SA PAGKAKATAONG iyon pakiramdam ni Almira umuusok na ang ulo niya sa labis na pag-iinit ng mukha niya. Malakas na hinampas niya sa tiyan si Brad at kahit kamay niya ang mas nasaktan dahil nakalimutan niyang matigas nga pala dahil sa abs ang tiyan nito ay nagkunwari siyang hindi nasaktan. “Huwag mo na ipaalala ang mga nangyari sa gabing iyon, okay? Baka may makarinig sa iyo,” nanlalaki ang mga matang bulalas niya. Dahil siyempre ay natatandaan niya iyon. Sa paglipas ng mga araw mula nang umuwi siya galing Las Vegas ay unti-unting luminaw sa kaniya ang mga nangyari nang gabing lasing sila pareho ni Brad. At ngayon, sa tuwing naaalala niya kung gaano sila ka-wild nang gabing may mangyari sa kanila ay gusto niyang magkulong na lang sa kuwarto niya at magtalukbong sa labis na hiya. Hiling pa