Napagpasyahan kong umuwi na lang dahil wala naman akong napapala kay Ashley dahil hindi niya talaga ako pa iinomin ng alak. Nagpaalam ako sa kanyang uuwi na muna ako. Hindi naman niya ako pinigilan.
Nagtagal ako roon ng isang oras bago ako lumabas ng club. Nasa parking lot pa lang ako nang matigil ako sa isang pigura ng lalaki.
Sa unahan ng sasakyan kung saan ako nag-park. Nakita ko iyong lalaking nagngangalang Peterson Geonzon na may gana pa akong alukin at ilibre ng inomin kanina sa loob ng club.
Napatigil ako sa pagbukas ng pintuan para tingnan siya nang mas maigi. I want to see his face but it's too dark in his erea.
Hindi masiyadong klaro ang mukha niya sa puwesto ko dahil madilim ang parte ng parking lot. Ngunit nakita ko ang usok ng sigarilyo na nanggaling sa bibig niya at agad na tinapakan sa kanyang paa.
So... He smoke? Ngumiwi ako. Sucks!
May babaeng nakasandal sa kanyang kotse. Hindi siya nag-iisa sa madilim na parteng iyon. Para siyang pinipigilang umalis noong kaharap niyang babae na may maiksing suot at mataas na takong. Nakita ko rin ang galit ng babae. They were talking.
Nang masinagan sila sa dumadaan na sasakyan doon ko nakita ang pagmumukha ng lalaki at noong babae. Tumigil sila sa pag-uusap dahil sa sasakyang dumaan.
All I could say, he has this looks. Sobrang guwapo nga at halata ang pagkababaero. Nakakunot ang kanyang noo, at tagis ang bagang habang hawak niya nang mariin sa braso ang babaeng kausap. He looks frustrated and angry at the same time.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Para silang nag-aaway. Well... Ano ba ang pakialam ko sa kanilang dalawa. Both of them is none of my business.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko nang matigil ako sa susunod na nangyari.
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang sinampal ng babae. Sobrang lakas nun, hindi niya naigalaw ang mukha.
What is happening to them? Hindi kaya girlfriend niya 'yan?
Akmang aalis na ang babae nang bigla niya itong hinila saka ito pabagsak na sinandal sa pintuan ng kanyang kotse.
Napatakip ako sa bibig at nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya nang mariin ang babaeng galit na galit. Pilit nanlaban sa mga halik niya. Pagkatapos pinasok niya ito sa kotse nang puwersahan.
Hindi ko maigalaw ang paa. Lalo na noong umiikot siya papuntang driver seat at nakita niya akong nakatingin sa kanya.
Napaatras ako sa paraan ng pag-eye-contact naming dalawa. Nagtitigan kami nang ilang sandali, hindi naman ako makagalaw para umalis. His eyes looks like a magnet. I can't take of my eyes away from him. Dahil nakakabato ang mga titig niya sa akin.
I gasp in fear when I saw an evil smile form in his lips. Madilim ang kanyang mukha dahil sa galit. Nagtaas siya ng kilay sa akin, para bang nagbabanta sa mga tingin niya. Sinasabi niya sa kanyang mga tingin na pagbayaran ko ang pakikinig sa kanila noong babae. Makalagot ako dahil sa nasaksihan ko kanina.
Hindi matanggal ang titig ko sa kanya. Nakatunganga lang ako roon sa kanya. Para siyang may mahika dahil hindi ma maka-imik sa kanyang mariin na titig.
Before he entered in his car. Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. He make a whisle at me. Nagtagis muna ang kanyang bagang. Before his car run fastly.
Doon lang ako natauhan. I shake my head, upang mawala ang nakakawala sa ulirat na tingin ng lalaking iyon na nagngangalang Peterson.
Nang matauhan ako sa pagkatulala sa kanya. Mabilis akong pumasok sa kotse kong dala. Hinawakan ko ang puso ko nang makapasok sa loob, lalo na noong makaramdam ako ng labis na kaba.
Why my heartbeat so fast?
Bakit sobrang nakakatakot ang mga mata niya? The way he smiled at me evily, sobrang nakakaba. He looks very dangerous to me. Bakit parang nagbabanta ang mga tingin niya sa akin? What was he thinking!?
I think I can't rid him on my mind. Nakakatakot siya... All I can say. Siya ang lalaking gugustuhin mong hindi mo makilala.
Umuwi akong hindi mapalagay. Ang mga mata niya ang pumapasok sa isip ko nun habang nagda-drive pauwi. I don't know, what's with him? Masiyado siyang delikado sa paningin ko. Akala ko malugutan na ako ng hininga kanina katitig sa kanya. I'm so stupid para makiusyuso pa sa awayan ng jowa niya.
Hmm? Jowa niya ba talaga 'yon? Bakit galit na galit 'yon sa kanya?
