KATULAD ng ipinangako ni Janine kay Almira ay pinayagan siya nitong mag leave ng ilang araw pagkatapos ng anniversary party ng Visperas Hotel. Para daw makabawi siya ng pahinga at nang pagpasok niya ulit ay refreshed na siya. Pero sabado na at balik trabaho na siya pero hindi pa rin gumaganda ang pakiramdam niya. Lalo at talagang nagulo ang utak niya sa biglang pagkikita nila ni Brad na akala niya ay hanggang sa Las Vegas lang ang magiging koneksiyon sa kaniya. Tuloy sa nakaraang mga araw ay ang lalaki lamang ang naiisip niya. Paulit-ulit niyang binabalikan ang naging pag-uusap nila sa Visperas Hotel at gusto niya palaging tuktukin ang sarili sa naging attitude niya. Kasi naman, masyado siyang na-overwhelm na nakita niya itong muli. Natakot siya sa tuwa at mas malalim pang emosyon na nak