Chapter 3: Wine

2080 Words
He is dangerous. That Peter. He is the dangerous man that I've been encountering for my whole life. Tama si Aldwin. Siya ang pinakadelikadong lalaki na makilala ko. He is like a predator na kapag lalapitan mo. Wala ka ng kawala sa kanya. Base na rin sa mga naalala kong pananakit niya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako habang tinatanaw ang karagatan. So peaceful. Gusto kong may maalala pa sa nakaraan ko, bukod sa pagmamaltrato ni Peter sa akin. I want to know when it started. And who is he in my life. Bakit labis ang galit niya kay Aldwin. Bakit nagawa niya akong saktan nang paulit-ulit. I look at the wine glass in my hand. May blur sa isipan ko ang bigla na lang nagpakita. Isang babae na nakikipag-usap sa akin habang nagmi-mix ng inomin sa counter. Ngunit bigla ring nawala iyon. Napapikit ako saka pilit na may maalala. Ngunit wala nang lumabas sa isipan ko. Pagkamulat ko ng mata, isang asul na dagat ang bumungad sa harapan ko. Nagplano nga pala kaming mag-swimming ni Aldwin sa dagat. I look at him not far from where I am right now. Habang nag-iihaw siya. Panay tingin naman siya sa sa gawi ko. Naka-upo ako ngayon sa lounger bed. Habang nakasilong sa akin ang isang beach umbrella upang hindi ako matataamaan ng sinag ng araw. "Are you okay? Namumula ka na?" tanong niya. Iniwan niya lang ang kanyang pagba-barbeque nang sa ganoon malapitan ako rito. I just nodded. And give him a smile. "I'm completely fine." Uminom ako ng wine glass. Naka isang glass na ako at sinalinan ko ng panibago. Hindi sana niya ako pinahintulutan uminom ng wine ngunit wala siyang magawa sa pagmamatigas ko. Agad na bumalikos ang mga kamay niya sa bewang ko nang makalapit siya. I'm wearing my two peace. Napakislot ako sa init ng hatid nang pagkakahawak niya sa balat ko nang dumampi ang kanyang kamay sa likod ko. Nagulat pa ako roon kaya napaatras ako sa kinauupuan. Upang makalayo sa kanya. Kumunot ang noo niya. Nagtaka sa biglaan kong paglayo. Hindi ko alam pero bigla kong naalala ang paghaplos ng isang Peter sa akin. Bigla-biglang nag-flash-sa isip ko ang bawat haplos niya sa katawan ko. Nang mahawakan ni Aldwin ang bewang ko upang haplusin. "Hey! What's wrong? You're spacing out." Bumalik rin naman ako sa realidad dahil sa boses ni Aldwin sa harapan ko na pilit na kinukuha ang atensyon ko. Suddenly my head hurts. What is that thing? May nangyari ba sa amin noong Peter na iyon? Bakit bigla kong naalala ang bawat haplos niya sa hubo't-hubad kong katawan. And his moan, also his breathless breath in my ears while we are doing some... "Are you okay?" tanong ulit ni Aldwin. "Uh... Y-yes. I'm okay. May bigla lang akong naalala." Kinagat ko ang pang-ibabang labi. What was that? Bakit ganoon ang naalala ko? I was moaning of Peter's name in my head. "What is it? Is that bad or something miserable? Ano ang naalala mo?" "It's Peter again," mahina kong sabi na ikatigil niya. "Siya na naman? What about me? Do you remember something about me?" he asked worried. Iniling ko ang ulo. Pinilit kong may maalala ulit pero wala ng bumabalik sa mga ala-ala ko. "N-Nothing about you... Since then. Palaging si Peter ang nasa memorya ko. I want to get rid him on my mind. Ayaw kong siya ang naalala ko." And suddenly. Bigla ko na namang naisip ang ala-alang may nangyari sa amin ni Peter. Isang madilim na gabi. Walang ilaw ang kuwarto. Tanging boses naming dalawa ang namutawi. Pinilig ko ulit ang ulo para mawala sa isipan ko ang ala-ala. I was on top of him. Moaning and grinding. "Ariyah! Hey! You're spacing out again!" Bigla na naman akong bumalik sa realidad. "A-Ano nga ulit iyong sabi mo?" I asked confused. He let a deep sigh. "I said. Stop thinking... Dahil siguro sa wine na iniinom mo kaya may naalala ka ngayon. Ano ang naalala mo kay Peter?" his face become serious. Napatitig ako sa kanyang mukha. Palagi akong binubulabog ng halinghing ko sa isipan at ang mga ungol ni Peter. Pinilig ko ang ulo. Siguro na lasing na