Pinilig ko ang ulo saka ko pilit na winaglit sa isipan ang lalaking iyon. There's something on him. Gosh! I need to divert my mind. Kailangan ko siyang alisin sa isipan ko. Pero kahit ano'ng pilit kong iwaglit ang tagpo namin kanina sa parking lot ng club. Kinikilabutan pa rin ako nang maalala ko ang kanyang nandidilim na titig sa akin. And those evil smile. Nakakanginig ng kalamnan.
Nang makauwi ako ng bahay. Tahimik na ang malawak at malaking bahay namin. The last time, I went here nag-aaway ang parent ko. I didn't heard my Mom and Dad fighting again. Shouting again about their business. Mabuti naman dahil ayaw ko silang naririnig na nag-aaway dahil lang sa pera.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pang pag-awayn ang pera? Puwede naman itong kitain sa mga negosyo namin.
Noong bata pa ako, naririnig ko pa rin silang nag-aaway. I only cried... I was too innocent back then. Mag-isa lang ako sa kuwarto, mahirap din kasi kapag only child ka. Wala kang mapagsabihan ng mga hinaing mo sa buhay. Mabuti na lang nandiyan ang kaibigan kong si Ashley.
This day is too tiring for me. Hinilot ko ang noo nang may naaalala akong usapan namin ni Mommy.
Bukas may pasok ako sa office. Iyon ang sabi ni Mommy na ako muna ang mag-ma-manage ng negosyo namin. I will be the acting CEO tomorrow. I'm studying business management kaya excited ako bukas na magdala ng mga empleyado.
Wala man akong experience tungkol sa trabahong ipapagawa ni Mommy. Siguro naman magagawa ko pa rin ito ng maayos lalo na't Company naman namin ang dadalhin ko.
I don't know why my Mom suddenly think about it? Siguro dahil gusto niyang malaman ko kung ano ang pasikot-sikot ng Company.
Naligo muna ako, so that I can refresh my mind. Sa kalagitnaan ng pagligo ko. Naalala ko na naman ang lalaking 'yon.
I remind how he was slapped so hard on his face. Nakita ko rjn kung paano niya hinaharass ng halik ang babae. But those mysterious eyes was still in my mind. Ang ngisi at nandidilim niyang titig ang paulit-ulit na nag-flash sa utak ko.
Tinapat ko ang ulo sa shower upang malamigan itong uttak ko. Ang taong iyon ang hindi mawala sa utak ko habang naliligo. Hindi ko na mawaglit sa isipan ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Bigla akong kinikilabutan, lalo na noong hinalikan niya nang mariin ang babae. What's with him? Bakit ako bino-botherd ng Peterson na 'yon? He's just nothing but a maniac... And my friend said, kung sino-sinong babae ang nakakasama niya. In short he is a damn womanizer. There's no way for me na mababaliw kaiisip sa kanya.
Napahilamos ako sa mukha nang bigla na namang nag-flash sa utak ko ang mysteryoso niyang mga mata.
What the hell with me? Bakit siya na lang ang nasa isip ko mula noong makita ko siya? This is not good. Siguro gawa lang ito ng wine.
After a couple of minutes sa pagsho-shower. Nagbihis ako ng silk sleeping wear. Dumapa ako sa kama para tawagan ang boyfriend kong si Aldwin.
Habang tinitingnan ko ang pangalan niya sa caller ko. Hindi na mawala ang ngisi ko. Ilang araw na kaming hindi nagkikitang dalawa. I miss dating him in private. Dahil na rin sa daming nangyari sa buhay ko these past few days. Wala na kaming oras sa isat-isa. Bukas babawi na ako.
"Hello, babe!" I shouted in happiness. Agad kong tinakpan ang bibig. Natatakot na marinig ako ni Mommy.
"Mabuti at tumawag ka sa akin, Ariyah! Kanina pa ako naghihintay sa tawag mo." Halata sa boses niya ang pagtatampo.
Sinabi ko kasi sa kanya na huwag niya akong tawagan. Dapat ako ang tatawag sa kanya. Natatakot akong baka mahuli kaming dalawa ni Mommy at Daddy kung bigla-bigla na lang niya akong tawagan. Masiyadong strict si Mommy at Daddy sa akin. Lalo na sa mga lalaki, mapili sila sa mapapangasawa ko o maski sa magiging boyfriend ko.
Naalala ko pang sabi nila na dapat daw mayaman, marunong magdala ng negosyo. Hindi lang 'yan, kaya akong alagaan. Iyan ang gusto nilang mapapangasawa ko.
Itong pagkakaroon namin ng relasyon dalawa ay pawang pagtatago lang. Aldwin Fuentes is my college crush noon. Bukod sa mabait na, matagal niya rin akong niligawan ng palihim. Dahil pareho kaming takot sa parents ko. Alam niya kasi ang stado ng buhay ko. Mayaman kami, maraming negosyo ang parents ko. Samantalang mahirap naman sila. Ngunit hindi, ako bumabase sa stado ng buhay ng tao.
Mas gusto ko pa rin ang lalaking may respito sa akin. Malambing, masarap magmahal, sobrang caring din.
