Kinabukasan... Kumalat ang isang masamang balita sa buong mansyon kaya nagkagulo ang lahat na naninilbihan. At ang balita na kumakalat na iyon ay ang pagkamatay ni papa. "M-Ma'am..." nag-aalalang pagtawag nina Egeria at Perenna na tanging naiwang tapat na naninilbihan kay mama. Hindi umimik si mama. Sa halip ay sinama at kinulong niya kami sa loob ng opisina habang abot-abot ang aming kaba sa maaaring mangyari sa amin dahil sa balitang ito. "M-Mama, t-totoo bang patay na si papa?" umiiyak na tanong ni Kuya Carnell sa kanya, "Pero di ba nangako siya na babalik siya sa atin ng buhay?" Makahulugan na nagkatinginan kami ni mama bago niyakap niya si Kuya Carnell para patahanin ito. Habang ako naman ay napatitig sa pintuan at inaabangan ang pagdating ng aming inaantay na mga bisita. At