Sa maiingay na ugong ng sasakyan, sa mga mababaho ng iba't-ibang usok ng tambusto.
Matatanaw ang dalagang si Magda na kinadidirihan ng mga taong paroo't parito. Kanina pa palakad-lakad ang dalaga. Walang direksyon kung saan patungo. Walang gustong tumingin, walang nag-atubiling lumapit kahit na nilalahad ang kamay upang humingi kahit manlang barya may mailagay lamang sa kumukulong sikmura.
"Ale, kahit barya lang ohh?” pagmamakaawa niya.
"Lumayo ka nga, ambaho mo!” sita sa kaniya ng ginang.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang umupo sa gilid ng kalsada at panoorin ang walang humpay na pagtakbo ng mga sasakyan.
Madaling araw pa siya sa gilid ng kalsada. Masakit na ang mga binti at paa niyang walang sapin.
"Bata, oh pagkain. May tubig, diyan" saad ng nagrorondang pulis sa dalaga.
Tahimik lang na kinuha ito ng dalaga at agad niyang nilantakan ang laman no’n.
"Ineng, ito spaghetti tira ng apo ko sa iyo nalang kawawa kanaman." Sabi ng matandang lalaki sa gilid niya.
Bigla itong hinablot ng dalaga at walang imik na tinalikuran ang lalaki at benelatan pa ang batang kasama nito.
Nang makaalis ang lalaki ay pinagmasdan ng dalaga ang paligid at ng wala namang nakakita sa kanya ay agad niyang tinapon sa basurahan ang spaghetti na binigay sa kanya ng lalaki.
Palakad-lakad uli ang dalaga sa kalsada at umupo sa di-kalayuan na check point ng mga pulis.
"Nanay, tatay, gusto ko tinapay. Ate, kuya, gusto ko Mani.”
"Huh? mani daw? Haha. puking ina, kape ‘yon, bobo!”
“Bobo? sinong Bobo? Ahahahaha.”
"Ako Bobo? turo ng dalaga sa sarile na animo’y may kausap sa harap niya sapagkat uma-apir pa ito. Dahilan upang maagaw ang atensyon ng mga taong dumaraan.
"Naglipana na talaga ang mga baliw." Boses ng babae ng mapansin ang dalaga na tumatawa mag-isa.
MABILIS NA LUMIPAS ang oras ang kaninang masakit sa balat na init ay napalitan ng makulimlim na gabi.
Nakayuko ang dalaga sa gilid ng kalsada at yakap ang sarile at lihim na umiiyak dahil binabato siya ng mga batang kalye.
"Batuhin mo pa yung baliw. Tamaan mo sa ulo, gago!”
“Ang hina mo naman 'di mo matamaan.”
"Tingnan mo ako ang babato sapol ‘yan sa ulo."
Hambog na sabi ng bata sa kasamahan nito at nilalaro-laro pa ang medyo may kalakihang bato sa kamay at bumu-bwelo.
"Hoy! Ano 'yan? Pit---pit---pit--"
Nagsitakbuhan ang mga bata ng pumito ang pulis kaya nag-angat ng tingin ang dalaga.
Sa sabog niyang buhok na medyo natatabunan ang kanyang mukha ay naging malikot ang mata ng dalaga.
"Mukhang mailap ka Fernando, pasasaan ba't matye-tyempuhan rin kita."
Turan ng kanyang isip at nilatag ang karton na binigay sa kanya ng pulis at humiga sa gilid ng kalsada.
°°°°°°
Limang araw nang nagmamasid ang dalaga at limang araw na rin siyang nagtitiis sa alikabok, kati, at lamok.
Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matyempuhan ang sasakyan ni Don Fernando. May hinala na siya sa mga sasakyang dumaraan sa tuwing ika-syete ng gabi ngunit hindi pa rin siya sigurado kung ang laman no’n ay matanda dahil tinted ang kotse nito kaya hindi niya makita ang loob.
Napabuga ng hangin ang dalaga at maya-maya pa'y nagsimula na naman siyang umarte.
"O, TUKSO. LAYUAN MO AKO!”
Kanta niyang pasigaw kaya naman ay umiiling-iling ang mga dumaraan.
"Ayan na naman siya," ngise ng pulis habang nakatingin sa dalaga.
"Boss, bakit 'di n’yo pa hulihin itong baliw nakakapinsala sa mga dumaraan?" Saad ng lalaki na nasa loob ng kotse nakababa ang bintana kaya napansin iyon ng dalaga pero hindi siya nagpahalata.
"WALANG PANGINOON!”
Sigaw uli ng dalaga.
"Bakit kung may panginoon ba bakit maraming mahihirap? bakit maraming mamatay tao? bakit tinatawag nila akong baliw 'di naman ako baliw.” Umiyak naman ang dalaga.
"Pasensya na sir, pinapahanap pa namin ang kamag-anak niyan. Saka nalang po kami mag-dedecide kapag walang nag-claim sa kaniya ng kamag-anak. Pero ‘wag po kayu mag-aalala sir nababantayan namin yan at sinisiguro namin na hindi siya makakapanakit.”
Rinig ng dalaga ang usapan ng pulis at ng lalaki. Napailing-iling ang lalaki at tinapunan siya ng dismayadong tingin.
Pagkaalis ng sasakyan agad napansin ng dalaga ang minaman-manan niyang paparating na sasakyan kaya naman ay pumagitna ang dalaga at nagsasayaw habang kumakanta ng malakas.
"MAMANG SORBETERO, TAYO'Y SUMAYAW."
"Hoy, baliw ‘wag ka riyan sa gitna," sigaw ng babaeng matanda sa dalaga pero hindi niya ito pinansin.
"KALEMBANG MONG HAWAK, MULING IKAWAY," patuloy na kanta ng dalaga.
"Sabog ampota! ‘yan ang napapala ng mga addict. Shabu pa more.” Sabat naman ng jeepney driver na umurong.
"BATANG MUNTI SAYO'Y NAGHIHINTAY, BIGYANG LIGAYA NGAYONG TAG-ARAW."
"Diba sabi ko sa 'yo ‘wag ka sa gitna? Gusto mo ba makulong?” Galit na boses ng pulis at hinawakan ang dalaga sa laylayan ng damit na halatang nandidire.
"Ayaw." Iling-iling na sagot ng dalaga at humihikbi na ito.
"Edi maupo ka lang. Perwisyo ka eh!” sigaw sa kaniya ng pulis kaya tuluyan na siyang umiyak.
INUBOS NG DALAGA ang bigay na pagkain ng pulis at nagpahinga siya sa gilid dahil mamayang gabi sinisiguro niyang mapapasa kamay na niya si Don Fernando. Nakumpirma nga ng dalaga ang plate number ng pangalawa niyang biktima at malakas ang kutob niyang nandoon sa loob nito ang pinupuntirya.
Pumatak ang alas syete ay nakahanda na ang dalaga sa kaniyang hakbang. Tiningnan niya ang mga pulis na ngayon ay masayang kumakain. Sa kabilang side naman ng kalsada ay nakahanda na ang mga Camera at ang reporter na kanina pa nagsasalita at binabalita nito ang kesyo daloy ng trapiko sa edsa.
Tumunog ang hinihintay na text message ng dalaga hudyat yun na kailangan na niyang umeksena.
"Doktor, kwakk kwakk. Doktor, kwakk kwakk. Tulungan mo kami.”
Sigaw niya kaya naman ay naka-agaw pansin na naman sa mga tao.
Yung iba ay napapatawa. Yung iba ay umiiling. At yung iba ay walang pakialam.
Tumingala ang dalaga habang nakatayo sa gilid.
"Ayoko na sa ‘yo, doktor kwak, Kwak. Ayoko ko na sa mundo.” Sigaw niya uli sa kawalan habang nasa bibig ang dalawang kamay.
"Saan mo gusto?" tanong niyang pasigaw sa sarile
"Di sa mundo mo, wahhh!”
Sigaw niya habang nakatingala pa rin at biglang tumakbo papuntang gitna kaya naman ay agad siyang nabanggan ng sasakyan.
"Hala, ‘yung baliw! Yung baliw!” tili ng isang babaeng nakasaksi sa pangyayari.
“Nasagasaan yung baliw!” sigaw naman ng isa pang ale.
Naririnig ng dalaga ang pagkakagulo ng mga tao at ng mga pulis.
Hindi naman gaano kalala ang natamo niya dahil hindi naman matulin ang patakbo ng sasakyan dahil checkpoint na yung unahan.
"Boss, anong gagawin natin? May mga parak!”
Tinig ng lalaki na ngayon ay lumabas ng kotse at lumapit sa bintana kaya narinig niya ang boses nito.
"Buhatin mo, lalabas ako," boses ng nasa loob kaya biglang bumuhay ang poot sa dibdib ng dalaga ng marinig niyang muli ang tinig na iyon.
"Good evening Don Fernando.” Bati ng pulis.
"Good evening din, sir. Baka naman puweding kayo na ang bahala mag-areglo magbibigay ako ng pampadulas.”
Lihim na nakuyom ng dalaga ang kamao kahit na buhat siya ng tauhan ng Don.
"Sir, gusto namin ‘yan kaso may mga camerang nakatutok sa atin.” Sagot ng pulis.
"s**t! Mura ng matanda at nagpalinga-linga.
"Sir Fernando, ganito nalang. Sa tingin ko maganda ang pagkakataong ito dahil may reporter doon oh, mababayaran natin ‘yon at ipapalabas natin na aksidente ang nangyari at kukopkopin mo, ang pulubi.”
"Why would I do that? I don't waste my time and money for—“
"Don Fernando ‘diba tatakbu kang senador sa halalan? Putol ng pulis sa sasabihin ng Don.
"Magagamit mo ‘yan, tetetisgo ako, kami ng mga kasamahan sir, lalong babango ang pangalan mo." Suhestyon ng pulis at kahit hindi niya makita ay alam niyang napaisip si Fernando sa sinabi nito.
"Binggo"
Turan ng isip ng dalaga at tuluyan ng pumikit dahil sa subrang init, at pagod na ilang araw na pagala-gala matyempuhan lang si Don Fernando. Pumikit ang dalaga dahil tagumpay ang plano niya. Ang mga batang bumabato sa kaniya, ang pekeng reporter at ang mga pulis ay binayaran niya upang maging tagumpay ang kaniyang plano.