CHAPTER 17

1304 Words

HINDI nagkaroon ng pagkakataon si Brad na kausapin ng masinsinan ang kanyang ina at para na rin sabihin na gusto niyang ikansela ang dinner kasama ang pamilya ni Mathea. Bago pa kasi siya makarating sa bahay ay tinawagan na siya nito para sabihing dumeretso na lang sa restaurant. Pagdating niya sa restaurant ay naroon na ang kanyang ina kasama si Mathea at ang mga magulang ng dalaga na noon lang niya pormal na makikilala. Sa tuwing may event kasi sa kompanya ng mga ito ay palaging nasa ibang bansa siya kaya hindi nasasamahan ang mommy niya. Nang lumapit si Brad sa lamesa ay matamis na ngumiti si Mathea, tumayo at sinalubong siya ng halik sa pisngi. “I’m glad nakapunta ka,” sabi nito. Masigla siyang ngumiti kahit na lihim siyang napapabuntong hininga at napapaisip kung paano malalampasan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD