*Burp!* Pagdighay ko pagkatapos ako painumin ng gatas ni Mama Mayna. Medyo kinusot ko pa ang mata ko ng makaramdam ng pagkaantok pagkatapos ng makakain. "Pati ang dighay ni Ada, ang kyut!" pagpuna naman sa akin nina Egeria at Perenna, ang dalawang maid na naninilbihan kay Mama Mayna. Habang nanatili ako rito ay nalaman ko na isang general commander si Papa Ronald ng military ng palasyo. Kaya nang maipanganak ako ni Mama Mayna ay nanggaling siya sa palasyo para isang urgent na pagpapatawag sa kanila ng hari. Ayon sa narinig ko ay may posibilidad na magkaroon ng digmaan kaya ganoon na lang kaabala ngayon si Papa Ronald nitong mga nakaraang araw. Muling ibinalik ako sa crib ni Mama Mayna at mahinang tinapik tapik ang aking hita para patulugin. Kinusot ko muli ang aking mata at bahagyang