Nang makatakas ako kina Egeria at Perenna ay tumakbo ako patungo sa direksyon ng kwarto ni mama. Subalit sa pagliko ko sa isang kanto ng mansyon ay natumba ako nang bumangga sa isang tao. Nasaktang napahawak ako sa aking ilong bago tinignan kung sino ang taong nakabanggaan ko. Ngunit bigla ako napangiwi nang makilala kung sino ito at kanyang mga kasama. Hay... sa lahat-lahat naman ng makakasalubong ko ay sila pa. "Tss," bulalas ng taong nabangga ko at tinignan lamang ako mula sa pagkakasalampak sa sahig na tila walang kabalak balak na tulungan ako na tumayo man lang, "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?!" singhal pa niya sa akin at pinagpagan ang kanyang damit na tila nadumihan ko ito at diring diri sa akin. "Tito Rollard," pagbanggit ko sa pangalan ng nakabangga ko at nap