-aalok niya na maging ghostwriter ako niya. Pagkatapos ay nakipagbuno ako sa kanya sa may gilid ng kalsada at biglang may hindi inaasahang na bumangga sa amin ng isang truck. Teka nasaan na ba si Vanessa...? Nanghihina man ay iminulat ko ang aking mata. Medyo umiikot pa nga ang paningin ko sa sobrang pagkahilo. Ngunit nangimbal ako sa takot nang makita sa aking harapan ang wala ng buhay na katawan ni Vanessa. Galit na nakamulat ang kanyang mata habang nakatingin sa akin at naliligo siya sa sariling dugo. P-Patay na si Vanessa... Inangat ko ang aking nanghihina kamay para abutin siya ngunit nalaman ko na balot din ng dugo ang aking buong katawan. "Ack! Haa... Haa..." bulalas ko saka unti unti na ako hindi makahinga. Mukhang kahit ako ay nasa malubhang lagay katulad ni Vanessa. Narinig ko ang pagkakagulo sa aking paligid at maingay na tunog ng ambulansiya. "Buhay pa iyong isang babae!" rinig kong sigaw ng isa sa mga nasa paligid ko. Ngunit alam ko na sa aking sarili na hindi na ako aabot pang buhay sa ospital. Sa oras na ito ay unti unti ko inalala ang mga nangyari sa akin bago mangyari ang aksidenteng ito. Wala ako matandaan na magandang alaala na nangyari sa akin. Puro paghihirap at pagka-alila ko lamang sa kamay ni Vanessa. Kahit sa huling sandali ng buhay ko ay ang pagkapoot ko pa rin kay Vanessa ang namamayani. Nakakatawa lang na kasabayan ko pa mamamatay ang taong nagpahirap sa akin sa loob ng limang taon. Umaasa pa naman ako na darating ang araw na makikita ko kakarmahin siya sa kanyang ginawa sa akin. Subalit bago mangyari iyon ay inunahan pa niya ako na binawian ng buhay. Hindi niya man lang naramdaman ang paghihirap ng unti unti na nalalagutan ng hininga. "Aaack! Haa... Haa..." May ilang butil ng luha ang kumawala sa aking mata. Dahil ang dami ko naging paghihinayang sa naging buhay kong ito. Kung maibabalik ko lang sana ang oras ay sana nabago ko ang kapalarang ito. Hindi ko na sana itinuloy ang pag-apply sa pinapangarap kong kompanya. Hindi ko sana nakilala pa si Vanessa. Hindi sana masasayang ang limang taon ng buhay ko. Hindi sana mananakaw ang istoryang isinulat ko. At hindi sana ako mamamatay sa ganitong paraan. "A-Ang d-daya..." sambit ko habang nararamdaman ko ang labis na paninikip ng aking dibdib. Unti unti na rin nanlalabo ang aking paningin at nagiging mabigat ang talukap ng aking mata. "Miss, huwag kang matutulog!" rinig kong sigaw ng ilan na umaasikaso sa akin. Subalit masyado na talaga ako pagod na mabuhay pa. Mas mabuti na magpahinga na lang ako ng habang buhay. "Miss!" Sana lang kung sakali na mabuhay muli ako ay mabago na ang takbo ng aking buhay. Na walang Vanessa na aalila sa akin at matupad ko na ang pangarap na aking kinaaasam. Sana naman ay maramdaman ko ang tunay na kasiyahan na mabuhay sa isang mundo. At doon ay tuluyan na binawian na nga ako ng buhay. Unang naramdaman ko na nahuhulog ako sa isang walang ilalim na dagat. Hanggang sa maramdaman ko ang isang matinding pwersa na humila sa akin palayo sa aking katawang lupa. Dinala ako nito sa napakalayong lugar. Nang matigil ang pwersang iyon sa paghila sa akin ay biglang naiba ang ambiance ng aking paligid. Tila pa may kung anong dumuduyan sa akin. Sa pagmulat ko ng aking mata ay napag-alaman ko na nakalutang ako sa alapaap. Malungkot na napangiti ako dahil pinatunayan lang nito na talagang namatay na ako. "Well, mas okay na ito kaysa sa dinala ako sa impyerno," komento ko pa habang inililibot ang tingin, "Pero kung wala rito si Vanessa ay baka diniretso na agad siya sa impyerno." Pero ano ang gagawin ko rito? Magpapalutang lutang na lang ba ako rito hanggang sa mapagod? "Yuhoo! Mayroon po ba diyan nakakarinig sa akin?!" sigaw ko pero umalingawngaw lang ang boses ko sa paligid na tila nasa loob ako ng isang kweba. Sinubukan ko pa lumipad lipad pa para maghanap ng daan na pwede kong labasan. "Ano ba naman ang lugar na ito?" naaasar kong sambit, "Wala bang kahit pinto man lang rito?" Pagkabanggit ko ng pinto ay biglang may nagsulputang mga pintuan sa aking harapan. Iba iba rin ito ng kulay. Pero may mga letra na nakasulat sa bawat pinto. "Eh?" takang sambit ko at tinignan isa isa ang mga pintuang iyon. Ang weird lang dahil ang lahat ng pintuan ay may pangalan ng main character ng istoryang naisulat ko. "Anong klaseng test ito?" bulong ko, "May pa-exam pa si San Pedro bago ako makapasok ng langit?" Isa isa ko muli na tinignan ang bawat pintong iyon. Talagang isa lang doon ang nakakapukaw ng aking atensyon. "Bahala na!" sambit ko at hinawakan ang seradura ng pintong may nakasulat na 'Agatha'. Pagbilang ko ng tatlo ay binuksan ko ang pintong iyon. Kaso isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin sa kabila ng pintuan iyon. "Waaah! Anong nangyayari?" tili ko Naramdaman ko na hinigop ng pintong iyon ang buong katawan ko. "Teka! Ipaliwanag niyo muna ang nangyayari!" sigaw ko hanggang sa tuluyan na ako nakapasok sa pintong iyon. . . . . . . . . . . . . . . . Pagmulat ko muli ng mata ay nasilaw ako sa liwanag ng bombilya sa kisame. "Uwaaa! Uwaa!" pagsubok ko na magsalita at takpan ang mata ko mula sa pagkakasilaw. Huh?! Bakit tunog isang bata ang lumalabas sa aking bibig?! Nalilitong napatingin ako sa aking paligid. Nakita ko pa ang pagsilip sa akin ng dalawang hindi na pamilyar na dalaga. Ngunit ang laki nila ay hindi pang-karaniwan. Tila ba silang mga higante. "Uwaa!" hiyaw ko sa takot at sinubukan na lumayo sa kanila pero hindi man lang ako makagalaw ng maayos dahil sa maliliit na biyas ng aking katawan. Teka bakit tila lumiit yata ako? Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? "Ang kyut!" masayang sambit pa ng dalawang dalaga na iyon at masayang masaya na tinitignan ako. Naramdaman ko na may mga kamay na nag-angat sa akin mula sa aking hinihigaan at pagkatapos ay binalutan niya ang kahubadan ko ng isang puting tela. "Isang napakagandang babae ang inyong pangalawang anak, Ma'am Mayna," masayang sambit ng isang matandang babae at inabot ako kung kanino. Naramdaman ko naman ang mag-ingat na pagbuhat sa akin ng pinag-abutan niyang tao. Saka kinarga ako nito sa bisig na tila isang sanggol. Pagtingin ko sa gumawa noon ay nakita ko ang isang magandang ginang. Medyo maputla pa siya at sobrang pawisan na akala mo kakagaling sa panganganak pa lamang. Teka sino ba sila? Saka ano ba ang ginagawa ko rito? "Napakaganda nga ng aking anak," naiiyak na sambit ng ginang na iyon at buo na pagmamahal na hinaplos ako sa aking pisngi, "Marahil labis na matutuwa si Ronald kapag nalaman niya na binayayaan na siya ng anak na babae." Nanlaki ang mata ko na mapagtanto ang nangyayari. Ang babaeng ito na bagong panganak ay tinawag ako na kanyang anak. Ibig sabihin ay ako ang ipinanganak niya kani-kanina lang. Ito ba ang nababasa ko noon sa mga nobela na reincarnation? Ibig sabihin ay binigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay muli? "Uwaaa!" pagsubok ko muli na magsalita pero tunog ng isang sanggol pa rin ang lumalabas sa aking bibig. Tinignan ko rin ang aking kamay at doon ko napatunayan na isa na muli akong sanggol. Natigil ako sa pag-iisip sa nangyayari sa akin nang malakas na bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Humahangos na lumapit pa ito sa ginang na may karga sa akin. "Mayna, mahal ko!" pagtawag niya sa ginang, "Patawad kung ngayon lang ako nakarating. Hindi tuloy kita natabihan sa iyong panganganak." Iniling ng ginang ang kanyang ulo. "Okay lang, Ronald," sambit niya at tinignan ako, "Alam ko na may importante kang trabaho na kailangan gampanan." Nalipat ang tingin sa akin ng lalaking iyon. "Siya na ba ang ating pangalawang anak?" mangiyak ngiyak niyang tanong kay Mayna. Tumango naman si Mayna saka maingat na iniabot ako sa lalaking iyon. Agad naman ako kinarga ng lalaking nangangalang Ronald. Halata sa mukha niya ang labis na kasiyahan na makita ako. Doon ay naalala ko ang magulang ko sa una kong buhay. Nanumbalik ang kalungkutan ko ng mamatay sila. Ngayon nasa harapan ko ang magiging magulang ko sa pangalawang buhay kong ito. "Carnell, anak," pagtawag pa ni Mayna sa isang batang lalaki na sumisilip sa may hamba ng pintuan, "Halika rito at tignan mo ang iyong kapatid." Kapatid? May kapatid ako ngayon? Ibinababa ni Ronald ang pagkabuhat sa akin para masilip ng batang lalaki na nasa tatlong taong gulang pa lamang. Kita ang galak sa batang iyon na makita ako. "Kuya na ako!" malakas niyang sambit saka dinutdot ng kanyang hintuturo ang aking pisngi. Narinig ko ang paghagikgik ni Mayna sa sinabi ng panganay na anak. "Oo Carnell, kuya ka na ngayon kaya alagaan mo palagi ang iyong kapatid," pagbibilin niya rito. Masunurin naman na tumango ang batang si Carnell. "Opo mama! Aalagaan ko ang kapatid ko katulad ni papa sa inyo!" pangako pa niya, "Magiging isang magiting na knight din ako katulad niya!" Nakaramdam ako ng kakaibang saya sa narinig kong iyon. Dahil alam ko na napunta ako sa isang mapagmahal na pamilya. Mukhang dininggin ng Maykapal ang panalangin ko na bigyan ako ng pagkakataon na maging masaya. "Kakaiba ang kulay ng mata niya," biglang pagtataka ni Mayna nang mapatingin sa akin, "Wala akong maalala na may gintong mata sa pamilya namin." Tumango rin si Ronald. "Ganoon din sa aming pamilya," sang-ayon niya, "Kaya sa tingin ko ay espesyal ang ating anak para mabigyan ng ginintuang mga mata." Huh? Mayroon akong gintong mata? Bigla ko naalala ang pangalan na nakasulat sa pintuan na pinasukan ko. Si Agatha na bida sa istoryang ninakaw sa akin ni Vanessa. Posible kaya na nasa loob ako ngayon ng istorya ko? At ako ngayon ang main character ng sarili kong libro? Teka wala naman ako maalalang karakter na Mayna, Ronald at Carnell sa aking istorya. Pero mula sa isinulat kong naging buhay ni Agatha ay nakalahad doon na isa siyang orphan. Hindi kaya... mamamatay din ang magulang ko pagkatapos ng ilang taon? No! Hindi pwede! Hindi ko mapapayagan na mangyari iyon anuman ang mangyari. Dahil ayoko na mawalan muli ng mga magulang. Kaya this time ay pro-protektahan ko sila sa abot ng aking makakaya. "Teka ano ba ang ipapangalan natin sa ating anak?" biglang tanong ni Ronald sa kanyang asawa. Napangiti naman si Mayna at masayang tinignan ako. "Hmm... Gusto ko nagsisimula sa letrang 'A'," pag-iisip pa niya sa magandang ibigay na pangalan sa akin. Sabi na eh... Mukhang ako si Agatha sa istoryang isinulat ko. "Maganda nga na letrang 'A' ang unang letra ng pangalan niya," sang-ayon naman ni Ronald sa sinabi ni Mayna Napalunok ako at inintay na pangalanan nila ako na Agatha. Nilingon ng mag-asawa ang kanilang panganay na anak. "Carnell," pagtawag ni Ronald sa anak, "May pangalan ka ba na gustong ibigay sa iyong kapatid?" tanong pa niya. Tila nag-isip naman ang bata ng magandang pangalan sa akin. "Ang daming pangalan na pwede na magsimula sa letrang 'A'," reklamo niya, "Ang hirap mamili." Inilapit muli ako ni Ronald sa kapatid kong si Carnell. "Isipin mo na lang ang pangalan na babagay sa kanya," pag-uudyok pa nila sa batang lalaki. Tinitigan ako ni Carnell. Itinaas ko ang aking kamay na tila inaabot siya. Hinawakan naman iyon ni Carnell na aking ikinatuwa. "Daaaa! Da! Dyaa!" tili ko sa saya. Nagningning ang mata ni Carnell sa pagsasalita ko. "Ada!" masayang sambit niya at tinignan ang magulang para alamin kung pumapayag sila na maging Ada ang aking pangalan. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Ada? Hindi Agatha? Napalakpak sa saya ang dalawang dalaga kanina. "Magandang pangalan ang naisip ni young master para sa young miss!" pagpuri pa nila. Tumango naman sina Ronald at Mayna para sang-ayunan ang opinyon nila. "Mula sa araw na ito, ang pangalan ng aming pangalawang anak ay Ada Payden." pagdedeklara ni Ronald sa lahat ng naroroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD