Kabanata 1

1727 Words
10 Years Later PAYAK ang pamumuhay ng mga tao sa bayan ng Maria Makiling, kasabay ng paglipas ng panahon ay ang Pagtatayuan ng iba't ibang establisyemento at mas lalo pang dumarami ang mamamayan kung kaya't unti-unti itong umu-unlad. Kung mapapagmamasdan ng bagong salta o dayo na nagmula sa syudad ay talaga namang ma-mamangha sa presko ng hangin at magandang tanawin sa mga nagtatayugang kabundukan sa kalayuan. Ngunit kabaliktaran iyon sa mga matagal ng naninirahan sa nasabing lugar. Kabaliktaran iyon para kay "Magda" kahit na anong paganda pa ng lupang sinilangan ay hindi mababago sa kaniya ang sinapit na "Trahedya" ng kanyang magulang sa kamay ng mga Montenegro sa mismong sementeryo na ngayon ay ginawang Paaralan. Nagtirik ng kandila ang dalaga sa gitna ng plaza, kung saan doon mismo namatay at nilibing ang kanyang Magulang. Mr. Ching, Fernando, Rolando, Steve. Mr. Ching, Fernando, Rolando, Steve. Imbes alayan ng dasal ng dalaga ang mga magulang ay ang pangalan ng kaaway ang paulit-ulit niyang binabanggit. Marami mang nakakapansin sa dalaga at nagbubulung-bulungan ang estudyante sa paligid. "Anong ginagawa niya riyan?" sabi ng isang estudyante. "Aywan! baka baliw 'yan, halika't isumbong natin sa guard." Pagbalik ng mga estudyante sa plaza kasama ang guard ay wala na silang naabutan na babae, wala ring bakas na kandila kaya napailing ang gwardya at nagsitakbhuan naman ang mga estudyante. "Hala! Bakit nawala yung babae kanina? ‘diba nakita niyo rin tas nag tirik pa ng kandila?" hangos na sambit ng isang estudyante. “Oo. Nakita namin baka totoo nga, totoo nga na sinumpa ang paaralang ito dahil taon-taon may namamatay na estudyante sa pagsapit ng graduation. Oh my God! kinikilabutan ako, takbo!” Tanaw ng dalaga ang pagakakagulo ng mga estudyante sa di-kalayuan sa kaniyang kinaroroonan. Paalam muna Inay, Itay. Sa pagbalik ko, pinapangako kong makakamit ninyo na ang hustisya na pinagkait sa atin ng panahon. Bumalik siya ng bahay at nag-empake ng gamit. Tama na ang labing tatlong taon na pagtatago at pag-aaral. Panahon na para siya naman ang maniningil. Sinusumpa niya na kahit si satanas ay takot humadlang sa plano niya. Dahil sa pagkakataong ito, siya ang batas! 1 month later… KANINA pa ba 'yan? Tanong ng police investigator "Yes sir!" sagot ng isa pang pulis. "Anong ginagawa niya, may napansin ba kayong kakaiba sa mga kinilos niya habang nakaupo?" "Bukod sa paninigarilyo wala na po, sir." "Naka-on ba ang camera?" "Yes po.” "Alright," saad ng lalaki at pumasok na sa loob, at sinarado ang pinto. "Miss Magda Corpuz, isang tanong isang sagot, anong ginagawa mo sa hotel dela guardya?” walang paligoy-ligoy na tanong ng lalaki sa dalaga. "May date po ako no’ng araw na iyon." "Si Mr. Ching? tama?" konot-noong turan ng lalaki. "Opo," maikling na sagot ng dalaga. Now, tell me bakit nabaril si Mr. Ching, gayong ikaw ang kasama niya ng maganap ang krimen?” "Hindi ko po alam, sir. Nag-dadate po kami ng ilang linggo na rin po at madalas kami sa Hotel niya. Pero no’ng araw na iyon ay hinintay ko po siya sa lobby kasi sabi niya aalis kami. Pero natapos na po ang isang oras hindi po siya nagpakita saakin. Narito po ‘yong conversation namin," paliwanag ng dalaga at binigay dito ang phone niya. Ngunit hindi ito kinuha ng lalaki at mataman nitong titinitigan ang dalaga. "Sir, nagsasabi po ako ng totoo, bakit 'di niyo suriin ang CCTV