Hanggang sa magtapos kami ng college. Nagtrabaho siya bilang isang empleyado ng Company ni Mommy at Daddy. At doon mas lalo kong nakita ang efforts niya sa akin. He sends me flowers everyday and give me a love letters. So cringe but I really appreciate him.
Pumikit ako nang mariin upang maalala pa ang lahat ng efforts niya para masagot ko lang siya. Kahit wala siyang pera sa mga panahon na iyon dahil may mga kapatid siyang pinapakain. He made efforts to surprise me. He invited me in their place. Doon ko nakita kung gaano ka liit ang bahay nila.
May sakit ang mama niya at siya lang ang bumubuhay sa kanyang mga kapatid. Samantalang nasa ibang bahay naman ang ama niya dahil nangaliwa ito.
"Do you like my surprised?" tanong niya nang pagkapasok ko sa kuwarto niya. May maraming balloons, at tarpauline na nakasulat pa ang letre na 'Please say Yes!'
I had many suitors before up until now, but I rejected them. Para sa akin. Mas maganda pa ang efforts nila kay sa kay Aldwin. Pero dahil alam kong dugo at pawis ang inalay niya sa pagdedesinyo. Mas sobra ko itong na appreciate. Sinagot ko siya sa araw na iyon. And he was so happy while hearing my respond. Mabilis lang lumipas ang araw.
Sa tuwing nagde-date kami. Palihim lang at tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam. Our relationship is private.
Ako na mismo ang nagte-treat sa kanya sa tuwing may lakad kami dahil alam kong wala pa siyang sahod para i-libre ako.
We had many experience. We ate some kwek-kwek, fishball and balots together in the street. It is my first time tasting those foods na hindi ko pa natikman sa buong buhay ko. From that then, we always date in the street and eat more street foods. It's my favorite now since he gave me those tries.
Wala namang naging problema sa palihim na pag-iibigan naming dalawa. Dahil masaya at kuntento kami habang magkasama. And now we are 1 year now. At malapit na rin mag 2 years Anniversary naming dalawa. And I had a surprise of him next week. Dahil iyon ang araw ng 2 years Anniversary namin.
"Ariyah! Are you still there? Why you're not talking to me?!"tanong ni Aldwin nang matahimik ako sa kabilang linya.
Napakurap-kurap ako nang maalala ko ang lahat ng moments namin ni Aldwin na para bang wala kaming problema.
"Uh... Yes! I'm still here. Sorry. I was spacing out."
"Hindi mo ba ako namimiss?" tanong niya. Mas lalo lang lumungkot ang boses nito.
I know he doubted my love for him. But he never knew how much. I love him.
"Of course I miss you too."
"Then... why are you not calling me? Simula kaninang umaga. Hindi mo ako tinawagan. Wala akong gana magtrabaho kanina dahil hindi ka tumawag sa akin bago ako pumasok sa trabaho," pagsumbong niya.
I felt guilty. Dahil sa pag-aaway nila Mommy at Daddy kanina nawawala na rin siya isipan ko.
"I'm sorry. Naging busy lang ako kanina. And you know what. I have some good news for you!" siniglahan ko ang boses nang sa ganoon makabawi naman ako sa pananamlay niya. Pero wala pa rin siyang imik.
"What is it?" walang gana niyang tanong.
"Tomorrow. Magkikita tayo."
"I have work load to do tomorrow. Hindi kaya ng schedule ko. Puwede bang ngayon na lang? I miss you a lot," saad pa nito. Sobrang lungkot ng boses.
Natawa na lang ako. Well, Aldwin is a clingy guy. Dito ako sa ugali niya na inlove ng husto.
"Come on... Bukas ng umaga. Magkikita tayo."
"Pero may trabaho ak---"
"Ako na ang bahala. Trust me, you'll be happy about this. For now... We need to sleep. Maaga pa ako bukas."
"Katatawag mo lang? Matutulog na agad tayo? I still want to talk to you. Please, give me a minute?" pagmamakaawa nito.
Nagbuntong hininga ako. Kahit antok na ako, dahil alas dyes na ng gabi. Napilit niya rin akong makipag-usap sa kanya. I asked him, how's his day. As usual. Hindi raw maganda, masiyado raw itong hassle dahil sa dami ng trabahong pinapagawa ni Daddy sa kanila.
Nakinig lang ako sa kanya. Sa bawat pagkukuwento niya sa araw niya hanggang sa hindi ko namalayan. Nakatulugan ko na ang pakikinig sa kanya. I will tell him, tomorrow about the good news. I want to surprise him badly. Gusto kong bumawi.
But before I sleep... Naalala ko na naman ang mga mata ng lalaking 'yon. Those mysterious yet scary eyes of him. Can shivers me to death. He really made my night frustrating by thinking about him.
Si Aldwin ang kausap ko pero ang lalaking 'yon ang okupado ng isipan ko. There's a part of me na gusto siyang makita ulit... I want to see his eyes.