bc

Slave

book_age18+
22.4K
FOLLOW
83.4K
READ
billionaire
revenge
others
possessive
sex
age gap
drama
twisted
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

He believes love is crime, but he caught red-handed.

chap-preview
Free preview
January 25, 1997
Ang nakaraan... Sa malayong lugar kung saan tumama ang malakas na bagyo na pinangalanan itong ‘Magda’ may isang pamilyang sumisigaw ng tulong. “Mga kapitbahay tulong? tulungan niyo kami, parang awa niyo na!” Sigaw ng mag-asawang tumatakbo sa kalagitnaan ng hagupit ng hangin, at malakas na bugso ng ulan. kalong-kalong ng asawang babae ang maliit nitong anak. Habang ang asawa nito ay mahigpit ang kapit sa kamay ng asawang si Flor dahil sa natamo nitong sugat sa tuhod. "Tulungan ninyo kami!” muling sigaw ni aling Flor. Subalit hindi sila pinansin ng mga ito at pinagsasarhan sila ng pintuan at bintana. Bakas sa mga ito ang takot sa mukha at ang iba ay napapa "cross Sign" pa. Hindi nila masisi ang mga ito dahil kahit sila ay takot rin sa Alkalde ng lungsod. "Inay...Itay,” hikbi ng batang babae "Shhh. Wag kang iiyak anak, maging matapang tayo. Diba ‘yan ang turo ni tatay?” matapang na turan ng ama sa anak. Hindi siya puweding makitaan ng bata ng takot lalo pa't nasa kalagitnaan sila ng peligro. Pumasok ang mag-iina sa isang sulok sa loob ng sementeryo, yakap-yakap nila ang nag-iisang anak na si Carmela upang magtago. Ngunit, sadyang tadhana na nila ang kamatayan dahil agad silang nakita at hinatak si Aling Flor ng lalaking may-hawak na baril, dahilan para mabitawan ng asawa nito ang bata at yakapin ang asawa. "Parang awa n’yo na, ako nalang. Huwag ang mag-ina ko?" pagsusumamo ng asawang lalaki. "Ubos na ang pasensya ko, masyado mo akong ginalit!" singhal ng alkalde at walang ano-ano'y kinilabit nito ang gantilyo ng baril at pinutok sa ulo ng lalaki. "L—Lito, asawa ko?” Bang. Bang. Bang Tatlo pangmagka sunod-sunod na putok ng baril ang kumawala at tumama iyon sa dibdib ni Aling flor. Kasabay nang patak ng ulan ay ang pagtalsik ng dugo sa mukha ng bata. Tinitigan ng bata ang magulang niyang nakahandusay sa harap niya at naliligo sa mga sarileng dugo. Ngunit hindi mo ito makikitaan ng lungkot o luha sa sinapit ng mga mahal sa buhay. Hindi katulad ng normal na bata, ang mga mata nito ay walang bakas na takot o pagka-habag. "Son, Come here... I want you to kill that kid," tawag ng alkalde sa kaisa-isa nitong. "But dad—“ "Wanna prove yourself to me?” He cut him off "Yes." "Then do it!" mariin na turan ng ama sa binatilyo. Hinawakan ng binatilyo ang baril na bigay ng ama at tinutok sa bata. "Hurry Son, we have a meeting with Mr. Clayton, I'll wait you in the car." Huling ani ng alkalde at sinamahan ito ng mga alalay palabas ng sementeryo. "Magda." Mahinang wika ng bata at kahit malalaki at masakit sa mata ang patak ng ulan ay sinalubong niya ng tingin ang binatilyo. "What? Konot noong tanong ng binatilyo sa bata. "Magda ang pangalan ng bagyo." Pag-uulit na wika ng bata. Habang hindi kumukurap at nanatiling nakatitig sa binatilyo na para bagang pinag-aaralan nito ang mukha. Sa mura niyang edad ay alam niya ang nangyayari sa paligid. Alam niya ang araw at oras ng pagpatay sa kaniyang magulang. Napakonot noo ang binatilyo dahil hindi niya makuha ang pinoponto nito. Lumapit pa siya dito at tinutok sa noo ng bata ang baril. "I'm sorry little girl, but you must die." Saad ng binatilyo dahil alam niyang malalagot siya sa ama kung hinde niya susundin ang utos nito. Pumikit ang binatilyo at kakalabitin na sana niya ng inagaw sa kanya ang baril ni Mang Tasio, ang tauhan ng ama niya. "Sir, ako po ang gagawa para sa inyo," pagboboluntaryo nito. "Hind puwedi, magagalit si Dad!" saad ng binatilyo. "Hindi niya po malalaman." sagot ni Mang Tasio. "Sige. Bilisan mo, ayokong pumalpak kay dad, patayin mo agad ang batang 'yan!" maotoridad na utos nito at sumunod na ito sa amang palabas ng Sementeryo. "Masusunod, sir Steve." Binalingan ng Matanda ang batang babae nakaupo at sinundan ng tingin ang papalayong binatilyo. “Steve, kung mabubuhay man akong muli, sinusumpa kong luluhod ka sa harap ko at magmamakaawa.” Bulong niya sa kawalan at pumikit. Bang. Bang Tatlong putok rin ang maririnig sa lugar na iyon dahilan para magsipalakpakan ang nasa loob ng kotse na animo'y isang laro na napanalunan nila. Napaluhod si Mang Tasio, pagkatapos niyang akuin ang pagpatay sa bata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
178.4K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.2K
bc

Dangerous Spy

read
310.2K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.8K
bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook