MAY NARINIG si Almira na mahinang tawa. Napasinghap siya at dahan-dahang iminulat ang mga mata, sinigurong hindi nakatingin sa ibabang bahagi ng katawan ng lalaki. Umaalog ang mga balikat nito at nakangiti kahit pa tila hirap pa itong imulat ang mga mata. Si Brad ang tumatawa. Pinagtatawanan siya nito?! “Kanina ka pa gising?” manghang bulalas niya. Lumakas ang tawa ni Brad at tuluyang iminulat ang mga mata. Pero katulad niya kanina ay napangiwi ito at napahawak sa ulo. “Aw. Damn hangover,” daing nito. “Nasaan tayo? B-bakit pareho tayong…” ni hindi magawang tapusin ni Almira ang sinasabi at humigpit na lamang ang hawak sa comforter na nakatakip sa kahubdan niya. Tumikhim siya. “Ano bang nangyari kagabi? Hindi ko masyadong matandaan ang lahat.” Umuungol pa rin si Brad pero pinilit buma