Tila isang mahika na pinakalma ako ng mga salita ni Duke Cailen. Biglang naglaho ang lahat ng takot ko na naipon sa kanya nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko ay napunta ako sa nararapat na aking lugar at iyon ay sa loob ng braso ng duke. Kusa pang sumandal ang aking ulo sa kanyang malapad nadibdib at pikit matang ninamnam ang sandali na ito habang pinakinggan ang t***k ng kanyang puso. Doon, napag-alaman ko na kasing bilis ito ng t***k ngayon ng aking puso. Para ba silang gumagawa ng kakaibang ritmo para sabayan ang bawat isa. Natatakot din kaya siya kanina katulad ko? Pero saan naman siya natatakot? Saka may kinatatakutan ba ang duke? Muling humigpit ang yakap niya sa akin kaya ginantihan ko ang intensidad na ito at kumapit sa kanyang damit sa takot na mawala na naman siya ng i