Natapos ang agahang iyon sa nakakapagtaka na pakikitungo sa akin ng duke. Kaya pagkaalis na pagkaalis pa lang nina Duke Cailen at Agatha sa dining room ay pinalibutan ako ng aking mga kasamahan. Lahat sila ay nagtatanong kung bakit ganoon kabait sa akin ang duke at ano ang ginawa ko para mangyari iyon. Wala naman ako maisagot sa kanila dahil hindi ko naman alam ang dahilan. Saksi sila sa malamig na pakikitungo niya sa akin nang unang araw ko pa lang dito. At ang huli ko lang naalala ay kinain niya ang fried rice na niluto ko kagabi. Kung iyon ang pinakadahilan, wala naman ako hinalong kung anong gayuma roon para bumait na lang bigla ang pakikitungo niya sa akin. "Iba ka, Ada!" hindi makapaniwalang sambit ni Minda at kulang na lang ay sambahin ako, "Sa inyo ni Miss Agatha ay tila ikaw a