“ANONG gagawin natin ngayon? Ano ang gusto mong mangyari?” tanong ni Almira isang oras ang nakalilipas. Magkatabi silang nakaupo ni Brad sa kama, nakasandal sa pader. Ang envelope na naglalaman ng marriage contract nila ay nakapatong sa bedside table. Nahamig na rin ng lalaki ang sarili nito matapos magpunta sandali sa banyo para maghilamos. Habang ginagawa nito iyon ay tinawagan niya ang isang mapagkakatiwalaan niyang staff sa departamento nila para ibilin na ito muna ang bahala habang wala siya. Nang buntong hininga lang ang naging sagot ni Brad sa kanyang tanong ay sinulyapan niya ang mukha nito. “Hindi ba may dinner ka pang pupuntahan?” malumanay na tanong ni Almira. Tiningnan din siya ng lalaki at nagtama ang kanilang mga paningin. “Yes. Kailangan kong pumunta dahil naiplano na iyo