CHAPTER 8

1220 Words

UMANGAT ANG GILID ng mga labi ni Brad. Ang unang ngiti na nakita ni Almira sa mukha nito mula nang magkita sila kanina sa labas ng Marquee Nightclub. May pagkapagal pa rin ang mga mata nito pero at least ay ngumiti na. “Hindi pa rin ako kumakain ng maayos. Mabuti na lang pala napadaan tayo dito.” Pumuwesto sila sa isang pandalawahang lamesa. Umoder sila ng pagkain at tig-isang order ng beer. Na nang dumating ay nanlaki ang mga mata ni Almira dahil ang serving pala ng beer doon ay sa baso na kasing laki ng pitsel na kasya yata ang isang litro. Puno pa ng bula ang ibabaw niyon. At nang tikman niya ay napabuntong hininga siya dahil mas masarap iyon ng maraming beses sa nakasanayan niyang beer sa Pilipinas. Sandali pa ay kumakain na sila at umiinom. Mabilis nilang naubos ang order nila ng b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD