WALA pang limang minuto mula nang makapasok sa Marquee Nightclub si Almira kasama sina Julian at Sophie ay gusto na niya agad lumabas. Okay lang sana sa kaniya ang bumulagang maharot at nakakaindak na tunog nang pumasok sila. Pero nang tumingala siya at makita ang mga sexy na babaeng sumasayaw sa iba’t ibang taas na platform na halos walang saplot? At mga babaeng luwa ang mga dibdib na kung anu-anong kamunduhan ang ginagawa kasama ang kani-kaniyang pareha habang umiindak sa saliw ng musika? Hindi kaya ng powers niya. At nang mukhang maging ang mga kasama niya ay sasali sa dagat ng mga taong kung sumayaw ay walang distansya sa katawan ng isa’t isa ay hindi na talaga kinaya pa ni Almira. Nagpaalam siya na magbabanyo lang at tumalikod na bago pa niya marinig ang sagot ng dalawa. Pero hindi