ako dahil sa wine. Maybe I'm just imagining things. I hope hindi nangyari iyong biglang mag-pop-up sa isipan ko. "W-Wala... Nalimutan ko na," pagsisinungaling ko. Natatakot akong sabihin sa kanya ang naalala ko. Hindi ko lubos akalain na sa daming nangyari sa buhay ko bago ako magka-amnesia. Iyong pangyayari pa ang nahagip ng ala-alala ko. "Are you sure? You forgetten already?" "I'm sure of it. Sasabihin ko sa'yo kapag naalala ko ulit." I smiled. "Fine then. Just don't pressure yourself. Talagang mabilis ka lang malasing. Naka-isang shots ka pa lang pero namumula ka na. That's only a wine, Ariyah. You should take some rest. Tatapusin ko lang itong barbeque." Napatitig ako nang matagal kay Aldwin. Someone's popping on my head again. Pero hindi siya.. kundi si Peter na naman na kanina pa ako binubulabog. Tumayo na si Aldwin para balikan ang barbeque. But before that he give me a simple kiss on my lips. "I love you..."Aldwin whispered. And the other man on my mind is whispering the same. Napapikit ako. At biglang naalala ang mga nakaraan kung paano ko unang nakita si Peter. "Tumatakas ka na naman?" A woman asked. I was in the counter of the bar. When a woman at my aged talking to me non-stop. "Hindi ako tumakas. Sinadya ko lang pumunta rito para bisitahin ka," I lied. She lend me an orange juice. Alam niya yatang hindi ako umiinom ng alak kaya juice ang binigay niya sa akin. "Harujusko! Kilala ko iyang ugali mo, Riyah! Huwag ako! Nag-away na naman ang magulang mo kaya ma naparito? Pumupunta ka lang sa club na ito kapag gusto mong may pagsusumbungan, di ba?" she asked and then she rolled her eyes at me. Malakas akong nagbuntong hininga. "I don't know anymore. Yong parents ko na naman. Palagi nilang pinag-aawayan ang pera. Malaki naman ang kinikita ng business ni Mommy at Daddy pero nag-aaway pa rin sila." "And so? Ano'ng sabi?" tanong niya. Hindi ako nakasagot. Malakas ulit akong nagbuntong hininga. Tinungga ko ang juice niyang bigay saka ko ito nilapag sa harapan niya. "Gusto kong maglasing ngayon. Puwede mo ba akong bigyan ng alak?" First time in my entire life na nanghingi ako ng alak sa kanya. Kaya laking gulat niya lang nang sinabi ko iyon. Tinampal niya pa ang mukha ko na para bang ginigising ako sa kahibangan. "Huy, Sariyah Monique Pascual. Maghunos-dili ka nga! Ano'ng alak pinagsasabi mo? Kailan ka pa natutong uminom ng alak aber?!" nakapamewang niyang saad. I just rolled my eyes. "Just give me... I want to try. Gusto ko lang malasahan ang alak. Nagtataka lang ako kung bakit gustong-gusto iyon ng mga problemadong tao. I heard, nakakawala raw ng stress ang alak. At malilimutan ang problema...So give me a try. Gusto kong mawala sa isipan ko ang pag-aaway nila ni Mommy at Daddy." "Oh gosh! It can't be. Kahit best friend mo ako. Kahit kami pa ang may-ari ng club na ito. Never in my entire life na bibigyan ko ng alak ang isang Ariyah Pascual ng alak. Hindi ka naman marunong uminom. Kapag malasing ka sino ang maghahatid sa'yo? I have still on my duty. Papagalitan ako ni Mommy kapag tatakasan ko itong trabaho ko rito. Kahit sa amin pa ito," litanya niya pa. Napahilamos ako sa mukha. Tiningnan ko na lang ang ginagawa niya sa counter. She is mixing some drinks. Magkaiba ang mga kulay ng alak. I wonder what it taste like? Napalagok na lang ako ng laway. I want to taste it so badly. Kaso kilala ko itong best friend ko. Hindi niya talaga ako bibigyan. Pagkatapos niyang i-mix ang nakakalasing na alak. Binigay niya ito sa mga costumer. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Dim light ang ilaw at may iba't-ibang kulay. Ano pa ba ang aasahan mo sa club? Ganito naman talaga. This is not my first time na napagawi rito. Dahil palagi kong pinupuntahan ang kaibigan ko. "You know what, Ashley. I want to stay here for a while. Can you give me some drinks please?" Pinagtiklop ko ang dalawang kamay. Para bigyan niya ako sa hinihiling ko. "Nope... I won't allow you to drink. Puwede ba... Umuwi ka na. Hindi ka puwedeng magatagal rito sa club. Mahuhuli ka ng Mommy at Daddy mo. Papagalitan tayong dalawa." Napakunot ako ng noo. Talagang tigasin talaga ang best friend ko. Mostly kasi kapag dinadalaw ko siya rito. Hindi ako aabutin ng 5 minutes. At aalis ako agad. "Hindi ako aalis. Nag-aaway pa sina Mommy at Daddy ngayon. Ayaw kong marinig ang bangayan nila tungkol sa pera. Kaya bigyan mo na ako ng isang baso na alak. I want to try it so bad." "Naku! Hindi kita bibigyan. Ako pa ang mapaham----" "Give her some drinks. It's my treat," someone said at my back. His voice is cold and baritone. Naglapag siya sa counter ng malaking halaga. Napatulala ko itong tinitigan. "B-But sir... I can't give her. Hindi iyan marunong uminom. Baka malasing siya," hindi magkamuwang-muwang na saad ni Ashley. "Then give her some wine at least. Hindi iyon nakakalasing." Bago ko pa matingnan ang lalaki sa likuran ko na may lakas loob na i-libre ako ng inomin. Agad na itong tumalikod para umakyat sa second floor ng club. Tanging likod niya lang ang nakikita ko. Napakunot noo ako sa tindig ng katawan niya. Kahit nakasuot siya ng leather black jacket at isang maong pants. Hindi ko ipagkakailang, matangkad siya. Maputi ang balat at maganda ang hulma. "Who is he?" tanong ko nang mawala sa paningin ko ang lalaki. Hindi ko man lang natingnan ang mukha nito bago tumalikod. "He's our regular costumer here. Mayaman iyan. Marami nga lang babae. Hindi ko pa nakita iyan na kapag umalis rito sa club na walang kasamang babae. Araw-araw iba't-iba ang mukha ng naikama niyan," pag-iling pa ng kaibigan ko. "What's his name?" I asked curiously. "Sa pagkakaalam ko he is Peterson Geonzon. He's half-american and filipino. Siya ang anak ng nagmamay-ari ng malaking casino sa Pilipinas at kahit sa labas ng bansa. Iyon nga lang... Maraming babaeng kalaguyo. Kaya huwag kang magpapadala sa mga ganyan. Baka ikaw ang gawing target niya. Mahirap na. Kahit guwapo pa siya. Hindi ako papayag na sa kanya ka babagsak." I started to get curious of his face. Kung ganoon he's a playboy? Kaya pala ni libre ako ng inomin dahil iyon naman pala ang galawan niya para makuha ang loob ng babae. "Ayaw ko sa mga ganyang lalaki. I prefer my boyfriend right now. Aldwin is enough for me. Hindi naghahanap ng iba at ako lang ang kinababaliwan. Kahit ano'ng mangyari hindi ko ipagpalit ang boyfriend ko sa lalaking kagaya niya na hindi makuntento ng isa. Aldwin Fuentes is enough," pag-ngisi ko sa kaibigan. Agad na umasim ang mukha niya. Alam niya kasi ang estado ng buhay ni Aldwin. Pero kung ipagmalaki ko ito, para bang sa lalaking iyon lang umiikot ang mundo ko. "Iyong Aldwin Fuentes? Kailan mo ba ipakilala iyon sa magulang mo? I'm sure hindi nila tatanggapin ang boyfriend mong iyon. Because you know what, he's poor. Bakit sa daming lalaki na kilala mong mayaman doon ka pa sa mahirap na punta." Nawala ang masaya kong ngisi. Sometimes I don't like her mouth, pero wala akong magagawa kung sasabihin niya man iyon. Siya lang naman kasi ang nakakaalam ng lahat ng sekreto ko. "Mabait si Aldwin... He is faithful. Nagtatrabaho ng marangal. Ano naman kung mahirap siya?" "Wala namang problema sa akin ang boyfriend mo. Ang sa akin lang. Maghanap ka ng ka-level mo. Iyong tanggap ng magulang mo para hindi ka na mahirapan. I'm sure. Kapag na laman nilang may boyfriend kang mahirap. They will abandon you as a daughter. Pinangungunahan na kita sa mangyayari sa'yo. Para kapag dumating ang araw na ipakilala mo siya sa magulang mo. Hindi ka na magugulat sa reaction nila." Bigla namang nanghina ang mga buto ko sa narinig galing sa kaibigan. To think na masiyadong strikto si Mommy at Daddy. Nag-iisang anak lang nila ako. And I am sure. Magagalit sila kapag nalaman nilang may boyfriend ako. At hindi pa ka-level ng pamumuhay namin. Pero kahit na ganoon. I still want to fight our love. Kahit tutol pa sila. Kahit sino pa ang hahadlang sa amin ni Aldwin. Siya pa rin ang pipiliin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD