Kabanata 3

1233 Words
Pakurap-kurap si Magda ng magising at agad na tumambad sa kanya ang babaeng naka-uniorme. "Mis—Maa—Bali—ano ba ang itatawag ko sa ‘yo? Basta! halika't papaliguan kita. Wika ng babae at hinila siya pero nagmatigas ang dalaga. "Ayoko po. Alis na po ako." Ngusong turan ng dalaga. "Hindi, puwedi. Ako ang mapapagalitan at aayusan kita dahil may mga reporter na darating!” "Ayoko sabi takot ako sa tubig, eh." Pagpupumiglas ng dalaga. "Paluin kita? Pananakot ng babae. "Sige na nga, mabilis lang ah?” Hirit ng dalaga at nagpatianod sa babae at hinayaan niya ito kung ano ang ginagawa sa kaniya. PAGKATAPOS AYUSAN ay pinaupo na ito ng Don sa harap ng maraming Camera. Kanya-kanyang kuha. Kanya-kanyang tanong. "Magda po ang pangalan ko, at okay lang po ako. Inalagaan po ako nila." Mahinang sabi ng dalaga at nilalaro ang mga dalire sa kamay habang nakayuko. "Natatakot ako sa inyo ang gugulo ninyo, ayoko na po," bigla niyang sigaw at tinakpan niya pa ang dalawang tenga. "There's nothing to be worry, the girl is safe. I decided to keep her since she's nowhere else to go. Please cut it off. It must be frightening for her,” kalmadong wika ng Don. "Sir Montenegro one more question please? Why did you do that? I mean, puwedi mo naman siyang ibigay sa mga ampunan? Or DSWD?” Tanong ng reporter. “Well, naisip ko na rin ‘yan at kinausap ko ang babae. At gusto niyang tumira dito kasi nagiging masaya siya. Ofcourse, inaalagaan siya ng mga maids. I promise as long as she stays, I will protect and keep her from harm. I will give her needs. I will take care of her like my own daughter.” "Wow! The best po kayo, don Fernando. Napakabait niyo naman at kinopkop ninyo ang baliw.” "Oh, small things. You know, I'd love to make people happy specially those homeless people.” "Mas lalong nakikilala ng mga tao ang isang Fernando Montenegro. For sure mananalo kayu sa susuno—“ "Oh stop it, ayokong haluan ng pulitika ito." Nagtagis ang bagang ng dalagang si Magda ng marinig ang kaplastikan ng Matanda sa tabi niya. Kung hindi lang siya nagtitimpi ay baka nasabon na niya ito sa harap ng camera at panigurado hindi pa ito nasisikatan ng araw ay laman na ito ng telebisyon, radyo at dyaryo sa buong Pilipinas. Gayunpaman ay mas magandang plano ang dalaga kaya pinili nalang niyang manahimik at makisabay sa awitin ng tugtugin. °°°°°° Pagkatapos ng palabas na iyon ay binalingan ng Matanda ang dalaga. "How are you feeling?" anya at pinaharap ang dalaga sa kanya dahilan para mamilog ang mata ng Don dahil sa mala-anghel nitong mukha. "Wow! I didn't expect you have that kind of beauty and perfect body. You are beyond beauty, my lady!” Lihim na napangise ang dalaga kahit ilan-dan-taon na ang nakalipas ay babaero parin ito. Pero mas pabor yun sa kanya dahil hindi siya mahihirapan na makuha ang loob nito. Sandata ang mukha para sa hustisya! "A—Ano p-po ang sabi nnyo? Bakit po kayu nag-englis spokening hindi naman ako amerikano." Naka-pout niyang saad kaya mas lalong nabighani ito sa kanya. "Ah, Magda ang ibig kong sabihin, ano ang ginagawa mo do’n sa kalsada? Mukha ka kasing— baliw ka ba?” "Ang totoo n'yan po ay hindi naman talaga ako baliw," pagsisimula niya at sinalubong ang tingin ng Don. "Kung ganoon, bakit ka napadpad doon anong nangyari sa 'yo? Seryosong tanong ng Matanda. "Yung nanay ko po kasi addict at yung tatay ko ay magnanakaw kaya parehos sila nahuli at nakulong. Kaya ito ako, laman ng kalsada. Walang direksyon ang buhay. Nagbaliw-baliwan lang ako para hindi ko maramdaman na mag-isa ako. Nangungulila ako,” biglang humagolhol ang dalaga sa harap nito kaya naman ay agad na inalo ito ng Don. "Shhhh. Wag ka nang umiyak. Nandito ako, ipaparanas ko sa ‘yo ang maging masaya. Pupunan ko ang pagkukulang nila." "Talaga? Hindi mo ako itataboy katulad ng ginawa ng nanay ko?" Singhot na tanong ng dalaga. "Oo. Hindi kita pababayaan. Ilang taon kana pala?” "Hindi ko po alam. Pero sabi na nanay ko ay pinanganak niya daw ako noong malakas ang bagyo." Napailing-iling ang Matanda. "Di bali na dayain natin ang edad mo." Wika nito at tinawag ang kasambahay para ihatid ang dalaga sa magiging kwarto nito. MAAGANG NAGISING ang dalaga at pagkatapos niyang mag-ayos ng sarile ay agad siyang nagtungo sa kusina upang tumulong sa paghahanda ng umagahan ng mga amo. Nakayuko lang ang dalaga habang nag slice ng sibuyas. Nang Matapos sa ginagawa ay nagpapaturo naman siya kay Manang Tess sa mga dapat pang gawin. "Wala naman po akong gagawin, turuan ninyo na lang po ako kung ano pa po ang puwedi kong maitulong." Mahinahon na wika ng dalaga sa Ginang. "Sigurado ka ba hija? Hindi mo naman kasi ito trabaho pero sige lalo pa't day off ni Farah ang nag-alaga ng mga halaman. Oh siya, kunin mo nalang yung hose at diligan mo ‘ong mga halaman." Mabilis naman iyon sinunod ng dalaga at sinimulan na nga niya ang pagdilig. Ngunit sa kabilang banda ay iba ang pinaplano niya. Hindi naman talaga siya interesado sa kahit na anong trabaho dito sa mansyon. Ang kailangan niya lang ay ang magmanman. Nililibot ng dalaga ang paligid ng mansyon at pag-aralan ang bawat sulok nito. Hindi siya puweding pumunta na lang at maglibot-libot dahil malamang pagdududahan siya. Mabuti narin ito atleast may dahilan siya kung bakit siya narito. Gayunpaman ay hindi siya nagpapahalata na inaaral niya ito dahil kahit hindi niya tingnan alam niyang may mga Camera sa bawat sulok. Kaya limitado parin ang bawat galaw niya. "Magda, pinapatawag ka ng Don." Sigaw sa kanya ni Manang Tess. "Sige po, ibubuhol ko lang po itong hose," sagot niya pabalik. Inayus ng dalaga ang sarile at nakangiting humarap sa bagong gising na amo. "Goodmorning Sunshine," nakangiting bati sa kanya ng matanda. "Goodmorning din po," masiglang tugon ng dalaga na siyang lalo na ikinangiti ng malaki ng Don. "Oh, darling, 'wag kang mahiya kumain ka lang. Pinahanda ko ‘yan para sa 'yo!” "Salamat, darling" tugon ng dalaga at bigla siyang nabilaukan dahil sa kaplastikan niyang iyon. "Okay, kalang?” pag-aalalang tanong nito at agad siyang inabutan ng tubig. "Ah, Oo. Nasamid lang." Palusot niya at pinagpatuloy ang pagkain. Pasimple niyang sinipat ng tingin ang kabuuan ng bahay dahil gabi siya noon ng makarating dito kung kaya't hindi niya ito napagmasdan. Maganda ang bahay at halatang mamahalin ang kagamitan na minsan niya lang makita sa isang teleserye o magazine ng mga royalty. "Manang?" tawag ng Don sa katiwala na nasa gilid lang. "Ano po ‘yon Sir?" magalang nitong saad. "Tawagan mo ang anak ko, sabihin mo umuwi siya nandito na kamu ang magiging mommy niya.” Biglang kinabahan ang dalaga sa sinambit ni Fernando. Magku-krus uli ang landas nila ng anak nito ang binatilyong nagpapatay sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. "Paano kung ayaw ng anak mo sa akin? Okay lang wala naman akong magagawa aalis nal ang po ako mamaya," pangungunsensya niya. "Saan kanaman pupunta? tanong ng lalaki. "Bahala na si batman," kibit-balikat niyang sagot. "No. Stop that mindset. You will end up again on the street with empty handed. Stay with me, ako ang bahala sa 'yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD