Kinabukasan... Naalimpungatan ako sa ingay na nagmumula sa labas ng aking kwarto. Inaantok ako na nagpakawala ng hikab bago kinusot ko ang aking mga mata. "Bakit ang ingay-ingay?" tanong ko pa sa sarili ko. Pagtingin ko naman sa orasan ay nalaman ko na may isang oras pa ako bago magsimula sa aking trabaho. Kaya tila napakaaga naman ng mga kasamahan ko sa mansyon para magsimula na sa kani-kanilang mga trabaho. Muling narinig ko ang komosyon na nagaganap sa labas ng aking kwarto. Nagkaroon tuloy ako ng kuryosidad kung ano ba ang ginagawa nila roon. Agad ko na sinuot ang aking salamin sa mata saka mabilis na sinuklay at pinusod ang aking buhok. Nang makapag-ayos ay agarang nagtungo ako sa may pintuan. Hinanda ko pa muna ang aking sarili bago binuksan ko ito. Hanggang sa bumungad sa ak