ng hotel?” mahinahon na sabi ng dalaga. Napabuntong hininga ang lalaki at umiling. "Fine. I'll see you around, Miss Corpuz.” Hindi ito pinansin ng dalaga at normal na naglakad palabas ng presinto na animo'y walang nangyari. Hawak ng dalaga ang dagger at nilalaro-laro niya ito sa palad niya. Mabilis niya itong hinagis at tumama ito sa mismong noo ng larawan ni Mr. Ching sa dingding. Napangisi siya, hindi niya maiwasan balikan ang nangyari. Nakatayo ang dalaga malapit sa bartender at nilalagok niya ang hawak na wine sa maliit na kopita at pasimpleng sinisipat niya ng tingin si Mr. Ching, na napapalibutan ng mga babae at sa likod ng mga ito ay ang mga tauhan ng intsik. Nakita ng dalaga na tumayo ang matanda at pumunta ng banyo kasama ang dalawa nitong alalay. Mabilis na sinundan ito ng dalaga, at nagkunware itong inaayos ang kaniyang takong nang palabas na ang Intsik mula sa banyo. Tumayo ang dalaga at nang mag-angat siya ng tingin ay sinadya niyang bunguin ang isa sa tauhan nito. "What the f**k?“ "I'm Sorry, Mister—“ ani niya sa gwardya at lihim siyang napangiti nang mapahinto rin ang matandang negosyante at nakuha nito ang atensyon niya. Si Mr. Ching talaga ang puntirya niya, pero dahil sa mautak siya ay ito ang binangga niya. Para hindi halata na ito ang pakay niya. Kaagad siyang nagbaba ng tingin at nahihiyang naglakad. "Is there anything else I can help you with, Miss. Beautiful?” Sumilay ang mapaglarong ngiti ng dalaga. Ngunit mabilis ‘yon naglaho nang pumihit siya paharap sa intsik. "Ahmm… nawawala po kasi ako eh, hindi ko alam paano lumabas dito at pauwi ng bahay," bakas sa mata ng dalaga ang pangamba na agad namang nasalo ng kausap. "What? What do you mean?” saad ng intsik na ngayon ay maayos na nakaharap sa kanya at pina-usog pa nito ang tauhan. "Hindi naman po kasi ako dapat nandito eh, sinama lang ako ng kakilala ko po para daw makabiktima ng maperang lalaki. Pero po kasi nag-aalangan po ako, alam ko pong kailangan ko ng pera kaso po, natatakot po ako eh, ist time ko po kasi," nguso nitong saad at pinitik-pitik pa ang mga dalire niya sa kamay. "Okay, Ms. Beautiful, tutulungan kita, kaso gabi na kung gusto mo dito kana magpalipas ng gabi. Pag-aari ko naman ang bar na ito so pumili ka ng magiging kwarto mo, hmm?" "Talaga po? ikaw ang hero ko, aja!” bulalas ng dalaga at niyakap ang intsik at dinul-dulan pa niya ang katawan sa lalaki. TAGUMPAY ang plano ng dalaga at nagbubunyi ito sa loob ng kuwartong dinalhan sa kanya ng staff ng hotel. Kinaumagahan ay nagkita silang muli ng matandang Intsik at ito pa mismo ang naghatid sa kanyang barong-barong na bahay. "Dito ka nakatira?" konot noong tanong ng Matanda. "Opo," sagot niya. "Ate, gutom na bunso... Wala ka po bang dalang pagkain?” agaw atensyon ng batang marusing at walang damit at walang tsenelas. "Wala bunso, walang benta si ate, eh. Mamaya manga-ngalakal tayo, huh?” "Pero ate gutom na bunso. Mamahh, hinge singko bili tinapay" pangungulit ng bata at niyuyog pa nito ang pantalon ng Intsik. "Sige, magpapadeliver tayo ng pagkain. Ah Magda, gusto mo sa bahay na lang kayo tumira total ako na lang mag-isa sa aking mansyon." "Naku, nakakahiya po lalo na hindi naman tayo, mag asawa," kagat-labing sabi ng dalaga at yumuko. "Let's get married then? hindi ka naman na under age, and besides mag-isa na ako sa buhay at matanda na rin naman ako, gusto ko lang ay may makakasama ako hangga—“ "Ligawan mo muna ako!" putol ng dalaga sa sasabihin ng matanda na siyang kinakislap ng mata nito, "Syempre babae pa rin ako, gusto ko maranasan ang maligawan, sasagutin naman kita eh!" nguso niya pang dagdag. "Ohh, Ofcourse. I'll court you, sweety. Pinapangako kong hindi, ka mag-sisisi." Masayang turan ng matanda bago umalis, Subalit, mas masaya ang dalaga dahil mismong si kamatayan na ang kumakampi sa kanya. MAKALIPAS nga ilang linggong pag-liligaw ng matandang intsik sa dalaga ay inaya siya netong pumunta ng Paris kaya sumang-ayon agad ang dalaga at sa no’ng araw na nagkita sila ay doon niya plinanong patayin ang negosyante. Nanatiling nakaupo ang dalaga sa sofa ng lobby at tumitingin ng isang magazine. Pagpatak ng alas singko ng hapon ay dumating ang tauhan niyang assassin, magmula sa buhok, katawan, kulay ng balat, damit at bag ay magkaparehang-magkapareha ang dalawa. Naglakad ang dalaga sa isang sulok kung saan hindi ito abot ang CCTV at nagpalit sila ng assassin ng pwesto. Pumasok sa VIP room ang dalaga samantalang ang assasin naman ay umupo sa inupuan ni Magda at hawak ang isang magazine. "Babe, s**t! We’ve been a months let's do this. Lemme kiss you?" hirap na anas ng matandang Intsik. "Natatakot ako, baka kasi pagtapos mo akong pagsawaan a-abandonahin mo ako? Nakasimangot ang dalaga sa harap ng matanda. "No. It's not gonna happen my dear, seryoso ako sa iyo." Tugon nito habang hinawi ang kanyang hibla ng buhok na tumatabon sa kanyang mukha. "Sige, maliligo lang ako. Bigyan mo ako ng ilang minuto," ani ng dalaga. "Alright, my love. Take your time," ngiting tugon ng matanda. Pumasok ang dalaga sa banyo at walang sinayang na oras agad niyang tinaas ang suot niyang mahabang palda at kinuha ang baril na nakalagay sa ilalim ng binti niya at lumabas na banyo at eksaktong humarap sa kaniya ang matanda kaya pinutok niya ang baril na walang tunog at sa noo ng matandang intsik tumama. Kinuha niya ang pera at pagbukas niya ng pinto ay agad na tumambad sa kanya ang tauhan nito, agad niya itong pinaputukan at hinila niya ang katawan nito paloob ng room. Pumunta ang dalaga sa taas kung saan naroon ang mga operator ng mga CCTV pinagbabaril niya ang mga bantay at nag-ooperate do’n sa nasabing hotel. Hindi nahirapan ang dalaga na manipulahin ang mga kopya dahil bihasa siya sa mga ganito. Simula noong mailibing ang kaniyang mga magulang ay sinumpa ng dalaga na gagawin niya ang lahat para makapaghigante balang araw. Nag-aral siya ng mabuti at nag ensayo kahit gabi ay nagpapraktis siya kaya walang kahirap-hirap na manipulahin ang mga Cameras. Si Mr. Ching ang nang r*pe sa nanay niya dalawang taon gulang palang siya. Dahil sa "Pobre" sila ay nilunok nalang iyon ng ama niya dahil alam nilang pader ang babanggain nila. Ang pagdakip sa kanya ng pulis Ang pagbayad niya sa ina ng batang marusing. Ang barong-barong na bahay. Ang pagtatagpo ng landas nila at ni Mr. Ching, lahat iyon ay planado! Nagtatagis ang bagang ni Magda. Kating-kati ang mga palad niya sa susunod niyang plano. Si Fernando Montenegro, ang pangalawa niyang target. Ang pumatay sa magulang niya. Hindi basta-basta ang taong ‘yon, maraming mga tauhan at ang karamihan sa kanila ay hunter killer. Hindi siya puweding sumugod na lang nang basta-basta sa mansyon ng pamilyang iyon. Napangisi ang dalaga, dahil may nabubuo ng plano sa utak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD