"Ada," biglang pagpigil sa akin ni Annie nang palabas na sana ako sa kusina para puntahan si Agatha. Nagtatakang nilingon ko naman siya at inantay ang anumang sasabihin niya sa akin. "Maaari ka ba magtungo ngayon sa bayan?" nakikiusap na tanong niya sa akin, "Kulang na kasi ako ng mga sangkap para sa mga susunod na araw. Hindi ko alam pero nitong nakaraan ay naging mabilis ang pag-unti ng mga sangkap ko rito sa kusina," nagtatakang dagdag pa niya. Lihim na napangiwi naman ako dahil alam ko ang dahilan kaya umuunti ang mga sangkap niya rito sa kusina. Paano naman kasi ay gabi-gabi na lang nagpapaluto sa akin si Duke Cailen. Minsan ay tila isang buffet pa kung kumain ang duke sa gabi. Hindi ko nga alam kung matutunawan pa ba siya bago matulog. O kaya hindi siya tumataba sa kanyang ginagawa